Chapter 13

498 22 3
                                    

Friends

Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang takbo ng oras habang pinagmamasdan ko siyang nakangiting naglalakad patungo sa direksiyon ko. Pati ang bawat madaanan niya, mapa-pasyente man o nagtatrabaho sa ospital, ay napapabaling sa kanya. He really has that unnoticeable aura around him. Idagdag pa na matangkad, gwapo, at kilala bilang isang mahusay na abogado. Sino nga naman ang hindi mapapalingon?

"Good morning, Nurse Misty." Bati niya nang makalapit. Nakangiti pa rin. Tumango ako at pilit na ngumiti bago nag-iwas ng tingin para kunwari ay sulyapan ang oras sa suot kong wristwatch.

"Bakit ka... nandito?" Tanong ko bago nag-angat ng tingin sa kanya. He pursed his lips, and this time, he watched me intently, as if reading my thoughts. Muli akong nag-iwas ng tingin bago sumubok na maglakad at lampasan siya pero mabilis niya akong naharangan gamit ang kanyang katawan.

I almost bump into his chest. Mabuti na lang at kaagad akong napatigil sa paglalakad. Tiningala ko siya at naabutan ko ang madilim niyang tingin sa akin.

He sighed and his eyes softened a bit. "What's our problem? Hmm? Tell me."

I shook my head, plastered a smile on my lips, before I spoke calmly. "Wala, Yovin. Busy lang talaga ako."

"Are you sure?"

I nodded to assure him. Tinuro ko ang hallway pagkatapos. "Alis na ako. Kailangan ko pang magrounds, e." Ramdam ko ang pagkakataranta pero hindi naman gaanong halata sa boses ko.

I felt him watch me closely again. Para bang pinag-aaralan kahit na ang simpleng pagkurap ko, paghinga, at bawat paggalaw ng labi sa tuwing nagsasalita.

Pagkuwan ay tumango siya. He then cooly placed both of his hands inside his pockets.

"Then, let's eat lunch together later. Is that okay?" Masuyong tanong niya nang makuntento sa pagmamasid sa ekspresiyon ko.

"Sure." Diretsong sagot ko bago siya nilampasan at iwan doon na parang wala lang.

I unconsciously let my hand landed on my chest after seconds of walking away from him. I felt the loud and painful booming of my heart but I know I shouldn't let it affect my plan now. I should focus on what my Lola Carmen asked me to do. I should focus more on important things than this crazy feeling I was then ignoring from the very start.

Hindi ko nakalimutan. Alam ko kung ano ang ipinunta ni Yovin dito sa hospital. He told me that he wants to meet my patient, Kevin, and I agreed. Hindi siya pumasok sa firm ngayon para pumunta rito pero eto ako at iniiwasan siya.

"You look sad, Nurse Ganda. May nangyari po ba?"

Napatitig ako kay Kevin. He's busy with the toys I bought for him but he still managed to ask me that question.

Umiling ako kahit na ang buong atensiyon niya ay nasa robot na laruan. "Hindi ako malungkot. Pero baka mas pumapangit na ako lalo kaya sa tingin mo ganoon?" Biro ko habang pinagagalaw sa ibabaw ng kama ang maliit na truck.

He stopped playing just to look at me. He then pouted after a few moments of watching my face. "Nope. You're so pretty kaya."

"Asus, bolero."

"I'm just telling the truth, you know."

Tumawa ako dahil naging seryoso siya bigla. "Okay, okay."

Bahagya siyang ngumiti bago siya muling bumalik sa paglalaro. Akala ko hindi na siya ulit magsasalita pero nagkamali ako.

"Tomorrow, my family and I will fly to U.S." He started a new topic. Natigilan ako pero mas pinili kong patapusin siya sa pagkukwento. He sounds excited telling me about it even though his eyes are fixated on the toys I gave him. "My Lolo wants to try another hospital for me... abroad. He even sold all of his properties here in the Philippines para lang mangyari ang gusto niya."

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now