Kuwento ni Lola Basya #26- Pluma ni Manu

143 2 0
                                    


"Manu! Puwedeng ikaw na lang gumawa nito? Total naman magaling ka na riyan," ika ni Lenzie ang president ng classroom dahil magka-group kami sa Oral Communication at tanging tango na lamang ang aking tugon sabay lapag niya sa desk ng papel at pluma.

"Hooiiiii Manuuuuuuuuu, pake translate naman nito ang hirap kasi mag-english. You know I'm bleeding english." Utos ni Stacy habang nag lalagay ng liptint at on fleek ang kilay katulad kanina isang tango na naman ang aking naging sagot. Nilatag niya lang ang bondpaper sa lamesita ko.

"Binibining Manu, maari bang gawan mo ako nitong tula na iaalay ko sa akin behbeh?" tanong ni Aries isang hypebeast at trying hard na maging makata.

"Sige Aries ako na bahala riyan." Habang wala pa ang guro namin sa susunod na subject at may kanya kanyang ginagawa ang aking mga kaklase pero nanatili ako sa isang sulok habang may tangay-tangay na pluma at nakikipagbugno sa mga papel. Habang dahan-dahan kong hinimas ang akin tiyan.

---
"Class dismiss tomorrow will have our review quiz and please study your notes." pag-papaalala ni Ma'am Sumiya sa amin matapos ang last subject namin ngayon hapon agad kung sinabit ang bag ko upang uuwi na.

"Salamat Manu dahil sayo perfect ako sa essay."

"Ako rin Binibining Manu nag papasalamat ako dahil sinagot na ako ni Trixie alam na sa susunod ulit." Sabay tapik niya sa aking likoran.

"Good news Manu tayo highest sa Oral Communication." Sunod-sunod lang naman ang kanilang pasasalamat sa akin dahil hindi ko sila na bigo sa pinagagawa nila.

"Walang ano man,." Isang tipid na ngiti ang akin binitawan habang nag- susuot ng sapatos.

-----
"Habang ako nag dudugo at namamawis na sa kakatrabaho ikaw diyan panay pa inom sa mga kumpare mo."

"Lina naman kaarawan kasi ni pareng Junito kaya nag kasayahan kami."

"Buset na buhay! Gabi, na wala pa tayong ulam." Isang tipikal na eksena sa amin bahay kung saan nangingibabaw na naman ang kanilang away. Isang lasinggero ang aking ama habang naglalabada naman ang aking ina kaya nakipit- balikat na lamang ako at nag- kukulong na naman sa akin kwarto.

"Mas maigi pa mag hiwalay na lang tayo."

"Mas mabuti pa nga Lina nayayamot na ako sa buhay natin."

"Kasalan ko pa, ikaw ito ang tamad sama mo pa iyang anak mo na palamonin sa buhay."

Hanggang sa apat na sulok nitong kwarto ko dinig na dinig parin ang sigawan ng mga magulang ko at ang mga luha sa akin mata nag-uunahan sa pag labas. Minabuti ko na lang kinuha ang akin pluma at kwaderno at doon na lamang binuhos ang lahat ng aking poot, bighati at galit na nararandaman sa mundo. Tanging mga salita at papel ang magiging saski nito.

"Naalala lang naman nila ako kapag may kailangan sila sa akin. Isang hamak na taga-sulat lang naman ako ako ng mga kwento nila at wala akong kwenta. Tanging mga letra na lang ang naging kaagabay," bulong ko sa hangin at hinihimas nang dahan-dahan ang aking tiyan.

"Patawad kung magagawa ko ito sayo, anak." Habang hinayaan ang aking sarili saksakin ng paulit-ulit ang akin pluma at hindi nagtagal may mga pulang likido ang tumutulo na pinintahan nito ang puting bestida at hinayaan ko ang sarili sumabay sa sayaw ng lubid.

-----

"Mama! Good news po alam ninyo na publish na ang Manu Bleeding Thoughts. Sayang Mama sa akin kasi ito pinangalan bilang may akda. Pero sana matuwa kayo Mama sa munting regalo ko. Happy Birthday! Mama. Kausap ni Lucia sa puntod kanyang yumaong ina, isang special child si Lucia pero kahit ganun katulad nang kanyang Ina isa rin siyang manunulat at ang libro kanyang tinutukoy ay si Manu ang sumulat noon nabubuhay pa lamang ito at ipagpatuloy niy ito bilang anak na ngayon marami ng paranggal ang natatanggap.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now