Kuwento ni Lola Basya #17 - Lava walk with Slowmo turn

211 5 0
                                    

Miss Catriona Gray the Miss Universe 2018 planning to go back to her hometown."

"Woi bessy, ganda talaga ni Catriona ang perfect lang." Nandito kami nila Karina at Kaori sa 7/11 ang kambal nga naman ito bigla akong hinigit pa punta dito dahil wala silang makasama iba. Ito nga kami ngayon nilalantakan yung ice cream sa harap namin habang ineere sa telebisyon ang pag ka panalo ni Catriona Gray.

"Lakas nga ng pa uso niyang lava walk with that slowmo turn bessy," ika ni Kaori habang hawak ang cellphone malamang nanonood ng mga viral videos ngayon sa facebook.

"Ang ingay talaga kahit kailan ng kambal na ito." Himutok ko na lamang dahil pinagtitinginan na kami nang ibang customer, paano pa naman ang lakas ng boses nilang dalawa kaya nag kunwari na lang ako abala sa pag kain ng ice cream.

"Woi! kambal did you see what I see?"

"Yes, naman kambal I can clearly see it." Mga abno talaga kahit kailan paano ba naman pag-angat ko ng tingin may bahid na ngayon sila ng ngiti ala dimunyo may kasamang pag -uusap sa kanilang mga mata.

"Bessssyyyyyyyy, diba every month may dare tayo?" tanong sa akin ni Kaori pero yung mata naman niya nakatingin sa bandang likoran ko. Weird.

"Tsaka diba besssyyyy... bawal tumanggi?" Pag segundo naman ni Karina sa kakambal niya pero tulad ni Kaori nasa likoran pa rin ang kanyang paningin.

"Oo, every month naman natin yan ginagawa. Tsaka, ano ba yan tinignan ninyo sa likoran ko? Ay teka nga mo na huwag ninyo na lang pa lang sagotin." Pag kasabi ko ng mga katagang yan ay agad akong tumingin sa bandang likoran ko. Na sana pala hindi ko na ginawa dahil kaya pala panay ningning ang matang ng kambal dahil nandito pala si Smut Dela Fuego ang prof namin sa Philosophy which is major subject namin. Isa pa matagal ko ng crush si Sir Smut.

"Hoi, teka nga kambal. Ano binabalak ninyo?" I can sense danger sa mga titig at ngisi nila ngayon. Sana naman hindi nila ako ipahiya sa dare nila sa akin ngayon.

"Hmmmmpppp, besssyyyyy--" Kingina Karina yan binibitin pa ako saka sila nag titigan ni Kaori at sabay lingon sa akin.

"We dare you to do the Lava walk with slowmo turn ala Catriona Gray." Sabay talaga sila na para bang nag- pratice sila kanina. Jusko po kambal nga silang dalawa.

"Kingina! kayo ang daming tao. Balakayodyan jusko kayo kambal." Bahala sila tawagin akong killjoy huh daming tao tsaka bukod doon nandito si Smut na prenteng naka-upo habang iniinom yung frappe niya sa hindi kalayoan.

"1k is coming kambal~~."

"Aweee sabihin mo 2k tig 1k tayo remember?

"Oo, ga pala tapos 1 month natin siya hindi isasama sa gala."

"Oo, na jusko po papayag na ako." Bigla pa naman ipaalala sa akin mga consequences kung hindi ko gagawin yung dare nila sa akin. Hayts, kahit labag man sa aking loob bigla akong tumayo saka pumunta sa harapan saka buong tapang nag lava-walk. Hindi inalintana ang mga tingin ng madla habang yung iba lalo na yung kambal nag labasan ng cellphone nila marahil nag-vivideo sa akin. Yung iba halos napipigil ng tawa dahil sa kalokohan ginawa ko.

"Goooooo! Rhaine Ayesha fighting," sigaw ni Kaori habang nag-lilive pa ata sa facebook.

"Ayesha Ulaaaannn! haylabyow," segunda naman ni Karina.Habang halata na pinaparinggan si Smut dahil abala parin ito sa cellphone niya tila ba walang komosyon nagaganap sa kanyang paligid. Hindi naman siya nabigo dahil unti-unti inangat ni Smut ang kanyang paningin habang takang-taka ang mga mata niya. Kalaunan nadako rin ang kanyang paningin sa akin habang nag-lalava-walk pa rin. Isang ngisi lamang ang nakapinta sa kanyang labi habang minamasdan ako marahil na pag tanto na niya kanya pala itong estudyante na nag ala Catriona Gray.

"Besssyyyy, it's turn to do the slowmo turn." Nagising lamang ang aking ulirat at napaiwas ako agad ng tingin kay Sir Smut sa pag sigaw ni Kaori.

Dahil gusto ko na matapos ang kahihiyan na ito gagawin ko na ang slowmo turn para makaalis na ako dito sa harapan. Buong ngiti kong pinagmasdan si Sir Smut bago nag slowmo turn pero sa pag harap ko ang kanina nag-iisang si Sir Smut ngayon may kalaplapan na babae habang mahigpit itong yinayapos.

"Wala na finish na mga bessy, inaya ko lang rampa at ikot ni Catriona pag harap ko may iba na si Sir Smut," monologo ko habang nayayamot na naupo ulit at nilantakan na lamang ang natitirang ice cream sa lamesita.

"Kain na lang tayo." Pag checheer ng kambal sa akin habang pinagmamasdan si Sir Smut at ang kanyang girlfriend at yung mga customer naman bumalik sa kanya-kanya nilang trabaho.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now