Chapter 37

516 11 0
                                    

Nightmare

"Sa'n ko 'to ilalagay? Doon sa mesang katabi ng bintana o diyan malapit sa kama?"

Tumigil ako sa pagsusuklay ng basang buhok para bigyan ng atensiyon ang tanong ni Yovin. Kapapasok lang nito sa kwarto namin dala-dala ang isang babasaging vase na may lamang nakaayos na mga bulaklak. Day off ngayon nina Wena at Manang Marta kaya siya ang napag-utusan ko.

Umayos ako ng upo at saglit na pinagmasdan ang mga pwesto na binanggit niya. Pero hindi ako makapili kung alin ang mas magandang lagyan ng vase. Ngumuso ako at ibinalik sa kanya ang mga mata.

"Saan ba mas maganda?" Pabalik kong tanong.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagguhit ng nakakalokong ngiti sa mga labi nito bago dinala malapit sa may bintana ang vase. Pagkatapos ay magiliw itong ipinatong sa mesang naroroon.

"Dito na lang. Sayang ang vase kung diyan ilalagay malapit sa kama."

Kumunot ang noo ko. Hindi kaagad nakuha ang ipinapahiwatag niya.

"Siguradong matatabig lang at mababasag." He added playfully and was immediately followed by his flirtatious smile. Napailing na lang ako habang nag-iinit ang magkabilang pisngi. Napakabastos talaga.

"Ewan ko sa'yo, Yovin."

"Why? Totoo naman, ah?"

"Ayusin mo 'yan. Put the vase on the center." Utos ko na lang bago muling humarap sa salamin at nagpatuloy sa pagsuklay. The brute chuckled but at the same time, followed my order without saying anything.

Tumitig ako sa sariling ekspresiyon at bahagyang ngumiti.

Today is a special day for me. Napagkasunduan namin ni Yovin na bago magtungo sa Del Blanca sa susunod na araw para magbakasyon ay bibisitahin muna namin sa sementeryo ang mga magulang ko ngayong araw. Noong una ay hindi siya pumayag dahil mayroon pa ring banta sa buhay ko pero matapos masigurong mahigpit ang seguridad namin ay pumayag na rin siya.

"Babe, I already ordered flowers and candles. Anything else you wanna add?" I heard him walking towards me. Bago pa ako makasagot ay naramdaman ko na ang marahang paglapat ng mga palad niya sa magkabilang balikat ko kasabay ang pagdampi ng isang halik sa pisngi ko.

Umiling ako. "Ayos na 'yon. Why? You have a suggestion?"

I watched our reflection in the mirror. Samantalang siya naman ay mukhang nag-eenjoy sa pahalik-halik at palandas landas ng tungki ng kanyang ilong sa pisngi at leeg ko.

"How about foods?"

I chuckled. "Ano tayo? Magpipicnic?"

Sumimangot siya. "Paano kung magutom ka? Or mauhaw? That's a private cemetery we are going. Walang malapit na convenience store or kahit maliit na tindahan doon."

"Fine, let's bring foods." Pagsang-ayon ko dahil may punto nga naman siya.

"How about a mat?"

"Ikaw bahala. Ayos na?"

He chuckled a bit. Nagkatinginan kaming dalawa sa salamin at mas lalo lamang lumapad ang ngisi niya. I jokingly rolled my eyes. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. He looked away and shook his head. Akala ko'y magtitimpi siya pero marahan niya akong pinihit paharap sa kanya at kaagad na sinalubong ng halik ang mga labi kong naghihintay.

"What time are we leaving?" He asked in between our passionate kisses. Too busy and too gone with the way his tongue played inside my mouth, I failed to give him an answer.

He scooped me and carried me towards our bed. Umupo siya sa kama at ipinatong ako sa kanyang kandungan. We kissed for a while until he decided to break our kiss. Namumungay ang mga mata ko nang magdilat ako.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang