Chapter 17

575 21 0
                                    

Painting

I yawned in silence while watching the moving view outside the car's tinted window. Yovin chuckled and gently patted my head. Ngumuso ako at mas lalong nangalumbaba sa gilid ng bintana habang siya naman ay nagmamaneho gamit lamang ang isang kamay.

"Ayan, puyat pa," natatawang parinig niya. "Kung hindi pa nagbrownout, hindi kayo titigil kakamovie marathon niyo."

"Kung hindi nagbrownout, malamang ay nakita ka talaga nila." Sagot ko at kinurot ang kamay niyang nakaabot na sa hita ko. Tahimik siyang napa-aray bago tumawa at umayos sa pagmamaneho.

Using my fingers, I brushed my hair backwards. Pagkatapos ay inabot ko ang frappe na nakapatong sa dashboard at ininuman. I then glanced at Yovin and saw him stiffling a smile while trying so hard to focus on the road. Kumunot ang noo at naibaba ang inumin.

"Why are you smiling?"

Umiling siya at saglit na napakagat-labi. "Wala naman."

Tumango ako at pinalampas na lang iyon. Sigurado rin naman kasi ako na kung pipilitin ko siya ay kabaliwan at kahalayan lamang ang lalabas sa bibig niya.

"Hindi, naisip ko lang... Ilang milyon kaya ang iaalok sa'yo ni Abuelo layuan lang ako?"

I gasped dramatically. Napatakip pa ako kunwari sa bibig ko with matching nanlalaking mga mata. Tumawa na naman siya at walang pakundangang pinisil ang pisngi ko.

"I'm just kidding, Misty."

"Hindi naman ako nalungkot. Ang totoo niyan ay excited ako. Ilang milyon ba ang kayang ibigay ng Lolo mo sa'kin ha? Gaano ba siya kayaman?" I squinted my eyes and giggled. "Hmm, siguradong tiba-tiba ako kapag nagkataon-"

He looked at me with outmost disbelief. "Are you serious?"

Humalakhak ako. "Siguro magmamatigas muna ako hanggang sa tumaas ang presyong ibibigay niya-"

"Gabrielle Mistyca Romero," tawag niya sa akin.

"Hmm?" I hummed happily. Umirap siya.

"Kuripot si Abuelo. Kahit isang kusing, hindi 'yon magbibigay."

"Kakasabi mo lang kanina na-"

"May sinabi ako?" Pagmamaang-maangan niya pa.

"Yes,"

He scoffed. "Biro lang 'yon, tinotoo mo naman."

Tumawa ako at hindi na siya inasar pa. Muli akong humilig sa may bintana at nilunod na lang ang sarili sa pagmamasid sa mga naggagandahang tanawin na nadaraanan namin.

From the busy streets of Elgrecoza with so many concrete establishments that would remind you how colorful the life is, the chilling ambiance of La Nuevo because of it's long coastal roads that would make you wish for a longer travel, I can't help but enjoy the moment.

"Grabe, looking at you, para kang paslit na first time makalabas ng bahay." Dinig kong komento ni Yovin pagkaraan ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

Hindi ko siya pinansin dahil masyado akong abala sa pagtanaw sa magagandang tanawin na nadaraanan namin.

And after two hours of travel, I can almost see the huge arch made of brick stones which separates the Del Blanca from La Nuevo. Ang arkong iyon ay ang pahiwatig na nasa Del Blanca ka na pagkadaan doon.

And when we finally entered the high arch, I almost thought that we were transfered into a different place. If Elgrecoza is known for being a noisy and busy place because of traffics, high establishments, and malls, and La Nuevo is famous because of it's beaches and resorts, I can say that Del Blanca is way too different because of it's green lands full of ranches and haciendas. Bahagyang malubak ang daanan pero hindi ka naman mabobore dahil sa mga hayop na madadaanang kumakain ng damo o di kaya'y umiinom sa maliliit na sapa.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon