Chapter 31

487 14 11
                                    

Trust

Hindi ko alam kung paano nila nagagawang kumain ng matiwasay ngayon pagkatapos ng mainit na pag-uusap nila kanina. O sadyang gano'n na talaga sila sa isa't-isa? Hindi ko tuloy alam kung paano sila pakikitungohan kaya nanatili na lamang akong tahimik habang kumakain. While as always, Yovin is busy attending to my plate.

"Babe, what do you want? The crab or just the shrimps?" Maingay na tanong ni Yovin nang makitang paubos na ang lamang pagkain ng pinggan ko. Umiling ako at uminom ng tubig.

"I'm already full, thanks . . ."

Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Kinuha ko naman ang pagkakataong iyon para obserbahan silang apat. Lalo na ang tatlo. If Yovin is right that there's a traitor inside their organization, then I should be very careful with these three.

Speaking of that organization, what kind of organization is that Alpha Domino? May koneksiyon ba iyon sa tattoo ni Yovin sa likod?

Ngayon pa lang ay gusto ko nang magtanong pero si Yovin na rin mismo ang may sabing magpapaliwanag siya mamaya. I should wait patiently, then.

"So, hanggang kailan kayo magtatago rito sa Masbate?" Basag ni Jasper sa katahimikan. I shifted on my seat and gave my whole attention to Yovin but it's Gustav who answered with another question.

"Nagtatago pala sila? Akala ko bakasyon lang?"

Nicolai coldly smirked. "Anong akala mo kay Fortalejo?" Tunog panunuya iyon.

"So, nagtatago pala sila?" Inosenteng tanong ni Gustav sabay tingin sa akin. I remained quiet and unreadable making him shift his gaze towards Yovin's direction instead. "Yovin, ayusin mo 'yan! Mukhang galit na rin tuloy sa amin 'yang girlfriend mo kakasabi mo na may traydor sa amin . . ."

But Yovin just gave them a nonchalant look like their opinion doesn't matter at all. Kung hindi ko pa ito palihim na kinurot sa hita ay hindi ito magsasalita. Gosh, ako na lang nahihiya sa mga kaibigan niya!

"I have to look at a certain case that's why I guess, we are going to come home next week." Prenteng sagot nito na ikinagulat ko.

Next week? Pwedi na kaming umuwi next week? That fast? I mean, safe na bang umuwi kami? Hindi naman sa ayaw ko. Sa totoo nga niyan ay gustong-gusto. Ang inaalala ko ay ang pamilya niya.

"How about your girlfriend? Sigurado ka bang wala nang banta sa kanya?" Seryosong tanong ni Nicolai sabay sipat sa akin. Matagal kaming nagkatinginan bago ito tipid na ngumiti at ibinalik kay Yovin ang atensiyon.

"Misty will not leave my sight. She will attend as my secretary for the time being. She's safe as long as she's with me. Ako muna ang mamamatay bago may makahawak sa dulo ng buhok niya."

"Yovin . . ." Saway ko sa kanya dahil hindi ko nagustuhan ang panghuling pangungusap niya. He looked at me and chuckled. He slightly pinched my cheek.

"Just kidding. Hindi ako mamamatay. Magpapakasal pa tayo, remember?" Masuyong bulong niya. Pairap akong nag-iwas ng tingin. Mamaya ka sa akin!

"How about Alisha?" Kumunot ang noo ko at napatingin kay Jasper. May mapaglarong ngiting nakaplaster sa mga labi nito ngayon.

"Sinong Alisha?" Seryosong tanong ko.

Yovin groaned and kissed my cheek before he whispered again. "She's my secretary. Don't worry, babe, she's harmless . . ."

"Harmless daw . . . Eh di'ba, may gusto sa'yo 'yon?" Natatawang balik ni Jasper. Gustav chuckled while Nicolai's lips tugged up.

"Ipapalipat ko siya sa opisina mo, Villafuerte." Seryosong sagot ni Yovin habang pinaglalaruan na ang palad ko. "I can't fire her. She's a good employee at sa kanya umaasa mga magulang niya."

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon