Kuwento ni Lola Basya #24- Humanista in love sa GASian

164 2 0
                                    

"Grabe dimunyo sumakit utak ko sa exam. Feeling major na naman yung mga minor subject na yan," himotok ni Zeddy habang nag-liligpit na kami ng mga gamit dahil kakatapos lang mag take ng exam.

"Tara mga dimunyo gala tayo sa mall. Treat ko na alam ninyo na maganda ako," pag-aaya ni Autumn sa amin ni Zeddy matapos namin mag ligpit sa mga gamit namin.

"Sige, tara na at gumala mga dimunyo," pagpayag ko sabay sabit ng bag ko sa likod.

-----
"Grade 7 future doctor kung hindi papalarin magiging taga hilot na lang."

"15 year's old future asawa ni crush."

"Grade 10 mahal na mahal ang taga Grade 7."

Basa ni Autumn sa mga pa usong posts sa facebook habang nandito kami ngayon sa isang food stall dahil nga libre niya. Ito kami ngayon takam na takam na kinakain ang mga ice cream namin.

"Ano ba naman ito puro ganyan mga nababasa ko mga status," Reklamo ni Zeddy sa amin habang ako ay nag kipit balikat na lamang habang inaaliw ko na lang din ang aking sarili sa pagbabasa ng mga status sa facebook. Natigil na lang ako sa pag scroll down dahil nabasa ko ang status ni Ritche ang crush kong isang Humanista.

"Humanista in love sa isang GASian."

Niah and 80 others || 50 comments || 5 shares

6 minutes ago pa lang yung posts niya pero grabe na agad ang responds alam ninyo na famous kasi.

"Woi dimunyo, Nabasa mo na ba status ni Ritche?" tanong sa akin ni Autumn habang nag-lalagay ng liptint.

"Yup! Ano naman ngayon?" Dahil sa inis pinindot ko na lang ang like react sakto sira react goals ni unggoy at nilagay ko na lang ang aking cellphone sa bag ko.

"Gaga ka baka mamaya ikaw na pala yun tinutukoy niya," ika ni Zeddy habang binabagtas na namin ang daan patungo sa labas dahil mag gagabi na rin kaya uuwi na kami.

"Impossible. Tsaka mga dimunyo ang daming mas magaganda at hindi hamak na mga sexy na GASian sa School natin." Nag tingin na lamang silang dalawa pero kalaunan ay pumara na rin ng masasakyan hindi ko man lang napansin na kanina pa pala kami sa dito sa labas. Masyado akong lutang dahil siguro sa exam namin.

"Sige mauna na kami dimunyo atsaka ingat ka pauwi," paalam nila sa akin at nakipag beso-beso nag- wave lang din ako sa kanila habang nag-hihitay na rin ng sasakyan pauwi.

"Putek! Ang malas ko naman umulan pa wala akong dalang payong." No, choice ako kaya dali-dali akong tumakbo habang palakas nang palakas ang pag buhos ng ulan. Nahinto pa ako dahil sa kamalas malasan na putol pa ginagamit na sapatos ko.

"You want some help Miss?" Laking gulat ko dahil hindi na ako nababasa dahil sa pag-angat ko may payong ang tumatakip sa akin upang hindi mabasa.

"Hey! Miss Gasian are you okey?" Pag lipat ko sa akin paningin mas doble ang nararadaman kong galak dahil ang pamilyar na boses galing pala kay Ritche ang lalaking nasa harapan ko with all the smile pa siya habang may kulay pink na payong.

"Rit-Ritche," utal na sambit ko sa kanyang pangalan at sure ako na pulang-pula na ang aking mukha ngayon dahil sa kilig.

"Yup! Ako nga ito Miss Gasian btw ikaw nga pala yung tinutukoy ko sa post ko," direkta niyang pahayag kaya mas naging triple pa ngayon ang kilig ko. Yung mga paru-paro sa aking tiyan tila hindi na sila mapakali.

"What the fudge Ritch?" Yung madaldal naman ako pero dahil sa pinagsasabi niya ngayon para naputol ang aking dila.

"Rosary Bermundo, I am Ritche Asul proud to be Humanista in love sa isang Gasian." Sabay halik niya sa akin noon kasabay nito ang pag tila ng ulan sa kalangitan.

"Gago ka talaga ang torpe mo. Bakit ngayon mo lang sinabi?" Sa wakas nahanap ko na rin ang mga tamang kataga na sasabihin ko sa kanya.

"Sorry, na po ito na nga ako sayong sayo na." Dahil sa mala-anghel niyang ngiti at mapungay na mga mata namalayan ko na ang aking sarili na mas lalong nahuhulog sa kanya. Habang binabagtas namin ang daan patungo sa waiting shed ang siya rin simula ng pag-iibigan na nagising dahil lang sa isang lokohan.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now