Chapter 8

564 24 0
                                    

Hold

It was past nine in the morning when I woke up that day. Gutom ang unang naramdaman ko pagkabangon at saka ko palang naalala na hindi ako nakakain ng hapunan kagabi at ngayon, pati almusal ay nakaligtaan na.

I scratched my cheek and slowly, I get up. Kaagad akong dumiretso sa banyo para maghilamos. I also did my morning routines before I decided to descend towards the kitchen to cook my own food.

Kaya ganoon na lamang ang gulat at pagtataka ko nang makitang may pagkain nang nakahain sa hapag. Mayroong garlic fried rice, hotdogs and eggs, bacon, and a cup of newly brewed coffee.

"What the hell," I whispered to myself, hindi makapaniwala sa nakikita. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa kung saan at nang nilingon ko, halos manlaki ang mga mata ko nang makitang si Yovin iyon. Suot ang kulay pink ko na apron at may hawak pang sandok sa kanang kamay. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o ano.

"Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?!" Sunod-sunod na tanong ko sa halip na punain pa ang hitsura niya.

"I cooked you breakfast." Sagot niya sabay ngiti. He then pulled out a chair for me pero dahil hinihintay ko pa ang sagot niya sa isang tanong ko, hindi muna ako naupo. He sighed when he noticed my stubbornness. "Fine..." he breathed. "I tricked Manang Azon. I told her that... ahm, ano..." natigil siya at hindi na makatingin ng diretso.

"You told her that...?" I probed. Anong panloloko naman kaya ang sinabi niya sa landlady ko?

He looked at me in the eyes. I almost roll mine because of the intensity his eyes were giving me. Pansin ko rin ang bahagyang pamumula ng mga tenga niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kumain ka na lang kaya?" Now, he sounds defensively problematic.

Nagkibit-balikat ako at naupo na. Nakita ko ang paghinga niya ng maluwag na para bang natanggalan siya ng mabigat na pasanin. "Tatanungin ko na lang mamaya si Manang Azon. So, malalaman ko rin naman." Kalmadong sinabi ko habang pinagmamasdan ang reaksiyon niya.

But the small smirk on his lips is telling me that he already did something about it. Napairap ako. This brute really knows how to manipulate things huh?

"Sure, ikaw ang bahala."

Hindi nagtagal ay naupo na rin siya sa harap ko at naglagay ng pagkain sa pinggan niya. He even checked the fried rice like it was hiding something from him. Napailing na lamang ako.

I started eating. Ganoon din siya pero maya-maya ang sulyap niya sa akin, halatang nag-aabang ng komento ko para sa mga niluto niya. Ilang beses din siyang napainom ng tubig sa tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin.

I cleared my throat and decided to break the silence between us.

"So, marunong ka palang magluto?" I asked the obvious. May matanong lang.

He shifted on his seat a bit. Nag-iwas siya ng tingin at inabala na lamang ang sarili sa pagtutusok-tusok ng hotdog sa plato niya gamit ang tinidor. Akala ko hindi na siya magsasalita pero nagkamali ako.

"Youtube," he simply said.

I chuckled.

"Is this your first time cooking?"

He shook his head. "Hindi. Pero ngayon ako kabado..."

"Bakit ka naman kakabahan?" Pangungulit ko pa.

"I don't know..." He answered innocently making me laughed again. Hindi na ako ulit nagsalita at nagpatuloy na lang sa ganadong pagkain. Gusto ko sanang purihin pa ang maayos na pagkakaluto niya pero mas pinili kong manahimik na lang at hayaan siyang mag-overthink.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now