Chapter 47

506 15 9
                                    

Defeated

The party continued but I'm not in my right mind anymore. I wanted to cry but tears won't fall. Tulala lamang ako habang pinagmamasdan sina Yovin at Alisha sa entablado. They're both smiling while my shattered heart breaks into tiny pieces... into dusts. Gusto kong isipin na isa lamang itong masamang panaginip pero hindi ko magawa dahil sa matinding kirot ng puso ko.

Hindi ko matanggap na... magagawa ito sa akin ni Yovin.

"Kapag tinulungan mo ako, ilalayo kita kay William Fausto..." I heard Tito Reymund.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko ngayon.

Everyone has their own way of betraying me. But Yovin's way is undeniably the most cruel one. I couldn't believe it.

"Nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap..." Biglang pagdating ni William. Hindi ako kumibo pero halos mapapitlag ako nang maramdaman ko ang paghawak nito sa baywang ko. Gusto kong haklitin ang kamay nito pero naalala ko ang mga sinabi ni Tito Reymund at ang pangako nito sa akin.

"Ah, may pinag-usapan lang kami saglit nitong pamangkin ko. Bakit? Ipapakilala mo na ba kami sa asawa ng kapatid mo?" Tanong ni Tito Reymund.

"Mamaya pa siguro. Kayro is still busy entertaining  the other guests. Ngayon ko nga lang 'yan nakitang masayang nakikihalubilo. Mukhang botong-boto siya sa mapapangasawa ng anak niya."

Tito Reymund chuckled. "Who wouldn't be? That young man is a very good catch... and a lawyer. Siguradong mapakikinabangan niya ng mabuti. I also tried to pair up my daughter with him but he refused. 'Yon pala ay may ibang gusto. Though I can't blame him. Alisha is really a very beautiful woman."

Muli akong napatingin sa harapan. Alisha and Yovin are now talking to their guests... while holding hands. There are times that Alisha will touch his chest whenever she laughs and Yovin will hold her waist to maintain her close to him.

They looked so sweet.

"Kailan daw ba ang kasal?" Tanong ng tiyuhin ko.

Ayoko nang marinig ang tungkol sa bagay na iyon kaya mabilis akong kumawala mula sa pagkakahawak ni William at nagpaalam na magba-bathroom break lang. Kaagad akong umalis at hindi na naghintay pa sa pahintulot. Tinahak ko ang daan patungo sa gilid kahit hindi sigurado kung patungo ba iyon sa banyo.

Wala na akong pake dahil wala naman talaga akong balak na magbanyo ngayon. Palusot ko lang iyon para makalayo sa kanilang lahat. Dahil kung magtatagal pa ako roon ay hindi ko na talaga alam.

Dumaan ako sa isang pinto palabas at bumungad sa akin ang isang hardin. Nagtuloy-tuloy ako sa paglabas kahit na bahagyang umaambon. Malamig na rin ang simoy ng hangin at bahagyang di na abot ng liwanag mula sa party ang lugar. Pero ayos lang dahil kahit papaano ay nakikita ko pa naman ang nilalakaran ko.

Gusto ko lang kalmahin ang sarili ko kahit saglit at nang makapag-isip ako ng maayos.

Naupo ako sa lupang natatabunan ng bermuda grass at ipinikit ang mga mata.

Si Yovin...

Napailing ako.

He will never betray me. Bakit ko ba naisip ang bagay na iyon kanina? Siguradong may rason siya kung bakit niya ginagawa ito ngayon. He will never intentionally hurt me. He loves me and our child.

I was assured by him from the very beginning. Kaya siguro tama lang naman na hayaan siyang magpaliwanag sa oras na magkausap kami. For sure he has valid reasons and I promise that I will listen and try to understand it all.

Pagkatapos mag-isip ay bumalik na ako sa loob ng mansiyon nang may mabuting disposiyon. Nakapagdesisyon na akong hahanapin ko rito ang black chip pero wala akong planong ibigay ito kay Tito Reymund. If that certain thing is really that important, ibig sabihin lang niyon ay magagamit ko iyon para tuluyang pagbayarin ang mga taong nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang ko.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now