Chapter 26

476 13 0
                                    

Remember

I watched Yovin leave with his cousin Altheo. Katabi ko si Natasha, nasa veranda kami ng ikalawang palapag ng mansion at tinatanaw ang pag-usad palayo ng kotse kung saan sila sumakay na dalawa. At kasunod nila ang tatlo pang kotse na siguradong mga tauhan nila ang lulan.

Natasha sighed when the cars vanished completely from our sight. Nilingon niya ako at ginawaran ng isang palakaibigang ngiti. Napasimangot nga lang kaagad nang lumampas sa akin ang tingin at nakitang may iilang bodyguards na iniwan sila Altheo para bantayan kami.

"Do you know how to drive?" She sneakily asked me. Naramdaman ko naman kaagad ang bahagyang pag-alerto ng mga guards at kulang na lang ay humaba ang tenga para marinig kami.

"I guess so,"

"Hindi tayo mababangga?"

Napaisip ako. "Oo naman. Siguro... kung mabagal lang ang takbo at walang masyadong... ibang sasakyan." Alangan kong sagot dahil ang huling beses na pinagmaneho ako ni Gajo ng kotse ng kuya niya ay muntik ko na itong magasgasan at muntik na kaming makasagasa ng aso.

"Can you help me?" Tanong ni Natasha at bahagya akong inilayo ng kaunti sa mga guards na kunwaring walang pakialam pero halatang nag-mamarites na. "I really want to see Abuelo right now. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman kung anong kasalukuyang lagay niya."

"You don't know how to drive?" Tanong ko.

Her eyes widened. Na para bang may nasabi akong hindi katanggap-tanggap. "Marunong ako, noh! It's just that, my right hand got sprained three days ago! Medyo di ko pa kaya humawak ng kambyo! Baka mabunggo lang ako kapag pinilit ko. That's why Altheo doesn't want me to see Abuelo alone! Pero dahil marunong ka naman pala, and you'll drive my car, I guess, hindi naman magagalit 'yon."

Parang ayaw kong maniwala. Clearly, Altheo didn't let her go see Abuelo right now because it's still dangerous outside. Hindi pa alam kung sino ang salarin ng nangyaring ambush. The enemy might attack again anytime and staying here in this mansion is the safest thing to do at the moment. Atleast, for us.

"Let's just wait for them to come back. Baka masyado pa talagang delikado lumabas ngayon." Kalmadong paliwanag ko sa babae. Ang pinakahuling gagawin ko ngayon ay ang dumagdag pa sa problema ni Yovin. "Baka magalit pa sa akin ang kuya mo—"

Umirap si Natasha at iwinagayway ang mga kamay. "Fine, let's just stay here and wait for them. Kuya my foot." Bulong na lang iyong huling pangungusap niya kaya hindi ko na narinig pa ng mabuti.

Magsasalita pa sana siya nang kapwa kami matigilan dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Hudyat na mayroong tumatawag. Bigla akong kinabahan pero nang makitang si Yovin iyon ay kaagad rin akong napanatag.

"Hello?"

Bahagya akong lumayo kay Natasha. The woman jokingly rolled her eyes na para bang nandidiri siya o ano pero kaagad ring tumigil nang tumunog rin ang cellphone niya. I saw how her face turn red... in irritation.

"What are you doing right now? Are you okay?" Yovin's voice sound a bit worried and corcerned. Akala mo ay isang linggo na kaming hindi nagkikita eh ang totoo ay hindi pa nga nag-iisang oras simula ng umalis sila. "Ayos ka lang ba riyan?" Dapat ako ang nagtatanong ng ganoon sa kanya pero ito at naunahan niya ako.

"Bakit hindi ako magiging ayos, eh, kasama ko naman yung pinsan mo? At marami ring bantay rito." Natatawang tanong ko sa kanya. Matagal bago siya nakapagsalita.

"Pinsan?"

I pouted. "Oo... Si Natasha. Bakit?"

He chuckled. Napangiti rin tuloy ako kahit hindi ko alam kung bakit siya natawa. Pagkuwan ay nagtanong na ako nang sandaling maghari ang katahimikan. "Are you done investigating?"

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now