Chapter 45

480 11 0
                                    

Life

The white ceiling is the first thing that I saw the moment I regained my consciousness. I tried to move but my whole body feels sore and heavy. The cold temperature of the room is giving me chills that when I opened my mouth, I felt my own hot breath lingering on my dry lips.

"Misty? Thank God you're finally awake!" I heard Tito Reymund's relief. Naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko. Iginala ko ang mga mata ko at nakita kong nakaupo ito sa isang silya na katabi kung saan ako nakahiga.

Kaagad itong nagtawag ng doktor gamit ang intercom samantalang hindi naman ako mapalagay. Base sa lugar kung nasaan ako, walang dudang nasa isang ospital ako ngayon.

So, I survived?

Siguradong sina Mama at Papa rin. Pero nasaan sila? Nasa ibang kwarto ba? Ayos lang kaya sila? May mga sugat rin kaya sila katulad ko? Siguradong nag-aalala na ang mga iyon. They need to know now that I'm awake and fine!

Sinubukan kong bumangon pero pinigilan ako ni Tito Reymund.

"Misty, don't force yourself, please. Baka mapano ka—"

I shook my head and plastered a small smile on my lips to show that I'm really okay. "Ayos lang, Tito. Kaya ko na po. Nasaan pala sina Mama? Samahan mo po ako kung saang kwarto sila. I want to see them. Baka po nag-aalala na ang mga 'yon—"

The door opened and a female doctor along with two nurses entered. Kaagad ang paglapit ng mga ito sa akin para tingnan ang kalagayan ko. They even made me lay on the bed again.

Hinayaan ko sila. Kapag nagprotesta ako ay baka kung ano pang iturok nila sa akin. Saka na lang ako aalis kapag umalis na sila.

Kinausap ng doktor si Tito Reymund matapos akong suriin pero wala na roon ang utak ko. Gusto kong matapos na sila para makaalis na ako at mapuntahan ang mga magulang ko. At nang sandaling umalis sila ay kaagad akong bumangon kahit na nagsisimula ko nang indahin ang kasalukuyang kalagayan ko.

My left arm doesn't feel right. Ang isang binti ko ay namamaga at bahagyang kumikirot naman ang noo ko.

"Misty, hindi mo ba narinig ang sinabi ni Dr. Collins? Kailangan mong magpahinga ng maigi dahil halos apat na araw kang walang malay!" Sermon sa akin ng tiyuhin. Ang namumugto niyang mga mata ay pilit kong hindi pinag-ukulan ng pansin. Baka dahil lang sa puyat kakabantay sa akin dito sa ospital.

I sighed and relaxed a bit. "Sige po pero pwedi po bang papuntahin niyo rito sina Mama? O pwedi naman pong isakay niyo ako sa wheelchair patungo kung nasaan sila. I just want to make sure that they're fine just like me—"

Umiling si Tito Reymund. Sunod-sunod at napayuko. Kumunot ang noo ko nang mahigpit nitong hinawakan ang mga kamay ko. I felt his cold trembling hands against my weak palms. At halos agawin ko sa kanya ang mga kamay ko nang unti-unting pumatak ang mga luha niya sa suot kong hospital gown.

"Your parents didn't make it, Misty." He gasped, trying hard not to completely cry.

Hindi ko kaagad nakuha ang sinabi niya. Pakiramdam ko ay nabingi ako o nabobo. Hindi ko maiproseso ang narinig mula sa kanya.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now