Chapter 21

653 17 0
                                    

Cake

"Happy birthday, love."

It was my mother's sweet voice. Kahit na naalimpungatan, napangiti ako at mabagal na nagdilat. My eyesight was blurry at first but after gently rubbing it with my tiny fingers, finally, I saw my parents... smiling at me. May hawak na cake si Mama samantalang abala naman si Papa sa pagsuot sa akin ng party hat na katulad ng sa kanila ang disenyo... Frozen. My favorite disney movie.

"Happy birthday, my princess!" Bati nito sa akin bago ako pinatakan ng matamis na halik sa noo. I smiled and hugged him. Mama chuckled as she draw nearer. Above the chocolate cake, there are eleven cute candles. My smile widened. I'm eleven years old na...

"Mamaya na maglambing sa Papa. Hipan mo na muna itong cake para makapagwish ka." Nangingiting sinabi ni Mama nang mapansing parang ayaw ko pang bitawan si Papa. I pouted and let Papa get away from my tight embrace pero si Mama naman ang niyakap ko. Mabuti na lang at nailapag na niya sa kama ang cake bago ko pa man siya mayakap. She hugged me back immediately while whispering so many I love you's.

"Your friend, Tristan, is already here. Hinihintay ka sa baba." Sinabi niya bago ako pinakawalan. I smiled more after hearing my bestfriend's name. Tuloy ay excited na akong hipan ang cake para makababa na.

"Si Tristan ba 'yon? I thought it's another kid." Inayos ni Papa ang buhok ko at tipid na ngumiti. Hinawakan niya ang cake at dinala sa tapat ko. "Blow the candles, princess."

"Oh... hindi ba? Akala ko si Tristan." Si Mama na mukhang hindi na rin sigurado. I closed my eyes and instead of making a wish, I thanked God for giving me a wonderful family. My loving parents, Lola, Titas and Titos. My cousins. At sa blessings na natatanggap namin araw-araw.

Nagmulat ako at nang hipan ang kandila, nagising ako sa kasalukuyan.

Nasa isang di pamilyar na silid ako, nakahiga sa kama, at mag-isa. Wala si Mama at Papa. Wala yung cake. It was just a bittersweet memory which happened inside my dream this time. Perhaps to make me remember my tragic past and be eaten by guilt all over again. Because I know that after that sweet moment of my eleventh birthday, a nightmare would come next.

Without making a sound, I slowly removed the comforter that was covering half of my body. Bumaba ako sa kama at maingat na tinungo ang pintuan.

Where the hell is Yovin? Base sa naaalala ko ay siya ang huling kasama ko. Did he already leave me? Umalis na ba siya? Saang lugar 'to at bakit dito niya ako dinala?

Parang may sariling pag-iisip ang mga paa ko at natagpuan ko na lamang ang sarili na tinatahak ang hagdan pababa. Tahimik kong hinanap si Yovin pero halos mga naka-unipormeng mga kasambahay ang nakikita at nakakasalubong ko saan man ako magpunta.

Mag-aalas tres ng hapon nang tumigil ako sa paghahanap sa kanya dahil sa pagod at gutom na rin. Gusto ko mang magtanong sa mga kasambahay kung nasaan si Yovin ay hindi ko magawang basta na lang magtiwala pagkatapos ng nangyari sa akin kagabi.

But I'm sure this is Yovin's place. I saw a family portrait in the living room and he's there with his brother, Doc Jeremy. Kaya kahit papaano ay hindi naman ako natatakot maglakad-lakad rito.

Some maids offered me food but I politely declined. Hindi ko alam kung bakit kahit gutom ako ay wala akong interes kumain.

A part of me is telling me that it was because Yovin isn't here but since when did my appetite started to depend on his presence? Bakit parang outdated yata ako?

"Hinahanap niyo ho ba si Sir Yovin, Ma'am?" Sa wakas ay mayroon nang naglakas loob na tanungin ako. Natigil ako sa paglalakad at hinarap ang nagsalitang kasambahay. Palakaibigan itong ngumiti sa akin.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now