Chapter 50

691 14 1
                                    

This is the last chapter. Next po ay epilogue na. Sana ay nag-enjoy kayo sa medyo magulo at wild na love story nina Misty at Yovin.

White petals

Bago ko pa tuluyang maiproseso ang nangyari ay nakarinig na ako ng sunod-sunod na palitan ng putok mula sa labas ng mansiyon.

Yovin immediately pulled me into a place and covered me using his body. Kaagad namang nagsikalat ang mga lalaking nakauniporme ng itim para aksiyonan ang kaguluhan sa labas. Hanggang sa pati sila'y nakisali na rin.

"W-What's happening?" I asked in a shaky voice, my body trembling in fear.

"Don't be afraid. I'm here..." Instead of answering my question, Yovin assured me. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at iginiya paupo para mas makapagtago kami sa likod ng antigong aparador. "No one can lay a finger on you as long as I'm breathing. I promise you that..."

Kahit nangangamba'y tumango ako. He gave me a small smile before he planted a soft kiss on my forehead. He then lightly kissed the tip of my nose before he claimed my lips for a kiss.

Saglit lang iyon dahil nang magdilat ako ay tumayo na siya. I was about to follow him but he spoke. "Stay there. Saglit lang 'to. Babalik din ako kaagad."

I shook my head. "Yovin... ayoko... dito ka lang—"

"Babalikan kita. Pangako. Kaya diyan ka lang." Huling sinabi niya bago niya ikinasa ang hawak na baril. At napapikit na lang ako nang tuluyan na siyang umalis para makisali sa nangyayaring barilan.

Bawat tunog ng baril ay hindi ko mapigilang mangilabot sa takot na baka kung anong mangyari sa kanya. Hindi ko na kakayanin kung pati siya ay mawawala sa akin. What happened to my parents is already too much to take. I wouldn't bear it anymore if I lost him this time.

The sound of the gunshots continued. It stayed for a long moment before it subsided. Sumilip ako at eksaktong nakita ang pagtilapon ng isang lalaki papasok sa looban ng mansiyon. Napatakip ako ng kamay sa bibig nang tuluyang rumehistro sa utak ko kung sino iyon.

Si Yovin...

Sumunod na pumasok ay ang tumatawang si Kayro Cordova.

"Akala mo siguro ay habang-buhay mo akong mauuto, ano?" Tawa nito sabay sipa kay Yovin. Halos mapasigaw ako. My tears fell. I can feel it on my cheeks and hands. "Puwes, hindi ako bobo, Fortalejo." Patuloy nito bago pinulot si Yovin sa kwelyo at itinayo. "Ngayon, sagutin mo ako. Nasaan ang black chip?" Nanggigigil na tanong nito bago muling sinuntok si Yovin.

Yovin fell on the cold floor and then I heard his mocking chuckle. Parang mas binibigyan niya pa si Kayro Cordova ng rason na tirisin siya.

Bobo ba siya?

"Wala na dito. At siguro sa mga oras na 'to... baka nasa kamay na ng mga pulis. Mayamaya, nandito na ang mga iyon para hulihin ka. Kung ako sa'yo ay magtatago na ako para—" he didn't finish his words because Kayro kicked him again.

"Tangina mong hayop ka!" Sigaw ni Kayro. Galit na galit.

Muli sana niyang pupulutin si Yovin mula sa sahig pero bigla siyang pinatid ng huli nang sinubukan niyang humakbang palapit. Natisod siya at ngayon ay silang dalawa na ang nasa sahig.

Kayro Cordova tried to immediately get up but Yovin kicked him on his back. Muli itong napasubsob. Tumayo si Yovin at bago pa makabawi si Kayro ay muli niya itong sinipa.

"Isn't it funny? You are the one who trained me how to fight and yet... here we are." Sambit ni Yovin bago kinuwelyuhan si Kayro Cordova at iniangat patayo mula sa sahig. Muli niya itong sinuntok sa mukha pagkatapos. At ilang beses na sinundan pa. Tumigil lang siya ng tuluyan na itong nawalan ng malay.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now