Chapter 7

556 28 0
                                    

Trauma

I maintained my straight face as I let myself enter the lift. Mabilis kong pinindot ang buton pababa pero bago pa man tuluyang magsara ang pintuan ng elevator ay may isang kamay nang pumigil doon. Napairap ako nang makitang ang magaling na abogado iyon. Balisa at may bahid ng pagsisisi ang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin.

"M-Misty..."

I chuckled sarcastically in my mind. Ano? Sarap na sarap ka kanina tapos ngayon mukha kang guilty na ewan?

"A-About what you saw—"

Nilingon ko siya. He gulped like a scared kitten. Tinaasan ko siya ng kilay. "Don't worry about it. I understand. And I know that it's just a normal thing. So, don't worry anymore."

His lips parted. Bahagyang kumunot ang noo niya. Umiling siya na tila walang maintindihan. "Anong ibig mong sabihin na normal lang at naiintindihan mo? I'm at fault and that's the truth, stop justifying it—"

Nameywang ako at mas hinarap siya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mas tumindi ang nararamdaman kong inis, irita, at galit sa kung ano. "Why are you explaining? Nagtanong ba ako?" Gigil na tanong ko sa kanya. I know, I should calm the fuck down pero hindi nakakatulong ang mga sinasabi niya. Bakit siya nagpapaliwanag pa? Hindi ba pweding manahimik na lang siya at hayaan na muna akong mag-isip?

"I'm explaining because I felt fucking guilty..." Siya sa maliit na boses. Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos.

I sighed.

"Hindi mo kailangang maguilty. Like what I've said, it's a normal thing. Lalo na at girlfriend mo naman 'yon—"

"She isn't my girlfriend!" Baling niya sa akin sa galit na boses.

May gana pa siyang magalit, huh?

"Ah, fianceé?"

Tumalim ang mga mata niya. "Hindi rin!"

I pursed my lips. Bakit parang kasalanan ko pa na hindi? "Sige, asawa kung ganoon—"

"What the fuck, Mistyca?!" he growled. He looked offended by my crazy guessings but I don't care anymore. Sarkastiko ko na lang siyang nginitian at pagbukas ng elevator ay kaagad na akong lumabas at iniwan siya roon.

Ramdam ko ang agarang pagsunod niya dahil sa mabilis at halos padabog na yapak ng sapatos niya sa marble floor. Nakita ko ang pagbaling sa amin ng bawat madaanan namin pero nagpanggap na lang ako na bulag. Samantalang ang mga tao sa reception ay todo abala sa mga sarili hindi lang makasulyap sa gawi namin.

"Fuck, Misty, let's talk please..."

Hindi ko siya kinibo. Mamaya na, tinatamad pa akong magsalita.

"I'm sorry..." he added. Sinubukan niya akong hawakan sa siko pero kaagad kong inilayo sa kanya iyon nang maalala kung saan nakarating ang mga kamay niya kanina.

Saglit akong napapikit. What the hell? Why I am so affected?

"Misty..." Pahina na nang pahina ang boses niya. Nagpatuloy ako sa paglalakad. His pace fastened a bit. Pwedi na nga niya akong harangan pero di niya ginawa na ipinagpasalamat ko dahil baka masipa ko lang siya kapag nagkataon.

"She's nothing to me, fuck, babe, wala akong gusto ro'n."

Gusto kong mapairap. Hindi halata na hindi mo gustong-gusto ang ginagawa niyo kanina!

"Misty... Mag-usap naman tayo oh,"

"Wala tayong dapat pag-usapan." I said cooly even though I am already feeling the desire to claw his face. Maswerte siya at hindi mahahaba ang mga kuko ko dahil required sa trabaho na dapat properly trimmed palagi.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon