Chapter 34

469 14 1
                                    

Secretary

Isang mainit na yakap ang kasunod na naramdaman ko.

Yovin was so happy. Gano'n din ako. Kung nitong mga nakaraang araw ay may kaunting pag-aalangan pa ako, ngayon, habang nakikita ko kung gaano siya kasaya sa nalaman ay unti-unti na akong nakalma. Bakit ba ako matatakot? Yes, our current situation is still dangerous but I know, as long as Yovin is there, our baby and I will be safe.

"What do you wanna eat, hmm? I'll cook it for you." Malambing na tanong niya. Kasalukuyan kaming nakaupo sa kama, nasa likuran ko siya at yakap-yakap niya ako. We are supposed to visit his firm today but when he learned that I am pregnant, he cancelled it right away. Saka na lang daw kapag nakapagpacheck up na kami.

"Fried chicken," tipid na sagot ko.

He chuckled and kissed my temple. Naramdaman kong aalis na sana siya para siguro'y ipagluto ako pero pinigilan ko siya. "Mamaya na. Dito lang muna tayo."

"Okay."

I smiled and leaned my back on him. I closed my eyes as I feel his beating heart and calm breathing. His hands are caressing my fingers. It feels warm.

"Kailan mo pa nalaman na buntis ka?" Masuyo niyang tanong.

"Isang araw pagkarating natin dito pero balak kong sabihin kapag nakompirma ko na. I took the pregnancy test some days ago and it says positive. Nakalimutan ko lang sabihin sa'yo kaagad. I'm sorry."

He hugged me more. "It's okay. At least sinabi mo at hindi mo itinago sa akin. Though wala ka namang pweding maging rason para itago sa akin, masaya pa rin ako na nalaman ko kaagad. My cousin's experience about this matter is a bit scary. I don't want that to happen to me. Baka mamatay ako." he then chuckled.

Kumunot ang noo ko at saglit na napaisip. "Si Kuya Zairus?"

"Yeah. Huli na nang malaman niyang may anak sila ni Ella. Mabuti na lang at naayos niya pa. Watching him suffer that time is traumatizing. Ayokong mangyari sa atin 'yon. Hindi ako kasing tibay at tatag ni Kuya Zai."

"Hindi 'yon mangyayari sa atin." I assured him.

"Promise?" he whispered against my ear. "Promise me, please."

"I promise you. Dito lang kami ni baby palagi. Hindi ka namin iiwan."

He kissed my nape. Ilang sandaling kapwa kami natahimik bago siya nagbukas ng panibagong topic. "Our monthsary is coming few weeks from now. I already have plans about it but I want to hear yours."

"Hmm, sige mag-iisip ako."

"Alright . . ."

I smirked when I realized something. Parang matatawa ako na ewan. Siguro ay napansin niya iyon kaya pilit niya akong sinilip.

"What is it?"

"Akalain mo 'yon? Magdadalawang buwan pa lang tayo pero buntis na kaagad ako?" I told him. He listened seriously, as if every words that would came out my lips are worth noting for. Nang wala na akong idinugtong ay saka siya nagsalita.

"I also didn't expected this. Alam kong ayaw mo pang magkaanak at sinabi mong nagpipills ka rin. I respected that so much. I'm willing to wait. But when you told me today that you're already bearing our first child, I couldn't help but feel happy. Pero kaakibat no'n ang katotohanang maiintindihan ko kung hindi ka magiging masaya sa pagbubuntis mo dahil nilinaw mo noon na hindi ka pa handa—"

"People change. I guess, kasama ako do'n. Siguro kong hindi tayo nagkakilala at nabuntis nga ako katulad nito, baka nga hindi ako maging masaya. Pero dahil ikaw naman ang ama, ayos lang." I chuckled thinking about it.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now