Chapter 6

579 27 3
                                    

Regret

It took me almost a week to solve everything. My cards were replaced by a new one at nakahanap na rin ako ng bagong matitirhan. Maliit lang na bahay pero ayos lang dahil hindi kalayuan masyado sa Fidel Rico. Mura lang din ang renta at mabait pa ang may-ari na sa katabing bahay lang nakatira.

"Are you really sure about this, Misty? Hindi pa naman kita pinapalayas sa bahay ah! This place is too small!" Reklamo ni Gajo matapos ko silang mai-tour sa loob at labas ng bahay. Maliit lang iyon at dalawa lang ang kwarto sa itaas kaya kaagad kaming natapos.

Tumawa ako at nagdesisyong ipagtimpla na lamang sila ng juice. Sabado ngayon at ang tatlo kong kaibigan, naisipang dito tumambay sa bahay na nilipatan ko. At base sa laki ng mga bag na dala nila, walang dudang dito rin sila matutulog ngayong gabi.

"Oo, Gajo. Sigurado ako. Nakadown-payment na ako for six months." Saad ko dahilan para maarteng mapasinghap ang loka-loka.

Chona roamed her eyes around. She looked satisfied but ofcourse, may komento pa rin. "Maganda naman kaso maliit nga talaga."

"Yeah, I agree." Karen seconded while eating the cake they brought. Nanatili namang nakasimangot si Gajo sa harapan ko, nakapangalumbaba sa mesa. Ngumiti ako at nilagyan nalang ng juice ang baso niya.

"Stop smiling bruha, hindi nakakatuwa." Pagalit niyang sermon sa akin bago uminom at umirap. Nilagyan ko rin ng juice ang baso ng dalawa bago ako umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Karen.

"Kung ayaw mo kina Gajo, doon ka na lang kaya muna sa amin? I'm sure Papa won't mind. Palagi rin 'yong wala eh. Kami lang ng dalawang kapatid ko ang tao sa bahay." Suhestiyon ni Chona.

"Or, sa bahay. Pwedi rin, Misty." Si Karen naman na sinabayan pa ng pagtango.

I smiled. It was overwhelming that their care for me is too much but I don't wanna risk it. Lalo na dahil sa mga nakalipas na araw, ramdam ko pa rin na parang may palaging nakasunod o nakamanman sa akin. "Salamat pero ayos na ako rito. Kilala niyo naman ako, di 'ba? I really wants to be independent as much as possible."

"Being independent doesn't always mean living alone!" Si Gajo.

I nodded. "Alam ko. I also know that you are all just worried about me but trust me, I can handle myself. And, I like it this way. So please, pagbigyan niyo na ako, okay?" I gave them an assuring smile before I started eating the chocolate cake on my plate.

Truth is, yes, I'm just scared. For them...

"Doc Jeremy!" Tawag ko sa lalaking dumaan. Kanina ko pa siya inaabangan dito sa basement parking ng ospital pero dahil sa pagkakalibang ko sa cellphone ay muntik ko na siyang di mapansin.

Tumigil ito at nilingon ako. Nagdesisyon akong mas lumapit dahil nakakahiya naman kung ako pa ang lalapitan gayung ako ang may kailangan sa kanya.

"Yes? What is it, Nurse Misty?" Marahang tanong niya. His gaze darted towards the paperbag in my hand for a moment before it goes back to my face. I saw him shifted his body a bit. Nakitaan ko ng kaunting ngisi sa labi pero baka guni-guni ko lang dahil kaagad rin namang nawala.

"Ah, ano kasi—" natigil ako nang magsalita siya.

"Malayo pa ang birthday ko at ganun din ang pasko pero, hindi ko tatanggihan kung may advance gift ka sa akin. Akin na, huwag ka nang mahiya pa." Naglahad siya ng kamay sa akin.

Napaawang ang bibig ko at medyo nakaramdam ng hiya. "Ah, hindi po ito regalo, Doc." Napakamot ako sa pisngi at alanganing napangiti habang sinasabi iyon.

Tumawa ito. His right cheek dimple showed because of it. "I know, just kidding." He winked at me.

Napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Bahagya akong tumikhim bago sinabi ang totoong sadya sa paglapit ko sa kanya.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now