Kuwento ni Lola Basya #39 - Talaan ni Aling (2)

88 2 0
                                    

Talaan ni Aling || Pangalawang kabanata: May ngalan si Baliw

"Owh, nandito na tayo sa daongan ng mga barko," sigaw ni manong Isko sa loob ng jeepney.

"Sa wakas!" Agad naman bumaba si kuya Anton at sumunod na rin si kuya Ash sa kanya.

"Salamat sa'yo manong Isko at ikaw naman Aling halika na rito." Dahil sa pagiging lutang 'di ko namalayan na gising na rin pala si ina at ama at kanina pa sila nakababa.

"Manong Isko, salamat nga pala." Pagbaba ko naman sa jeepney isang ngiti ang pinabaon sa akin ni manong Isko.

"Ito na po ang bayad namin at mag-ingat po kayo sa pagmamaneho," ika ni ama pagkatapos magbayad. Imbis na sagot agad minaobra niya ang kanyang sasakyan at isang busina na lang ang aming narinig.

----

"Mga anak mamaya pa raw alas-singko ang dating ng barko. Mag hintay mo na lang tayo rito saglit." Dahil sa narinig napabuntong hininga na lang ako dahil maghihintay pa kami ng ilang oras para makaalis.

"Bibili lang po ako ng makakain, Ina." Habang bitbit ko ang aking kulay kahel na kuwaderno at panulat. Nagpaalam lang mo na ako kay Ina nabibili muna ng makakain.

"Owh! Aling, bilhan mo rin ako ng yosi huh nakakayamot maghintay dito," utos ng magaling kong kuya na si Ash. Isang tango lang ang aking naging sagot at binagtas na ang daan tungo sa isang tindahan na nadaanan namin kanina.

-----
"Tao po! Pabili ng biskwit at isang more na pula," sigaw ko sapagkat may katandaan na ang tindera.

"Ito na ineng 'di mo naman kailangan sumigaw," inis na tugon ng may-ari habang inabot na yung binili ko.

"Pasensya na po." Pagkatapos kong magbayad ay umupo mo na ako sa tapat lang din nitong tindahan habang kinakain yung biskwit na binili ko.

"Baliwwww! Sayaw baliw! Sumayaw ka," sigaw ng mga kabataan sa hindi kalayuan habang may babae na ayon sa galaw ay kulang-kulang sa pag-iisip ang kanilang pinaglalaruan.

"Hahahahahaah!" Namamayani ang kanyang sigaw sa paligid habang walang pakealam sa pagkembot kahit wala naman musika. Paglakpakan at tawanan lamang ang kanyang nakukuha sa bawat tao na dumadaan.

"Kawawang nilalang inuuto na nga natutuwa pa." Pagkausap ko sa aking sarili dahil nasaksihan kong senaryo sa aking harapan. "Makabili na nga lang ng softdrinks." Dahil sa uhaw minabuti ko na lang bumalik sa tindahan upang makabili ng maiinom.

"Nanay, 'wag na po kayong magpapauto sa kanila ulit. Mas nagiging kaawa-awa ka lang sa mga mata ng madla." Babalik na sana ako sa aking pwesto kanina ng makita ko ang isang madungis na batang babae habang kinakausap ang baliw na sumasayaw kanina.

"Nawala lang po ako saglit para maghanap ng makakain natin dahil dalawang araw na tayo hindi nakakain ng matino," ika ng batang babae sa baliw na sa tantya ko marahil anak niya ito. Habang panay tawa lang ang kanyang ina na tila walang kaalam-alam sa panyayare sa kapaligiran, pinakain niya ito sa kanyang dala ng tinapay, at may bote rin sila ng tubig.

"Buti na lang po at malaki ang kinita ko sa panglilimos sa kalsada kaya nakabili po ako ng tinapay," patuloy na kausap ng bata sa kanyang ina.

"Manang, pabili nga po ng dalawang biskwit," pagkausap ko sa tindera. Na may pagtataka sa kanyang mata (marahil kasi sa isip niya isa akong matakaw na nilalang) ngunit ibibigay ko lang naman ito sa mag-ina.

"Ito na bata. Kakain ka ba ulit? o ibibigay mo lang?" pagtatanong ni Manang sa akin.

"Ibibigay ko lang po. Ito na po ang bayad, manang," sagot ko na lang. Habang nakadako ang aking mga mata sa mag-ina na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin.

"Sa mag-ina mo ba ibibigay, iha? Kasi kung ganun tunay nga kay busilak ang 'yong puso higit sa mga taong nandito." Taka naman akong napalingon kay manang dahil sa komento niya sa ninanais kong gawin.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" Isang ngiti ang kanyang pinakawalan bago nagpatuloy sa pagkausap sa akin.

"Ang mag-ina na 'yan ay palaging tinataboy dahil nga ayon sa kanila malas daw at may sumpa. Hindi rin naman ako hipokrita para itanggi na isa rin ako sa mga taong mapanghusga," mahabang monologo ni manang. "Si Liang ang babaeng napanood mong sumasayaw kanina at inuuto ng mga bata isa siyang club dancer na kung saan taga-aliw sa mga sabik sa kalamnan. Pumunta si'ya ng Manila upang magkaroon ng trabaho ngunit sa kasamaang palad nalihis ang kanyang ninanais na landas sa buhay." Dahil sa nalaman ko ay mas nanaig ang awa ko para sa mag-ina. Tunay nga na mapaglaro ang tadhana.

"Ka anu-ano niya po 'yong bata, manang?" hindi ko na rin mapigilan na magtanong dala ng kuryosidad.

"Si Neneng ang kanyang sampung taon na anak. Naging anak niya sa customer niya, pero nalaman niya may asawa pala ito kaya tinakwil sila, at doon nagsimulang mabaliw si Liang dahil sa hagupit ng pangyayare sa kanyang buhay." Sa mga nalaman ko ay para ba itong binuksan ang isipan ko kung saan ang reyalidad ay talagang puno ng supresa.

"Owh! Siya ako'y aalis na, Ineng." Sa pag-alis ni manang naging hudyat ito sa akin upang tuloyan ng pumunta sa pwesto nila.

"Gutom ka pa ba? Ito ang biskwit sana makatulong sayo at sa 'yong ina." Taka naman tumingala ang batang babae sa akin marahil nagulat sa biglaan kong pagsulpot.

"Sa--Salamat po ate ganda. Pagpalain po kayo ng Panginoon," inosenteng tugon niya na may halong ngiti ang kanyang munting labi. Habang kinuha ang aking inabot na biskwit.

"Walang ano man bata nawa hindi ka magsawa sa pagbabantay na 'yong ina." Pinat ko lang ang kanyang ulo "Paalam na bata at kami ay aalis na." Dahil natatanaw ko na ang aking kuya Ash na naka busangot marahil nayayamot na dahil ang tagal ng sigarilyo niya.

"Mag-ingat ka po ate ganda. Nay, tignan mo may makakain na tayo mamayang gabi." Sabay abot niya nito sa kanyang ina.

"Hahahaahahha! Oo nga ano." Ngiti ng kanyang ina at habang ako naman ay kahit papaano may bahid na ngiti na sinalubong ang aking naka busangot na kapatid.

"Ayon! Bunso naman ihh yung sigarilyo ni kuya." Inabot ko na lang sa kanya ang nais niya para wala ng reklamo pa at sakto naman na nandoon ang barko na sasakyan namin kaya naghahanda na sila ina sa pagsakay. Hindi naman nagtagal naka-upo na kami at umaandar na ang barko.

-----
Pangalawang Kabanata ||

Ngayon araw na ito natutunan ko na kahit ang isang baliw ang may sariling kuwento na nais iparinig sa atin. Ang baliw na taga aliw sa madla ngunit may mapait na nakaraan. Sa bawat mga taong nakakasalamuha natin ay may iba't ibang karanasan kaya wala tayong karapatan na husgahan, tapak-tapakan, at itarak ang mga kaluluwa nila. Bilang tao naninirahan sa mundong ito kailangan natin lawakan at buksan ang ating mga pag-unawa sa mga bagay-bagay. 'Wag magpakain sa sistema tigilan ang pagiging mangmang.

Aling.

Mga Kuwento ni Lola BasyaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora