Kuwento ni Lola Basya #3 - Isang Estanghero

1.5K 14 0
                                    

Isa makulimlim na gabi dama ko ang pag kakabagot dala ng puro scroll up at scroll down ako sa dummy account ko buhay single nga naman walang ka-chat. Kaya mas pinili kung mag- aliw-aliw sa pag-babasa ng secret confession hanggang napako ang aking tingin sa istoryang neargroup experience ni koyang pag katapos kung basahin agad naman akong na curious kung ano yung neargroup kaya agad kung ito hinanap sa messenger hindi naman ako na gulat na agad itong na hanap ayon pa kay koyang sa confession uso raw kasi ito sa mga walang ka-chat ka gaya ko.

-----
Welcome to ng do you to prefer to chat now? Agad ko naman tinipa sa keyboard ang salitang yes.

Pls wait... I'm searching  for a suitable Boy for you near Taguig  

I will notify you when I find your match 

Meanwhile, complete your profile in SETTINGS so you can get the best matches! medyo 'di ko gets sa una kaya naman binasa ko ulit ito ayon pala kailangan ko pa i-set yung profile kung ano ang nais ko sa magiging ka-chat ko kaya agad ko naman ito iniba at charan okey na.

Yay! Chat connected

19 - Male

 43 Coins
 5 KM away
 Paranaque
 Looking for female
 Single
 Serious Dating

Ayan yung nakalagay sa profile ni koyang medyo blurry yung litrato, Pero feeling ko gwapo si kyah sakto pa serious dating daw hanap niya, may sinend pa attachment yung neargroup pero wapakels na mag titipa na sana ako ng irereply kay kyaaahhh pero laking gulat ko na isang simple at maikling "hi" ang natanggap ko kaya "Hellow" with smiley pa yan na lang din ang naging response ko sa kanya.

"So, bakit ka nag ng miss?" bungad na tanong niya sa akin.
"Awee! so sad wala kasi akong ka-chat." Sa totoo naman stay strong self pag kausap ko sa sarili ko.

~mag rereply siya mag rereply ako~ ganyan yung naging routine namin dalawa grabe isang araw pa kami nag-chachat pero ang dami na agad namin na pag-usapan sobrang saya niya kausap tsaka kaya pala siya nag-neargroup dahil 5 years na siyang break sa girlfriend niya ang tatag ni kuya.

"Missy! Bata ka halika na rito kakain." Tawag ni nanay sa akin.

"Bunso panget, halika na rito gutom na ako." Tss epal! naman ito si mamshi at kuys kaya nagpaalam na lang muna ako kay kuya maya-maya hindi na siya nag-reply kaya nag log- out na lang muna ako.

-----
Lumipas ang dalawang buwan at si Agik ang palagi kung nakakausap palagi man niyang nag vivideo chat o call hindi ko ito magawang sagotin sa kadahilan takot ako sa hindi maipaliwang na dahilan. Madalas man siyang magalit sa akin pero hindi naman niya ako matiis kaya agad agad siyang mag-chachat

"Agik? may sasabihin ako sa'yo. Sana huwag kang magalit." Habang binabasa ko ang mensahe niya hindi ko mapigilan at agad na bumilis ang takbo ng puso ko.

"Agik naman pinapakaba mo ako. Ano po pala yun?" Oo, nga pala agik tawagan namin sa isa't isa.

"I love you mahal na mahal na kita agik ko." Nabigla ako sabay log-out sino ba naman kasi mag aakala na magagawa niya akong mahalin sapagkat sa ng lang namin nakilala ang isa't isa tsaka pareho kaming dummy account yung gamit sa pag- uusap.

-----

"Agik naman iloveyou."
"Woi, nandyan ka ba?"
"Seen ang sakit naman agik."
"Agikkkkkkkk koooo." Nandito ako ngayon sala habang nanonood ng palabas kasama si kuya na busy din sa cellphone niya habang ako ito hindi alam kung ano isasagot kay agik.

"Haaysst!" Buntong hininga ko na lang hindi mapakali sa kinauupoan ko.

"Hoi! Panget ang ingay para kang timang diyan."  Hindi ko naman inaakala na mapapansin ako ni kuya mapang-asar nga ito.

"Tssss, ikaw yung panget kuya huwag kang mag patalo riyan." Aba tinignan lang ako ng masama at ayun bumalik na naman sa cellphone atensyon niya habang may busangot na pag- mumukha halatang probelmado.

Bahala na nga siya bumalik na lang ako sa pag titipa ng mensahe kay agik bahala na wala ng atrasan ito.

"Agik mag kita tayo sa *name of place* 7 am sharp I want to meet you personal."

"Noted agik wait for me." Oo, pumayag ako mag pakita sa kanya dahil mahal ko na rin kasi talaga si'ya.

----
"Hoi bunso saan punta mo?" Ito naman si kuya over-protective.

"Kuya, naman pupunta ako sa kaklase ko." Pag-sisinungaling ko sa kanya.

"Sige ingat ka at ako rin aalis bye, panget," pagpapaalam niyang ika.
-----

"Agik nandito na ako, asan kana?"

"Nandito ako sa fountain kulay pula yung suot ko naka black cap." Ayon nga siya nakatalikod pero unti-unti nagiging pamilyar ang pigura niya sa akin na hindi dapat na sana mali ako.

"Agik?" Tawag ko sa kanya at tumigil ang ikot ng mundo ko nang lumingon siya sa akin.

"Panget anong ginagawa mo rito? Missy, ikaw ba si agik?" si Khiro Montervede ang lalaking minahal ko mapa ng, dummy account at real-world ang nag-iisang lalaking kachat ko ang agik ko siya lang pala ang kuya ko.

"Ku--Kuyaaa hindi maaari ito." Sabay tulo ng aking mga luha.

"Missy, umuwi ka na please. Mahal kita but don't make it hard for me," huli niyang ika. Habang patakbo na umalis at naiwan ako rito na 'di mawari kung ano ang gagawin.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now