Chapter 36

535 14 0
                                    

Best

I was busy eating some fried chicken while watching a random movie inside our room when Yovin sat beside me on the couch. Kaagad nitong ipinulupot ang mga braso sa baywang ko at ipinatong ang baba sa balikat ko. Napangiti na lang ako. What a clingy human you are, Fortalejo. Buti na lang mahilig ako sa clingy.

"Done?" I asked, pertaining to the file that said he needed to review. Naramdaman ko ang pagtango niya. I nodded back and continued eating silently. Hindi pa naman ako inaantok at kahit papaano, medyo exciting naman ang pinapanuod ko kaya gusto kong tapusin na lang. Sayang kasi at nasimulan ko na.

"You really love fried chicken, huh? Baka maging manok na niyan anak natin?" Natatawang biro niya dahilan para mapasimangot ako. Ibinaba ko sa lalagyan ang piraso ng manok at sinipat siya. He chuckled and kissed the side of my jaw. "Kidding."

"Eh ito ang gusto kong kainin, anong problema mo?" Angil ko pa.

"Wala, wala akong problema. Sige, kumain ka na. Nagbibiro lang naman ako-"

I glared at him. "Nakakatawa, Yovin?"

Mabilis siyang umiling kahit na ang mga mata'y may bahid pa rin ng panunukso. "Ang maldita naman ng buntis ko. Pakiss nga-"

"Tumigil ka." Banta ko sa kanya bago nagpatuloy sa pagkain. Umusod ako palayo sa kanya at mas lalo lang akong nainis nang pinakawalan at hinayaan niya ako. "Matulog ka na. Manunuod pa ako rito." Inis na sambit ko.

"It's okay. I'll wait for you. Sabay tayong matutulog." Tipid na sagot niya sabay pahinga ng ulo sa sandalan ng couch.

Napairap ako at hindi na siya pinansin. Akala ko hindi na siya iimik kaya nagulat ako nang magsalita siya.

"Babe, saan mo gustong i-celebrate monthsary natin?"

Napatingin ako sa kanya. Nakapikit na ang mga mata at halatang pagod sa maghapong trabaho pero nandito at hinihintay pa rin ako na matapos sa pinapanuod dahil gusto niyang sabay kaming matulog.

Sa halip na sumagot, ibinaba ko na lang ang kinakain ko at nagtungo na sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Paglabas ko ay wala na roon ang kinakain ko at nakaupo na sa kama si Yovin. Mukhang pinaligpit na niya sa katulong ang mga kalat ko para paglabas ko ay wala na akong gagawin.

Lumapit ako sa kanya matapos kong magsuklay. He smiled and immediately pulled me towards our bed. Niyakap niya ako at ipinatong sa katawan niya. He then covered us with the thick comforter. Kapwa kami nakahiga na, ako, nasa ibabaw niya.

"Hmm, ang lamig." He mumbled against my neck. His hot breath lingering on my skin. Napapikit ako sa hatid nitong kiliti sa akin.

"Ha? Hindi naman, ah?" Tanong ko kahit totoong malamig nga ang panahon dahil sa walang tigil na pag-ulan simula pa kahapon.

"Hindi na muna tayo pupunta sa firm bukas. Dito lang tayo sa condo buong araw." He declared happily. Sasang-ayon na sana ako kaso naalala kong may client siyang naka schedule bukas.

"How about your meeting with Mrs. Asuncion?" Tukoy ko sa kliyente niyang may nakakaharap na kaso tungkol sa agawan ng ari-arian sa La Nuevo. Pumunta na ito noong nakaraang linggo sa firm at bukas ay may schedule para sa paghahanda nilang humarap sa korte sa susunod na araw. Ayaw na sana ni Yovin kaso nagpumilit itong makipagkita pa muna sa huling pagkakataon bago tumuloy sa hearing dahil may mga bagay raw na hindi pa nito lubos na nauunawaan.

"I'll just cancel our meeting then." Walang pakialam na sagot ni Yovin.

Natawa ako. "Ano? Baka umiyak 'yon? Mukhang type ka pa naman no'n . . ."

"Tss, you and you're silly imagination." Suway ni Yovin sa akin, tunog nagsusungit. Natawa ako at inalis ang comforter na nakapatong sa amin para maliwanag na makita ang reaksiyon niya.

When the Rain Pours (Fortalejo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon