Chapter 15

545 21 0
                                    

Girlfriend

"So... ahm, ano? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko matapos niya akong maihatid sa bahay na inuupahan ko. Dahil umuulan ng malakas kanina ay niyaya ko muna siyang magpatila sa loob ng bahay pero ngayong tumigil na ang ulan, siguro naman ay uuwi na siya.

He's now dressed with a new shirt, na siyang nakita kong kinuha niya kanina sa bag na nasa likuran ng kotse niya. Pansin kong may ilang business attire din siya roon at kung ano-ano pa.

Imbes na sagutin ako ay tamad niya lang ako na sinulyapan bago siya nagpatuloy sa kung anong palabas na pinanunuod sa TV habang yakap-yakap ang isang throw pillow. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga bago ako nagdesisyong lumapit at maupo sa single couch na nasa tabi ng sofang kinauupuan niya.

Sinilip ko ang pinapanuod niya at napagtantong boring naman iyon.

"Galit ka pa ba?" Tanong ko pagkatapos tumikhim.

"Yeah," he drawled lazily without tearing off his gaze away from the boring movie he was watching.

"I'm sorry..."

Just two words and I finally got his whole attention. Napayuko ako at pinaglaruan na lamang ang mga daliri. My lips parted for continuation but in the end, I decided to just shut the hell up.

"You're sincere?"

My forehead creased at his question. Kaagad akong nag-angat ng tingin sa kanya at naabutan ko siyang nakatitig sa akin. "Ofcourse!"

He chuckled. Sinimangutan ko siya pero hindi na nabura pa ang katuwaan sa mga mata niya kahit na pilit siyang nagseryoso. Nilapag niya ang throw pillow sa tabi bago niya tinapik ang kandungan niya. "Come here."

I was hesitant but I also want to prove to him that I am sincere in saying my apology. Tumayo ako at lumapit sa kanya pero bago niya pa man ako mahila patungo sa kung saan niya ako gusto paupuin ay naupo na ako sa tabi niya. Napanis ang galak sa mga mata niya at bahagyang nagparte ang mga labi nang mapagtanto ang ginawa ko.

"Sit on my lap, Mistyca." Although it was a command, I don't understand why his voice still sounds so gentle.

"I'm fine here-" Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay naiangat na niya ako at walang pasabing inilipat sa kandungan niya nang walang kahirap-hirap.

"Yovin!" I protested.

"Yes, babe?"

"What the hell are you doing?"

"Let's talk." Sambit niya kasabay ng pagpulupot ng mga braso niya sa baywang ko. Nakatagilid ako sa kanya dahil sa posisyon ko samantalang ang tungki naman ng ilong niya ay bahagyang dumadampi sa aking kanang pisngi.

"Can't we talk without being too intimate with each other?" Asik ko sa kanya. I tried to face him but I immediately stopped when our lips almost touch!

Ngumisi siya at mas inilapit ang mukha sa akin. "I like it this way."

"Kasi manyak ka?"

He laughed. His embrace tightened. "What?"

"You're doing this on purpose! I knew it!"

"What purpose?" Inosenteng tanong niya at gamit ang tungki ng kanyang ilong ay sinundot niya ang pisngi ko. "Hmm?"

"Tss,"

"There's nothing wrong with this. I am your boyfriend, and you are my girlfriend now. It's just normal. Atsaka, naglalambing lang naman ako sa babe ko..."

Hindi na ako nakipagtalo pa at hinayaan na lang siya kahit na gusto ko siyang barahin at tanungin kung kailan ako pumayag na maging girlfriend niya. He then rested his face on my neck without saying anything.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Where stories live. Discover now