Chapter 33

432 14 4
                                    

Positive

"Oh my god! We missed you so much, Misty!"

Ngumiti ako at hinayaan ang mga kaibigan ko na yakapin ako. Mag-iisang buwan din yata kaming hindi nagkita-kita dahil sa dami ng mga nangyari nitong nakaraan. That's why I'm so happy right now that Yovin let them visit me amidst our current situation. Alam kong mahirap ito para sa kanya pero ginawa niya pa rin para mapasaya ako.

"Na-miss ko rin kayo . . ." Natutuwang sagot ko.

"Akala talaga namin wala ka nang balak bumalik pa rito sa Elgrecoza! Mabuti na lang at nasabi naman ni Doc Jeremy na may inaasikaso lang daw kayo ng . . . fiancé mo." Si Chona sabay sulyap kay Yovin na kasalukuyang may kausap na bodyguard malapit sa may pinto. "Shet, girl, ang gwapo talaga! Sanaol!" Impit na tili nito habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mga palad.

"Ingrata, maghunos dili ka nga!" Saway naman ni Gajo sabay kurot sa tagiliran nito. I chuckled. Karen pursed her lips and shook her head, acting as if disappointed with the two when the truth is, she's not.

"Ah basta ako, loyal kay Doc Jeremy!" Sabi pa nito, kinikilig.

Sabay naman na napairap sina Gajo at Karen.

Maghapon kaming nagkwentuhang apat at hinayaan naman kami ni Yovin. May mga time na nasasali siya sa usapan pero kadalasan ay abala siya sa kung anong tawag. At dahil noong isang linggo pa dumating ang dalawang kasambahay mula sa Del Blanca, hindi na kami umorder ng pagkain sa labas para sa lunch dahil may magluluto rin na naman.

"Narinig namin na nag-extend ka raw ng leave, girl. Para sa nalalapit mong kasal?" Tanong ni Chona.

Napainom ako ng tubig. Oo nga pala't wala silang alam sa kasalukuyang nangyayari sa buhay ko. Mukhang ginawa rin lahat ni Yovin para walang ibang makaalam sa nangyari sa akin sa inuupahan kong bahay at pati na rin sa nangyari sa bahay ng mga magulang niya. At duda akong ganoon din ang tungkol sa nangyaring pagtatangka sa buhay ni Abuelo.

"Oo, e . . ." Sagot ko at pilit na ngumiti.

"Kailan ba kasal mo girl?" Si Gajo naman. "Siguraduhin mo lang na invited kami at maraming shanghai ha! Pero dapat mas maraming chupapi!"

I chuckled at his naughtiness. "Of course. Pero next year pa naman 'yung kasal."

Napunta sa bagay na iyon ang sunod naming topic. Lahat sila ay excited. Ganoon din naman ako. Pero hindi ko maikakailang mas masaya sana kung walang panganib na nakaabang. Siguro kung normal lang ang lahat ay baka nga napaaga ang kasal namin ni Yovin. Though ayos lang naman sa akin ngayong naantala muna. Everyone's safety is the main priority here. Hindi safety ko kundi pati na rin ng mga taong nakapaligid sa amin. Ang mga kaibigan ko . . . at ang pamilya niya.

"Girl, gawin niyong abay si Doc Jeremy ha. Tapos ako rin. Partner kami!" Si Karen sabay yugyog sa balikat ko. Tumango na lang ako. Nawala lang ako saglit at mukhang lumala na kaagad ang paghanga niya sa lalaki. Ano kayang nangyari?

Gabi na nang magdesisyong umuwi ang mga kaibigan ko at nangakong bibisita ulit sa susunod na day off. Sobrang saya ko na kahit nakahiga na kami ni Yovin sa kama para matulog ay iyon pa rin ang bukam-bibig ko.

"Thank you for letting them visit me . . ." I whispered against Yovin's chest. He hugged me more and planted a soft kiss on my forehead. Napapikit ako at mas isiniksik ang sarili sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili. Kasama ko naman siya palagi pero ang pakiramdam ko ay parang miss na miss ko pa rin siya.

"Anything to make my babe happy."

Napangiti ako at nag-angat ng tingin sa kanya. His dark soulful eyes meet my calm ones. I touched his jaw using my hand and I can't help but admire him more. I can't help but fell harder . . . and deeper.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now