Chapter 1

1.1K 36 5
                                    

Babe

"Happy birthday, Misty." I whispered to myself while preparing my own food. Sabado ngayon at day-off ko. Eksaktong birthday ko rin at katulad ng mga nagdaang kaarawan ko, mag-isa lang akong magcecelebrate.

No one knows that today is my birthday. Wala akong ibang hinayaang makaalam dahil bangungot sa akin ang petsa na ito. May 14. My birthday and my parents' death anniversary at the same time. So ironic right? This day was suppose to be special every year but because of the tragedy that took my parents' lives, halos taon-taong ipinapaalala sa akin ng araw na ito na dapat ay ako yung namatay at hindi sina Mama at Papa.

Binuksan ko ang TV at pinatay ang ilaw. Dala ang isang bucket ng fried chicken at large size coke float ay naupo ako sa sofa at tahimik na kumain habang nanonood ng isang action movie. Tahimik akong kumain hanggang sa nagsimula nang magsipatakan ang mga luha ko.

I cried hard. Harder than the last time.

Sana may kakayahan akong ibalik ang oras. Sana hindi na ako nagpumilit sa mga magulang ko na lumabas kami ng araw na iyon. Sana nakuntento na lang ako na sa bahay lang kami kumain at maglaro. Sana ako na lang yung nawala at hindi sila. Kasi ako naman yung may kasalanan e. Dapat ako na lang yung namatay.

My relatives disowned me. Ako yung sinisi nila and I can't blame them for that. It was really my fault. Alam ko iyon. Tanggap ko iyon.

I can still remember all of the hurtful words they showered me while I was busy mourning for my parent's death. And I deserve every bits of it. My tears will never gonna be enough no matter what. Kahit lumuha pa ako ng dugo. O kahit ipangbayad ko pa ang buhay ko.

All I could do is to regret. Blame myself. And pay for it until in my next lifetimes in this cruel world. Until the last existence of pain and guilt. Until forgiveness finally mend my bruised heart.

Mayo katorse. Araw kung kailan lang ako pweding manghina at umiyak kada taon. Dahil ang mga problema at paghihirap ko sa mga pangkaraniwang araw ay walang panama kumpara sa araw na iyon. Walang-wala.

"Sanaol blooming! Ano bang sekreto mo ha, Gabrielle Mistyca?" Kakapasok ko pa lamang sa Nurse's Station pero iyon na kaagad ang salubong sa akin ni Gajo. Pabiro ko siyang inirapan bago ako nagtungo sa pwesto ko para buksan ang computer na ginagamit ko.

"Ligo lang," I answered briefly.

He gave me a wry look. "Ligo lang? Hindi ka gumagamit ng sabon? Skincare? Ano?" Pangungulit niya pa. Narinig ko ang pagtawa nina Karen at Chona mula sa mga pwesto nila. Wala pa kasi ang Head Nurse naming si Ma'am Julia kaya nakakapag-ingay pa sila.

"Sabon? Safeguard yung gamit ko." Seryosong sagot ko habang nagtatype ng ilang data na kailangan sa record ng bawat pasyenteng minomonitor ko.

"How about skincare?" Si Chona naman.

"Kailangan ba 'yon? Gastos lang 'yon. Pwedi namang wala." Sagot ko dahil totoo namang wala akong ginagamit masyado. "Ano lang, minsan, pulbos at lotion. Tapos kaunting liptint. 'Yon lang. Bakit?"

Natahimik sila.

"Imposible..." Si Karen nang makabawi. Sinipat ko sila ng tingin at naabutan kong titig na titig silang tatlo sa akin. Sinimangutan ko sila bago ako tahimik na nagpatuloy sa ginagawa. Bahala sila kung ayaw nilang maniwala.

Sometimes, I think, people were just exaggerating their compliments about my face and body. Na maganda raw ako kahit walang masyadong make up. That I could pass for a model or a beauty queen.

Parang ang hirap naman kasing paniwalaan. May salamin naman ako sa apartment and all I could see everytime I watched myself infront of the mirror is a pale and thin lady. Mahaba ang itim na buhok na medyo maalon na dahil palaging nakapusod sa trabaho, pagod at puyat na mga mata, at hindi matabang pisngi pero palaging napagdidiskitahan ng mga kaibigan ko kapag nanggigigil na. Pupwedi rin akong gumanap na white lady sa mga horror films kung sakali mang hindi ako naging nurse. Pero ang maging modelo o beauty queen? Asa.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now