Chapter 9

539 27 2
                                    

Illegal

"Yey! Simula sa Lunes pang-umaga na ulit tayo!" Si Chona sabay yugyog sa balikat ko. Kulang na lang ay magtatalon sa tuwa. Kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon.

Every six months, there's a rotation in the shift patterns. Dahil eight hours lang ang pasok namin kada araw, sa loob ng isang araw ay may tatlong batch ng nurses na magsasalitan ng working schedules. First batch, from 6:00 AM to 2:00 PM. Second batch, from 2:00 PM to 10:00 PM. And then the third batch, including me and my friends, from 10:00 PM to 6:00 AM.

It was the hospital director's idea to maintain fairness.

"Kaya mo naman kayang gumising ng maaga?" Hamon ni Gajo na kahit abala sa harap ng computer ay nagagawa pa ring makipag-asaran. Samantalang si Karen ay ilang beses nang naidlip kanina sa sobrang antok at kung hindi pa bumili ng kape sa cafeteria ay baka tuluyan nang nahimbing sa pagtulog.

"Oo naman! Kung gusto mo pati ikaw gisingin ko e!"

"Sige nga, subukan mo nga sa Lunes!"

Tumayo ako at kinuha na ang foldable clipboard kung saan nakalagay ang ilang clinical sheets ng mga pasyente ko. Ang isang itim na ballpen ay nakaipit na rin doon.

"Saan ka?" Si Gajo nang makita ang pagtayo ko.

"Magra-rounds lang,"

"Na naman?" Si Chona.

I looked away and didn't answer. Gajo sighed while Karen remained silent on her seat. Nagpatuloy ako sa pag-alis at hindi na nagsalita pa.

"Hayaan niyo siya..." Narinig ko si Gajo bago pa man ako makalabas ng Nurse's Station. Sa kanilang tatlo ay siya pa lang ang napagsabihan ko ng tungkol sa pasyente kong si Kevin matapos niya akong makitang umiiyak noong araw na nagkausap kami ng bata.

Death is inevitable. Alam ko. At isa lang din ang sigurado... Masasaktan ang mga naiwan ng kahit sino pang namatay. Kahit sabihin pang kalaunan ay matatanggap din ang nangyari, hindi no'n tuluyang mapapawi lahat ng sakit na naidulot ng ganoong pangyayari.

Maybe some will say I'm too weak for this kind of profession. Na madali akong maapektuhan ng mga bagay-bagay. Na kapag may namatay sa pasyente ko, pati ako ay magdadalamhati. But what should I do? Ganoon na talaga ako. As a nurse, my main goal is to save lives. And a death of a patient, will always gonna give me bruises in my part. Will always make me think, as a nurse, nagkulang ba ako? Saan?

I know it's not healthy anymore. I also know that I can't save all people. I can't stop death from coming to them. Hindi ko hawak ang mga buhay nila. Na kahit anong gawin ko, kapag oras na nila, oras na nila.

Kaya minsan, napapaisip na lang ako. Is this the trauma of what happened in my past? Ito ba 'yon? Or I was just being too sentimental?

Nagtungo ako sa kwarto ni Kevin. Naabutan ko itong tahimik na naglalaro ng rubik's cube at ang ina sa tabi nito'y nakatulog na sa pagbabantay. Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Mag-aalas kwatro na ng madaling-araw kaya hindi ako makapaniwalang gising pa siya.

"Hi, Kevin." Bati ko sa kanya nang makalapit.

He's wearing a dark blue bonnet to cover his almost bald head and a usual hospital gown. Kahit medyo maputla ay nagawa niya pa rin akong bigyan ng isang matamis na ngiti na hindi ko magawang suklian kahit na anong pilit ko. I just... can't.

"Hello po," he greeted back happily.

Naupo ako sa maliit na espasyo sa gilid niya. Kaagad niya namang inilapag ang laruan para ibigay ang buong atensiyon sa akin.

"Bakit gising ka pa?" I asked gently.

He wrinkled his nose. A small smirked played on his pale lips. "I just woke up when you came... What a coincidence, right?"

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon