Chapter 44

488 12 0
                                    

TRIGGER WARNING: Rape, death

Darkness

"Oh, eto na."

Nakangiti si Yovin habang tinatanggap mula sa akin ang isang paperbag na naglalaman ng regalo ko para sa kaarawan niya. He looked pleased and excited while on the other hand, I was pursing my lips to maintain a straight face.

Nasa loob kami ngayon ng tree house. Umakyat ako kanina at sumunod siya. Hinayaan ko na lang dahil... sabi niya ay friends na raw kami.

Halos dalawang linggo na ang nakalilipas ngunit ngayon pa lang ako nagkaroon ng pagkakataong maibigay sa kanya ang regalo ko.

"What is it?" He asked. Abala siya sa pagsilip niyon. Pwedi niya namang buksan na kaagad pero ewan ko ba kung bakit ingat na ingat siya sa paper bag. Is he planning to keep it and use it again? For what?

"Tingnan mo..." I drawled lazily while waiting for him to finally open it.

It wasn't a grand or expensive gift. It was just a small sized chess board made of glass. Pweding gamitin kung gusto maglaro pero mas mainam na i-display lang.

I don't even know if he'll like it. Wala naman kasi akong ideya kung anong gusto niyang regalo. He didn't give me a hint or whatsoever reference. Kaya ang ending tuloy, binili ko isang laruang paborito ko.

I just hope he appreciates it.

"Wow..." He muttered when he finally unwrapped it. Mas lumapad ang ngiti niya at kaagad akong binalingan. I smiled a bit, relieved that he liked my gift. "Thank you, Mistyca!"

Tumango ako. "Welcome."

"Thank you for giving me this. I really appreciate it, Mistyca. Kahit di naman ako marunong magchess..." he added the last sentence jokingly. I chuckled.

"Really? 'Di ka marunong?" Natatawang tanong ko.

"Bakit? Ayaw mo ba sa hindi marunong?" tanong niya kaagad pabalik.

"H-Huh?"

He smirked. "I'll practice. Matututo rin ako kalaunan. Kung gusto mo talunin pa kita, e."

Natatawang napailing na lang ako. Ang yabang talaga. Nasa dugo ba nila pagiging mayabang? Pero mukhang mabait naman 'yung lolo niya, ah? Baka siya lang?

"Are you... okay now?" Maingat na tanong niya kalaunan. Matagal bago ako nakasagot dahil hindi ko kaagad nakuha ang gusto niyang sabihin. And when I finally realized what it was, I slowly gave him a short nod.

"Yes." I breathed.

"Are you sure?" Paniniguro niya.

Ngumiti ako at muling tumango.

He sighed. His face turned serious.

"Narinig ko na kaya ka umalis ay dahil kukunin mo itong regalo na naiwan sa kotse. Misty, paano kung napahamak ka? Sa tingin mo ba ay mas importante itong regalo kaysa sa buhay mo? Kung napahamak ka dahil dito, don't you know that I will forever blame myself? I will never forgive myself... even a bit. Kasi pinilit kita na dumalo sa birthday ko at lagi rin kitang inaasar na bigyan ako ng regalo... kahit ang totoo ay ayos lang naman sa akin kahit na wala."

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now