Chapter 4

663 24 0
                                    

Wine

Gusto kong umiyak habang pinagmamasdan ang apoy na halos lamunin na ang buong apartment. Pilit man itong apulahin ng mga bombero, siguradong abo nalang ang matitira pagkatapos. Ang mga gamit na naipundar ko sa loob ng ilang taon kong pagtatrabaho bilang nurse ay nawala sa isang iglap. Ngayon ko mas napagtanto na mas mabuti na lang ang manakawan ka ng sampung beses kaysa masunugan ka ng tinitirhan.

I bit my lowerlip and reminded myself that it was just a trial in life. Where in you will face some hardship in order to measure how tough are you as a person. Ipinaalala ko rin sa sarili ko na ayos lang at kaya ko pa kahit may naririnig akong sigaw sa isip ko na sobra na at gusto ko nang sumuko.

"Ma'am, nakalimutan niyo hong magbayad."

Bigo akong napalingon sa nagsalita. Ang driver pala ng taxi na sinakyan ko pauwi rito. Bumaba at sinundan na ako dahil sa labis kong pagmamadali na makita ng mas malinaw ang nangyayari sa apartment ko ay nakalimutan ko nang mag-abot ng bayad sa kanya.

Wala sa sariling napatango ako at dali-daling hinalungkat ang dalang clutch bag. Pero mukhang walang balak ang langit na paboran ako ngayong araw dahil ni singkong duling ay wala akong makita! Halos pagpawisan na ako sa kakahanap pero wala talaga! Kahit isang card ay wala akong nailagay sa dalang bag ko! Mukhang nandoon lahat sa wallet na madalas kong iwanan sa ibabaw ng side table ko sa kwarto!

I looked up in the night sky to prevent my tears from showing because I know I will just going to look more defeated if I let it fall right now. I blew a frustrated sigh afterwards while starting to compose in mind an apology to the taxi driver. Hindi ako makakabayad sa kanya!

"Ma'am, matagal pa ho ba? Kailangan ko na ho kasing umuwi dahil kapapanganak lang ni Misis. Bibili pa ako ng gatas..."

Mariin akong napapikit. Pero kaagad rin akong napadilat nang may narinig akong nagsalita sa tabi ko.

"Keep the change, Manong. Salamat po sa paghatid ng ligtas sa kanya rito."

Gulat akong napatingin kay Yovin Fortalejo na kasalukuyan nang hinuhubad ang suot na coat at hindi na ako nakapagprotesta pa nang ipinatong niya ito sa magkabilang balikat ko.

"S-Ser, ang laki naman po nito?" Tawag sa kanya nung taxi driver habang hawak ang perang hindi bababa sa sampung libo. Wait, sampung libo?! Ano? Nagsasayang ba siya ng pera?!

"Ayos lang po," the brute beside me answered like it was nothing. Binalingan ko ito ulit at naabutan kong masama ang tingin sa damit ko. Kinunutan ko siya ng noo at kaagad siyang nakangiting bumaling sa taxi driver na akala mo'y walang nangyari.

"Ah ganun po ba, Ser? Sige ho! Maraming salamat po rito! Malaking tulong po ito sa akin!" Natutuwang sagot ni Manong bago ako binalingan. "Ma'am ang swerte niyo ho sa boyfriend ninyo! Stay strong ho sa inyong dalawa!"

Ano raw?

Nagkatinginan kaming dalawa ni Yovin. Ang ngisi nito ay nakaabang na. Sobrang lapit ng katawan niya sa akin at amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya.

"Ang swerte mo naman pala, Nurse Misty." Mahinang bulong niya na siguradong hindi na narinig ni Manong na nagpaalam nang aalis na. Hindi ko na siya pinatulan pa at tiningnan ko na lang ulit ang naabo ko nang apartment. Naapula na ng mga bombero ang apoy pero hindi na ito mapapakinabangan pa. Ganoon din ang nangyari sa mga katabi kong apartment pero mukhang yung akin talaga ang napuruhan. Parang doon talaga nagmula ang sunog.

Ni hindi ko alam kung saan ako magpapalipas ng gabi! Should I call my friends? Pero... siguradong nagtatampo na ang mga iyon kung sakaling napansin na nilang iniwan ko na sila roon at nauna na akong umuwi.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora