Kuwento ni Lola Basya #63- Pag-ibig ni Mercielle

29 0 0
                                    

Nandito na naman siya habang suot-suot ang kanyang paboritong kupas na damit, sa bawat galaw niya ay nasisinagan ang kanyang mukha na puro tigyawat habang amoy na amoy ko ang kanyang kili-kili sa malayuan pa lang. Araw-araw siyang nandito upang magtrabaho dahil doon madali kong namemoryado ang kanyang imahe na nagpapapintig sa aking kalamnan.

"Mercielle, panay tingin ka na naman kay Caezardo!" Bulaga sa akin ni Yanna dahil napapansin niya na kanina pa ako tumitingin kay Caezardo.

"Jusko ka Mercielle! Ilan beses ko bang sinasabi na hindi ka niya magugustuhan." Dakila talagang kontrabida itong hampaslupa na ito.

"Yanna, pag ako nagustuhan niya... Naku! isusumpa ko na hindi ka na magkakaanak." Napatawa lang ito sa aking sinagot bahala siya sa buhay niya basta ako paborito kong amoyin leeg ni Caezardo na puro alikabok.

"Naku! Sige nga lapitan mo Caezardo tapos kantahan mo with matching halabyou sa bibig niyang puno nang itim." Kaya yan single kasi puro ka bitteran ng alam sa buhay.

"Ako pa talaga hinahamon mo? Puwes! Humanda ka magiging jowa ko rin ngayon si Caezardo!" Buong tapang kong ika habang pinapaikot ang aking atensyon sa aking iniirog na parang isang itlog sa sobrang 'cute'

"Sige na kasi Mercielle ang tagal mo naman!" Tama-tama naman na tumigil na siya sa kanyang trabaho pasado ala-una na kasi kaya hitik na hitik na ang araw at nangangamoy na naman ang kili-kili ni Caezardo.

"Wait mo nga lang," ismid ko na lang ika sa kanya. Na upo na si Caezardo sa kanyang paboritong puwesto kaya hudyat na ito upang magpapansin muli ako sa kanya.

"Nandiyan na naman ang papansin!" Pa sigaw nitong bati sa akin kaya mas lalo ko tuloy na amoy ang kanyang bibig na tila hindi marunong mag-tootbrush.

"I love you Caezardo," lambing kong ika habang binubulungan siya ngunit mas lalo lang siyang nairita sa akin presensya.

"Ano ba! Umalis ka nga riyan!" Paulit-ulit nitong bulyaw sa akin pero imbis na masaktan mas lalo pa tuloy akong ginanahan sa pagpapansin ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Caezardo ko," mas lalo kong pinabebe aking boses, kita ko ang pagkakunot-noo niya sa akin mas lalo tuloy akong na attract dahil mukha na siyang artista sa makalumang panahon.

"Suko ka na girl!" Sigaw ni Yanna nang nakikita niyang patuloy akong tinataboy ni Caezardo.

"Caezardo!" Tawag ng isang babae sa kanya habang bitbit ang isang paslit.

~~~~~

"Mercielle, move on na naku tulala ka naman." Nagising ang aking diwa na napagtanto kong nakatulala pala ako sa kawalan.

"Mahal ko siya! Akin lang si Caezardo!" Himutok ko habang tinitira ang isang baso na kulay dugo.

"Siya lang minahal ko nang higit pa sa dugo." Tagay ko ngayon ang isang tasang pulang likido.

"Hindi kayo para sa isa't isa may anak na ito at asawa---tsaka alam mo naman estado mo," dagdag pa nito.

"Lamok ka at tao si Caezardo, kasalanan mo pa kung bakit may dengue ang asawa niya ngayon."

WAKAS.

Mga Kuwento ni Lola BasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon