Chapter 10

621 23 0
                                    

Prayer

Naagaw ang atensiyon ko mula sa nakadisplay na laruang robot nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko sa loob ng aking bag. Ngumiti ako sa nakabantay na saleslady nitong mall na pinuntahan ko.

"I'll buy this," I said, thinking that Kevin would like it.

"Okay, Ma'am." Sagot ng saleslady bago ito kinuha para i-process.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan. Bumungad sa akin ang isang text mula kay Yovin. My forehead creased. Alas tres pa lang at patext-text na kaagad siya. Hindi ba siya busy?

Yovin:

Heyyy

Napahilot ako sa sentido. Mukhang wala talagang magawa sa buhay ang isang ito. I can imagine him leaning on his swivel chair's backrest right now, nakapatong ang mga paa sa mesa habang parang tangang naghihintay na replyan ko ang 'Heyyy' niya.

I typed a reply and send it immediately after.

Ako:

Ano?

Agaran naman ang pagreply niya.

Yovin:

What are you doing right now?

Ako:

Buying some stuffs and toys.

Ibabalik ko na sana ulit sa bag ang cellphone ko nang muli siyang nagreply. I have no choice but to read it and send him another reply.

Yovin:

What toys?

Ako:

I'll send you the pics later, stop texting me. Okay? Focus on your work instead.

"Ma'am ayos na po. Two-thousand and thirty-six pesos po dala na yung iba pang laruan na napili niyo kanina."

"Okay."

Kaagad akong nagbayad. Tatlong paper bags ang bitbit ko nang lumabas ako sa toy's section. Balak ko na sanang umuwi nang makaramdam ako ng uhaw at gutom. Imbes na tumuloy sa exit ng mall ay nagpasya akong dumaan muna sa isang café. Eksakto namang may isa pang mesang bakante bago tuluyang mapuno ang lugar.

"What's your order, Ma'am?"

Tiningnan ko ang lumapit na waiter. Palakaibigan ang ngiti nito at base sa hitsura ay mas bata sa akin ng ilang taon. Siguro ay estudyante pa at kasalukuyan lang na nagpapart-time-job.

Umorder ako ng frappe at isang slice ng cheese cake. At dahil punuan na ang café, medyo natagalan bago naibigay sa akin ang order ko.

"The damn café is full. Let's fucking go somewhere else."

I was about to take a sip on my frappe when I heard it. Natigilan ako dahil grabe namang bibig iyon. Mala-english version ng bunganga ni President Duterte, ah? May damn na, may fucking pa. Hanep.

"Nagugutom na ako..."

"Yan kasi, ang arte kanina. Kakain na lang..."

"Why don't we fucking go to a restaurant instead?"

"Ano 'yon? Mag-aalas kwatro pa lang, magdidinner na ako?"

At dahil malapit ang pwesto ko sa may bukana ng café, dinig na dinig ko talaga ang usapan ng mga bagong dating. Tinapunan ko ito ng tingin at nakita kong tatlong lalaki iyon. Lahat matatangkad at ang suot na corporate attire ay sobrang out-of-place sa lugar. Dahil sa ingay nila ay pinagtitinginan na sila ng ibang mga customer pero sa tingin ko ay wala silang pakialam doon.

Luminga-linga iyong lalaking nasa gitna na tila may hinahanap. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito nang masulyapan ang mesa ko. When his gaze moved a bit, our eyes met. He smiled and snappily walked towards my direction. Kumunot naman ang noo ko at naibaba ang inumin.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon