Chapter 16

565 21 4
                                    

Spoiled

Hindi na ako nakipagtalo pa at umakyat na lang ako sa ikalawang palapag ng bahay para tingnan kung maayos ba ang bakanteng kwarto. Ramdam ko ang agarang pagsunod sa akin ni Yovin pero hindi ko na muna siya pinansin pa. At nang binuksan ko ang pinto, nauna pa siyang pumasok kaysa sa akin.

Wala nga iyong kama at medyo makalat din. Maalikabok pa dahil minsan ko lang kung mawalisan kapag nagkakaroon ako ng oras. Napabahing ako at kaagad na napaatras. Napansin iyon ni Yovin at kaagad akong giniya palabas ng silid.

"I told you, I am fine on the sofa." He said, almost sounding as if he's scolding me but without pressure.

"Kung umuwi ka na lang kaya? Mas mahimbing ka pang makakatulog sa kama mo." I suggested even though I know that he will not take my advice. At gaya ng inaasahan, hindi nga siya natinag.

"Pahiram na lang ako ng comforter at unan, ayos na ako kaya sa sofa na."

Sinilip ko ang sofa sa ibaba at napagtantong maliit iyon kung hihigaan. Tiningnan ko si Yovin at nadatnan kong nakamasid ito sa akin, mukhang nawiwili sa pamroroblema ko pero pilit na hindi ipinapahalata sa akin. Nagtagal ang tingin ko sa kanya nang may naisip.

He tilted his head and raised a brow.

"What are you thinking?" Kuryusong tanong niya sa seryoso nang mukha.

"You'll be good, right?" Tanong ko pabalik sabay cross arms.

He licked his lower lip as he stared at me. "Ofcourse, why?"

"Hindi ka malikot matulog?" Dagdag ko.

His eyes narrowed. Pagkuwan ay napabuntong-hininga nang makita ang kaseryusohan ko sa mga tanong. "I'm not a kid anymore so yes."

Tumango ako at nilagpasan na siya. "Sa kwarto ko tayo."

Matagal bago siya nakasunod sa akin. Tapos na ako sa pag-aayos ng kama nang sumilip siya. Tinaasan ko siya ng kilay pagkapasok niya sa kwarto ko. He looked problematic.

"What's your problem? Ayaw mo?" I teased him.

Kunot-noo niya akong sinulyapan.

"Ikaw, ayos lang ba talaga sa 'yo na tabi tayo?" Nagdududang tanong niya bago dahan-dahang naupo sa dulo ng kama ko. Inilibot niya ang paningin sa palibot ng kwarto ko bago muling nagtama ang mga mata namin.

"Why? You have some dark plans in your head?" Natatawang biro ko sa kanya.

Sumimangot siya. "I'm not like that."

"Then, good. Walang problema. The big is bed. Tig-isa tayo ng comforter. Tig-isa ng unan. We wouldn't even touch a bit. Depende na lang kung malikot ka at naninipa kung tulog."

"Ayos lang ba talaga sa 'yo?" Concern na tanong niya at hindi man lang natawa sa biro ko.

"Bakit? Susunggaban mo ba ako kung ayaw ko?" Hamon ko sa kanya.

"Ofcourse not!"

I smiled because I also know that. And somehow, I trust him with all of my heart. "Then, no problem. Don't worry, hindi rin naman kita susunggaban kung ayaw mo." Biro ko ulit bago nahiga.

Matagal bago siya nakaimik.

"Paano... kung gusto ko?" Balik niya. Natawa ako at inirapan na lang siya. Baliw talaga kahit kailan ang lalaking ito.

Matagal pa bago siya nahiga sa tabi ko. Pumikit ako at inihanda na ang sarili sa pagtulog. I heard him sighed heavily from the bed's far side. Mahina akong natawa.

"You playboy, are you really that bothered to sleep beside a girl without having sex first?"

"What are you talking about?" Rinig kong asik niya sa akin. Idinilat ko ang mga mata ko at tumagilid ng higa paharap sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya kaya nagkaharap kaming dalawa. Nakatukod ang siko niya sa kama at ang kamay ay nakasuporta sa ulo niya dahil sa bahagya niyang pag-ahon.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang