Kuwento ni Lola Basya #59 - The Plagiarist

22 0 0
                                    

Buwan ng Abril, nandito ako ngayon sa baryo Lakbay kung saan isang destinasyon para sa aking nais tapusin. Tamang-tama lamang ang timpla ng atmospera para ihandog sa aking nililikha ngayon.

"Maligayang pagbalik sa Baryo Lakbay, Karla." Agad kong binaba ang mga dala kong mga gamit dahil sa wakas nakarating na rin ako sa lumang bahay namin dito sa aming baryo.

"Mabuti naman dumalaw ka na rito. Kung hindi pa ako nag-emote kanina sa pag-uusapin natin panigurado hindi ka talaga pupunta," ika ni manang Teodora ang caretaker ng aming bahay-bakasyonan. Medyo may edad na kasi ito kaya marahil nababagot na siya rito na mag-isa.

"Manang, ito na mga gamit ko. Pake dala na lang po dating kong kuwarto." Agad naman niya itong kinuha at gumayak na sa itaas, habang abala naman ako sa pag-iikot dito sa loob nang biglang umihip ang malakas na hangin kahit hitik naman ang araw sa labas kaya minabuti ko na lang sundan si Manang sa itaas upang magpahinga na rin.

-----

"Karla, kumain ka na rito." Habang abala ako sa pag-aayos ng aking mga gamit biglang nangibabaw ang boses ni Manang kaya minabuti ko na lang iwan mo na ito ang gumayak sa ibaba.

"Karla!" Akmang bubuksan ko na ang pinto upang lumabas ng may tumawag sa pangalan ko at paglingon ko sa abarador ay nandoon na naman ang kanyang matang napapalibutan ng itim sumisilip sa konting siwang ng aparador. Dali-dali akong lumabas ng kuwarto ng walang lingon-likod.

"Karla, samahan mo muna ako sa palengke mamaya at para makapaglibot ka na rin dito sa atin." Tumango na lang ako bilang tugon kay manang kaya pagkatapos kumain hindi na lang ako nagpalit at gumayak na para mamalengke.

Sariwang hangin, mga taong nakangiti at tila walang iniinda na problema. Habang namamalengke kami ni manang kitang-kita ang pagkabigla sa mga mata ng mga tao marahil napagtanto na nila kung sino ang kasama ni manang.

"Karla, ikaw na ba yan? Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang naghahabulan kayo ni Sarah dito ngayon tila ang laki ng pinagbago mo." Titig na titig sa akin ang tindera ng mga isda habang namimili si manang ng kanyang bibilhin.

"Naku Linda nagtatampo nga ako riyan kung hindi pa ako nagdrama kinalimutan na ata ako," ika ni manang sa tindera ngunit hindi ko na lang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hindi alintana na naiwan si manang doon.

Gayon parin naman ang baryo Lakbay ngunit may iilan na marahil na dagdag na mga kabahayan at pasilidad. Mahigit ilang taon na rin ng ako ay muling nakabalik dito dahil sa trabaho ko bilang manunulat simula noon nasa Luzon na ang ako nakatira bumalik lang talaga ako rito upang tapusin ang kinakatha kong bagong kuwento.

"Sarah?" Nabigla ako sa pangalan na namayani habang ako ay abala sa pagbabalik tanaw sa nakaraan at paglingon ko kung kanino nanggaling ang boses ito pala ay si Milca ang aming kababata ng aking kakambal.

"Paumanhin ngunit mali ka ng pangalan na tinatawag Milca. Ako ito si Karla," nakangiti kong tugon sa kanya.

"Per---" Hindi na niya natuloy ang kanyang sasabihin sana dahil marahil napagtanto na mali talaga siya.

"Pasensya na rin masyado akong nalilito sa inyo nasanay kasi akong ginagaya ninyo ang isa't-isa," may pagtataka parin sa boses niya.

"Ano ka ba naman Milca nakalimutan mo ata ang nangyare kay Sarah limang taon na rin ang nakalipas." Pero imbis na sumagot may halong takot ang kanyang mga mata ngayon habang tinitignan ako na may bahid ng pangamba.

"Sige Karla mauna na pala ako tsaka maligayang pagbabalik sa baryong Lakbay." Pagkatapos ay dali-dali na siyang umalis na para bang hinahabol.

"Karla!" Isa na naman boses ang aking narinig ngunit paglingon ko sa aking likuran hindi si manang Teodora ang tumatawag sa akin kung hindi si Sarah suot parin niya ang puting bestida na may bahid ng dugo, nanglilisik ang kanyang mga mata na tila ba nakakulong parin sa nakaraan at ang kanyang kamay bakas ang putol na mga daliri.

Mga Kuwento ni Lola BasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon