Kuwento ni Lola Basya #70-Mansyon ni Antonio

25 0 0
                                    

Isang pagtitipon ang nangyari sa aking mansyon bilang kinikilala na gobernor. Kung saan pag-uusapan namin ang progreso ng mga micro chip sa mga katawan ng bawat tao sa lungsod palahudyatan na kabilang sila sa mga piling nilalang na may sapat na kita at kontrebosiyon sa gobernor. Ang layunin ng proyekto na ito ay ginawa upang may sapat kami na datos o impormasyon sa mga kinikita ng bawat mamamayan ng aming lungsod at atomatiko may access na kami sa kanila. Ngunit kailangan parin namin iscan ang kamay na may barcode upang makuha namin ang kita nila.

"Gobernor Antonio, kumusta ang ating statistika?" Tanong ni Gilbert habang nilalaro ang kanyang sungay.

"Madami pang kulang ngunit gagawin natin lahat upang makumbinsi sila," sarkastikong kong sagot habang minamasdan ang kompyuter sa aking harapan na may mga nakasulat na pangalan katabi ng kumikinang na bilog (hudyat na gumagana ang micro chip sa kanilang katawan)

"Antonio, kanina pa kayo nagtratrabaho. Ito uminom muna kayo." Pag-aalok ni Grasya habang kinakaway ang kanyang puting buntot.

"Salamat Grasya," isang tahol lang ang kanyang sinagot bago umalis.

At binaling ko na aking buong atensyon sa isang mapa sa screen na may mga pangalan at bilog na kumikinang. Habang patuloy na tumataas ang statistika ng mga nagpapalagay ng micro chip (sapagkat maganda ang mga pangako namin sa kanila)

~~~~

Madilim na sa labas ngunit hindi parin tapos ang pagtitipon kahit na konti na lang kaming nandito ay bawat isa may kanyang-kanya na trabaho.

"Ernesto, balita ko madami kang nakuha na ginto mula sa Bayan ng Alpha." Isang ngiti na may kinang sa bawat mata ang kanyang sagot. (sa gitna na kanyang maamong mukha panigurado walang magdududa sa kanyang intensyon)

"Antonio, Alam mo naman ang aking karisma." Ngisi niya sa akin habang nilalatag sa malaking mesa ang samot-saring ginto na kanyang nakuha mula sa mamamayan na kanyang hawak sa leeg. Sa wakas! Natatanaw ko na ang unti-unting pagdali ng aming trabaho dahil sa micro chip sa kanilang katawan.

"Mabuti naman! Ikaw naman Lorna mabuti naman at may sampu ka na kumbinsi sa paglalagay ng micro chip." Mapupungay ang mata ni Lorna na may puti at itim na linya sa kanyang katawan.

"Pasensya na po Gobernor masyado po silang matitigas ngunit ito po ang aking nakolekta." Sabay latag niya ng mga karampot na pera mula sa Bayan ng Salongga kung saan nandito nagmumula ang suplay na pagkain ng buong lugar. Mga mamamayan na pangingisda at pagtatanim ang inaasahan.

Mainam ko sila na tinitigan simbolismo na hindi ako natutuwa sa kita ni Lorna. Kasalanan ng isa marahil ay kasalanan ng lahat isang taon na namin itong trabaho, ang paglalagay ng micro chip sa katawan ng mga tao at pagkuha na kanilang kita ngunit hindi parin sapat para sa akin ang lahat. Mas lalo lang akong nainis sa sinabi ni Maribel isang tigasin ngunit may malambot na puso.

"Gobernor Antonio, pasensya na rin po at wala po akong maibibigay sa inyo ngayon." Pagkatapos niya bitawan ang mga salita na yun ay agad akong nakalapit sa kanyang puwesto.

"Anong sabi mo?" Nanlilisik ang aking mata habang hawak-hawak siya sa leeg nang mahigpit.

"Mahina raw po kasi ang kanilang kinikita at halos wala na rin po silang makain kaya ako na po mismo ang nagsabi na huwag muna magbigay." Ang eskinita ng Gama ang kanyang pangunahing lokasyon ito ay lugar ng mga nabibilang sa mga mahirap na pamilya.

"Maribel, baka nakakalimutan muna may access ako sa mga tao sa Gama sapagkat halos silang lahat may nakalagay na micro chip sa katawan."

Huh! Kalokohan! Akala niya siguro makakalusot siya sa akin at nakakalimutan niya sa tulong na micro chip alam ko kung sinu-sino ang kumikita.

"Hi--hindi po! Pasensya na po... Yun po talaga ang totoo." Mas lalo ko lang hinigpitan ang pagsakal ko sa kanya na halos malagotan na siya nang hininga dahil sa ginawa ko.

"Antonio!" Nabitawan ko agad si Maribel ng marinig ko ang pasigaw ngunit malumay na boses ni Mariposa habang may bitbit na dalawang sako at kumikinang ang loob nito.

"Mariposa, ang aking pabirito." Isa si Mariposa sa aking kanang kamay tila hindi nasisinagan ng araw dahil sa taglay nitong porselanang balat na may kulang bughaw na mata.

"Antonio, ito ang isang araw na nakuha ko lamang sa bayan ng Aristotle." Napangiti ako sa kanyang sinabi. Ang bayan ng Aristotle ang pinakamayaman na lugar at halos lahat na rin ay may micro chip sa kanilang katawan (nakikita ko na halos lahat ay kumikinang ang pangalan sa kompyuter screen)

"Kaya huwag ka munang magalit diyan." nakangiti siyang lumapit sa akin at pansin ang galak sa mga kasamahn ko habang si Maribel ay tila sekreto na kaming sinasaksak sa kanyang matalim na titig sa lahat na nandito sa loob.

"Mabuti na lamang at mas mabilis ang kanilang pagtiwala sa akin at walang pagdududa nilang tinanggap ang aking alok sa kabila na may iilan nagprotesta pero sa huli ay pumayak parin naman sila," monologo ni Mariposa na masyadong naaaliw sa kanyang nilalatag na ginto.

"Salamat! Maraming salamat sa kontribosyon ninyo at maaari ninyo iwanan gaya ng inaasahan saka na natin paghatian ang mga ito." Walang sino man ang nagreklamo sa kanila at pagkatapos sumaludo sa akin ay matiwasay ang bawat isa na umalis sa aking mansyon habang naiwan ako mag-isa kasama ang ginto at pera sa lamesita na nagbigay sa akin ng ngiti.

~~~~

"Tulong!"

"Itigil ninyo na ang kurapsyon!"

"Babalik din sa inyo ang lahat ng ginawa ninyo sa amin."

Tagaktak ang aking pawis na gumising sa isang masamang bangungot na galing sa mga tao na nagproprotesta. Binaling ko ang aking paningin sa isang malaking salamin pinagmasdan ko ang aking repleksyon mula rito kung saan tigre na may suot na mamahalin na damit kasama ang aking buong zootopia panigurado walang makakapigil sa amin kahit na mga tao nagrereklamo sa aming pamahalaan.

"Antonio," napalingon ako kung saan nanggaling ang boses at napangiti ako na mapagtanto si Elizalde pala ito.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt