Chapter 32

424 12 0
                                    

Baby

The sun was already setting when we arrived at Elgrecoza, particularly at his condo. Wala namang naging aberya at pansin ko rin ang dami ng mga bodyguards niyang nakahilera sa lobby habang naglalakad kami papasok kaya kahit papaano ay kampante ako.

"Two househelps from Casa Fortalejo will arrive tomorrow. For tonight, I'll just cook I guess? O gusto mo bang umorder na lang tayo sa labas?" Masuyong tanong ni Yovin pagkapasok namin sa condo niya. Kaagad akong naupo sa malambot na sofa at pinagmasdan ang interior design ng lugar. Mixed of gray and white colors, the whole place looked so simple yet extravagant. It's so obvious that the owner is a bachelor.

"I can cook . . ." Tipid na sinabi ko habang inililibot ang buong paningin. Yovin sat beside me and held my hand. Napatingin tuloy ako sa kanya. "What is it?"

Ngumiti siya at umiling. "Wala . . ."

Oh, he's just being clingy as usual, huh? Cute naman.

Tumango ako at humiga sa sofa. I used his lap as a pillow. Pumikit ako at ipinatong ang mga paa sa sofa. "I'll just take a nap. Gisingin mo ako kapag kailangan ko nang magluto." Mahinang sambit ko habang nararamdaman ang pagod mula sa naging biyahe  namin.

"You want to sleep? Sa kwarto ka na kaya?"

Umiling ako. Nakapikit pa rin. "Nah. I'm okay here. Iidlip lang naman ako."

He sighed and caressed my hair. "Okay."

Ngumiti ako at tuluyan nang nagpatangay sa antok at pagod. At nang magising, ay nasa loob na ng isang silid. I was about to panic but when I smelled the scent of the room, particularly the pillows and the comforter that was covering half of my body, I immediately calmed down. I realized that I'm inside his room. Kwarto ito ni Yovin kaya ayos lang.

Umahon ako at binago ang pagkakatali sa buhok. Bababa na sana ako ng kama para puntahan si Yovin sa baba nang bumukas ang pinto at iniluwa siya dala-dala ang isang tray ng pagkain. He immediately smiled when he saw that I'm already awake. May kinuha siyang bed table sa gilid at ipinatong sa kama. Doon niya inilagay ang pagkain na dala niya.

"I'm sorry. I don't have a heart to wake you up a while ago when you're already snoring like a baby. Kaya ako na lang ang nagluto."

"Excuse me? I don't snore!" Reklamo ko pero ngumisi lang siya. "Baka ikaw?"

Tumawa siya. Kumuha ako ng unan at umambang ipupukol sa kanya. Nagtaas siya ng kamay bilang pagsuko. I glared at him.

"Yeah. Baka ako nga talaga. Come on, let's eat now. Gutom na ako at siguradong gano'n din ang babe ko. After this, let's take a rest and sleep. Okay?"

Ngumuso ako. "Fine . . ."

Gano'n nga ang ginawa namin at pagkatapos ay diretso na sa pagtulog. Ni hindi na ako nakapagpalit ng damit dahil sa antok. Na siyang hindi ko maintindihan dahil natulog naman ako kanina pagdating namin, hindi ba?

And when morning came, I woke up feeling so dizzy that I want to throw up everything that I ate last night. Wala si Yovin sa tabi ko nang magising ako kaya kahit feeling ko matutumba ako anytime, dumiretso na ako sa banyo dahil ayaw ko namang madumihan ang kama niya.

Matapos kong magsuka ay kaagad akong naghilamos. Itinali ko rin ang buhok ko para hindi ako mainitan. Habang ginagawa iyon ay napatitig na lang ako sa repleksiyon ko sa salamin. I looked pale and sick. Wala naman akong lagnat kaya bakit . . .

My lips parted when I remembered something and realized it was the only reason why would I feel like this right now. I forgot about taking my pills when we were at Masbate! Iyon ang bagay na nakalimutan kong ipabili noon! At kung ganoon nga, may posibilidad na buntis ako ngayon!

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now