Chapter 28

538 11 1
                                    

Tattoo

It feels like the time stopped for the two of us. Giving us a moment of peace, silence, relief, and comfort in the arms of each other. I hugged him more like my whole life depends on it. Natatakot ako na baka kapag bumitaw ako ay magising na naman ako sa panibagong bangungot... at wala siya sa tabi ko.

Ilang minuto pa ang tahimik na lumipas bago siya nagsalita. "Let's go, you're not safe here." Bulong niya. Ganoon pa rin ang ayos naming dalawa.

Tumango ako at bibitaw na sana para maglakad nang bigla niya akong buhatin. Napakapit tuloy ako lalo sa mga balikat niya at hinayaan na lang siya sa gustong gawin. I can still walk but I can't deny the fact that this is more convenient and comfortable. Masyado nang mahapdi ang mga sugat ko sa paa.

"I will never leave your side again. I promise..." he added.

Pumikit ako at nagsumiksik sa kanyang leeg. I feel so tired. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong naubusan ng lakas ngayong nandito na siya na masasandalan ko. Pakiramdam ko ay pupwedi na akong magpahinga muna. Kasi nandito na naman siya. Kasi ligtas na ako.

I passed out.

I realized that because when I woke up, I already found myself inside a huge cabin. Babangon na sana ako mula sa kama nang maramdaman ko ang paghigpit ng brasong nakadagan sa akin. Napatigil ako at napagtantong hindi ako nag-iisa. Katabi ko si Yovin at nakayakap sa akin ang isang braso. His other arm is supporting his weight. Nakatuon ang palad sa mukha habang pinagmamasdan ako.

Iginala ko muna ang mga mata sa palibot ng cabin bago nagtanong. May ideya na ako kung nasaan kami pero gusto kong tanungin pa rin siya.

"Nasaan tayo?"

"We're inside a yacht headed to Masbate."

Kumunot ang noo ko at nilingon siya. I caught him still staring at me like it's a job that could give him a million pesos a day. "What? Anong gagawin natin sa Masbate?" Pag-alma ko, hindi na pinatulan pa ang paninitig niya. "Hindi ba dapat ay bumalik tayo sa Claveria? Or if it is that dangerous right now, we can instead go to Del Blanca or in Elgrecoza! Kaya bakit sa Masbate pa?"

He sighed. "Let's skip Claveria, Del Blanca, and Elgrecoza for now, babe. It's too dangerous. I can't risk you and I won't risk it. Kung pwedi lang ay sa ibang bansa kita dadalhin but even the airports are not a good place right now."

Natahimik ako.

So, it's all about me from the very start. That's why he's being too protective right now. Ako ang puno't dulo ng lahat ng kaguluhang nangyari simula sa pagtatangka kay Abuelo, at sa nangyaring barilan sa bahay ng Mama at Papa niya. Ako ang totoong target. Someone wants me dead and because of that, marami ang nadadamay. Maraming napapahamak.

"What are you thinking, hmm?"

Imbes na sagutin iyon ay tinanong ko siya. "What happened to Natasha? At, kumusta na si Abuelo? Nailipat na ba siya sa Fidel Rico?"

He didn't answer too. And it made me frustated. Bakit parang wala lang sa kanya ang mga nangyari basta ang mahalaga ay nandito na ako, kasama siya? Bakit parang mas matimbang pa ako kaysa sa pamilya niya? Bakit pakiramdam ko ay kaya niyang talikuran ang lahat para sa akin?

And I just confirmed it in his eyes after a minute of staring battle.

"I can't believe you..." I spat, annoyed.

Umahon ako sa kama. Ganoon din ang ginawa niya at mabilis akong pinigilan sa tangkang pag-alis. He held my wrist and pulled me closer to him. At sa isang iglap ay inatake niya ng halik ang mga labi ko. He kissed me so passionately that I almost forgot my frustrations.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon