Chapter 18

565 19 0
                                    

Reward

"That was Abuelo's favorite painting. The Tres Flores. The painting of his favorite flowers that symbolizes the three kinds of love in one frame. The unconditional, hopeful... and freeing love." Paliwanag niya habang nakatutok rin ang mga mata sa painting. He suddenly looked like a professor explaining a certain thing to his student.

"Share mo lang?" I fired softly. Stiffling a teasing smile.

His eyes moved and darted towards me. Napawi ang ngiti niya at binitawan ang kamay ko para mamaywang. Mabagal at madrama niya akong hinarap na para bang sobrang disappointed siya sa akin.

"Ah, ganun?" Hamon niya.

Tumawa ako at umiling ng ilang beses. He smiled and looked away. Nang ibinalik niya sa akin ang tingin ay natawa na rin siya ng tuluyan. At nang tumigil kami ay ang pisngi ko naman ang pinagdiskitahan niya.

"Aray!" Reklamo ko kahit hindi naman talaga masakit ang pagpisil niya sa pisngi ko. Tumigil siya pero hindi ko napaghandaan ang biglaan niyang paghalik sa akin. It was just a brief kiss that last a second but my heart is already going crazy like it was about to explode anytime. He smiled proudly when he saw my startled reaction.

"Ang ganda mo," Mahinang wika niya bago muling hinuli ako kamay ko. "Sobra."

"Alam ko." Sagot ko sabay ngisi. Hindi pweding siya lang palagi ang confident dito.

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang matanaw namin ang kumakaway na si Austin habang karga-karga ni Doc Jeremy. Nasa paanan sila ng isang spiral staircase habang pababa naman ang isang matandang lalaki. Walang dudang iyon na si Abuelo.

The old man looked strict and not easy to please but when he smiled at me, my worries flew away.

Tumigil kami ni Yovin sa paanan ng hagdanan at hinintay na tuluyan siyang makababa. Ngumiti ako pabalik at nagmano nang magkaharap kami. Abuelo smiled more like he was so pleased to finally meet me. Hindi ko alam pero base sa kung paano siya tumingin sa akin ay para bang matagal na niya akong kilala.

"Masaya akong makita ka sa pamamahay ko, hija. Balita ko ay crush ko nitong si Austin. Kaya ka ba pumunta dahil birthday niya?"

Natawa ako.

"Abuelo naman!" Reklamo ni Yovin.

"Ay, hindi ba?" Balik ng matanda. Saglit na napaisip bago napatango ng ilang beses. "Ah, girlfriend ka nga pala niyang apo kong si Yovin. Maganda ka hija... Kaya, tanong ko lang, anong nagustuhan mo riyan?" Tukoy niya kay Yovin na busangot na ang mukha ngayon.

"You're right, Grandpa. Iyan din ang gusto kong i-ask kay Nurse Misty." Pagsang-ayon ni Austin. Doc Jeremy chuckled and tickled his naughty nephew.

"Pasalamat ka birthday mong bata ka!" Ani ni Yovin sa iritadong boses at umambang kukurutin na sa pisngi ang pasaway na pamangkin pero mabilis naman itong nailayo ng kapatid niya.

"Austin, let's check your cake. Shall we?" Si Doc Jeremy para maitakas ang pamangkin.

"Okay," pagsang-ayon naman ng bata.

"Siya nga pala, kumusta ka na Mistyca? I guess, it's been a decade and half since I last you saw this close."

Naputol ang tingin ko sa papalayong bulto nina Doc Jeremy dahil sa narinig kong sinabi ng matanda. I looked at Abuelo with a confused expression while Yovin remained silent beside me.

"Kilala niyo po ako?" Nagtatakang tanong ko.

Tumango si Abuelo. "Ofcourse, I know you. I know my grandchildren's special someones. At isa ka roon. Maliban na lang kung tinakot ka lang ni Yovin at pinilit na dalhin dito?"

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon