Chapter 19

600 20 1
                                    

Scared

My days continued to be simple yet full of happiness. Nakakahiya mang aminin, pero hindi ko maitatangging malaki ang naging parte roon ni Yovin. From his constant morning texts before fetching me, lunchdates with me when we're both not busy, and long calls before sleeping at night, I can't help but feel light and inspired everyday.

Nakakatawa lang dahil simula nang umuwi kami mula Del Blanca ay ni isang beses ay hindi na siya nakitulog sa bahay na inuupahan ko. Whatever the circumstances were, he would always insists of going home and not spending the night in my place.

At tuwing tinatanong ko siya kung bakit, palaging irap o di kaya'y masamang tingin ang kadalasang sinasagot niya.

Ofcourse, I know his reason. I just can't help but pretend that I'm innocent to annoy him even though I'm sure he wouldn't be.

"We're here," he drawled while parking his car at the hospital's basement parking. Tumango ako at mabilis na nagkalas ng seatbelt habang pinapanuod niya naman ako. "Babe, any plan for today?"

Napaisip ako. "Hmm, wala naman. Why?"

He pouted and reached my cheeks for a gentle pinch. "Really?" Hindi makatakas ang pagtatampo sa boses niya kaya mas lalo tuloy akong nacurious!

"Wala nga. Bakit, ano bang meron?"

Bumuntong-hininga siya at sa huli ay umiling. Ngumisi bago ako kinabig para sa isang halik. Awtomatiko akong napapikit para gumanti ng halik at damhin iyon ng ilang segundo. My eyes are still closed when he broke our kiss. At nang magdilat ako ay muli niyang akong hinalikan ng marahan.

Damn, I guess, I'm getting addicted to his kisses. Pero boyfriend ko naman siya so...

"I have a lunch meeting later with a client so I can't come here to fetch you and join you for lunch. But, you can bring your friends at TrevEra. I'll book a reservation for you. Just order whatever you want. It's on me." Aniya matapos pakawalan ang mga labi ko habang malamlam na nakititig sa akin ang mga mata.

"Sa TrevEra? Doon sa restaurant ng pinsan mo? Eh, di ba, ang mahal doon?" Gulantang na sagot ko.

"Kaya nga," he answered like it was nothing. I know, he's rich pero okay lang naman kung sa cafeteria na lang kami ng hospital mananghalian nila Gajo! Anong meron at naisipan niyang mamblow-out bigla at sa isang elite restaurant pa?

Sinimangutan ko siya. I even crossed my arms. "Don't tell me birthday mo ngayon-"

"I already told you, January pa birthday ko." Natatawang sagot niya bago ako seryosong tinitigan. "At ikaw pa talaga ang may ganang sumimangot ha..."

I pursed my lips.

"Oh baka naman suhol mo kasi makikitagpo ka mamaya sa ibang babae-" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang patahimikin niya ako sa pamamagitan ng halik. His tongue skillfully swirled inside my mouth, as if searching for something sweeter than the kiss we were sharing. Napakapit ako sa balikat niya lalo na nang maramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa baywang ko.

We were both panting when we decided to stop.

"Tell me Mistyca, how could I look for another girl if I am this smitten to you? Hmm?" Napapaos na tanong niya.

Hindi ako nakasagot. His stare is making me incapable of producing appropriate words. Ngumiti siya habang isinusumping ang ilang takas na buhok sa likod ng tenga ko.

"Sayo lang ako titingin."

Nag-iwas ako ng tingin habang pinipigilan ang pagkawala ng isang ngiti sa mga labi kahit pa sigurado akong nahuli na niya iyon.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now