Kuwento ni Lola Basya #32- Love story ni Cupid

140 3 0
                                    


Isang tipikal na umaga, nandito kami ngayon sa cafeteria dahil napagdesisyonan namin kumain muna bago pumasok.

"Oieh Cupid, baka naman gusto mong sumama sa amin nila Drex." ika ni Tristan sa akin habang nilalantakan ang burger na kaniyang binili.

"Kayo muna, mga pahr, kasi gagawin ko pa 'yong research namin." Pagtatanggi ko sa kanilang grasya dahil mas mahalaga pa rin sa akin ang matapos ang research kumpara mag-hunting ng babae.

"Yung totoo, pahr, bakla ka ba?" may pangdidiri ang kanyang mukha habang tinatanong ito sa akin. Kaya napailing na lang ako habang busy sa pagbuklat nitong mga references na ginagawa ko para sa research namin

"Pahr, hindi pa pwedeng busy lang si Cupid kaya wala siyang oras para mag-hanap ng babae." pagtatanggol ni Drex sa akin pero ang lokong si Tristan ngumisi lang at sinabit na ang bag niya sa kanyang likuran.

"Kung yan ang nais mong ipabatid, Cupid, ang akin lang naman kasi valentines ball na natin sa Pebrero, 15 at gusto kong magkaroon ka ng partner, mauna na nga ako." tugon ni Tristan sabay tapik sa akin balikat at tuloyan na siyang umalis.

"Sige pahr." tipid lamang ang akin naging sagot habang busy pa rin sa pag-aaral sa topic na napili namin sa research.

"Pero alam mo, pahr, tama naman si Tristan sa kanyang sinabi. Naturingan ka pa naman si Cupid tapos wala kang kapares sa valentine's ball, isa kang bitter na kupido kung ilalarawan." mahabang monologo ni Drex habang may kasama paglasik ng kanyang mga laway. Tss! Kadiri talagang lalaking ito

"Simula noong isinilang ako, pahr, iisa lang ang mithiin ko at yun ang madama ko ang kanyang pagmamahal sa akin." Mababakas sa aking boses, ang pagiging ginoong uhaw sa purong pagmamahal

"Ayon nga, pahr! Napana mo na ang iyong sarili, kaya good luck na lang sa'yo." Iiling niyang tugon habang napagdesisyonan niyang mag-cellphone na lang.

"Hahahaah! Baliw ka, pahr." Payak akong napatawa dahil sa kanyang naging sagot (kung makakaya ko lang matagal ko na siyang pinana, para madama ko naman kahit papaano ang kanyang pagmamahal sa akin)

"Sige, pahr, sibat muna ako dahil next subject na namin." Tumango lang siya bilang tugon kaya hudyat iyon para gumayak na ako.

~~~~
"Class, I will like to inform you about our up coming valentines ball and everyone should have their pair." bungad sa amin ni sir. Castro, ang class adviser namin at philosophy teacher na rin.

"Ngayong Pebrero 15, na ito gaganapin. So please, magbayad na kayo sa contribution which is 250 pesos," dagdag na tugon ni sir. Castro "That's all for today at puwede na kayong umuwi."

naging magulo kaagad ang klase sa pag-alis ni sir, kung saan ang aking mga kaklase nagsimulang nang magpaganda para mas fresh daw sa mata nitong mga fuckboy na lalaki.

"Cupid, pwede ka ba maging kapares sa valentine's ball?" Habang nagliligpit ako nang matiwasay sa aking mga gamit, isang mapangakit na boses ang tumawag sa aking pansin. Dahil doon napailing na lang ako sa kanyang biglaan pag-singit.

"Ang choosy mo naman, kung mararapatin nga Cupid ang swerte mo dahil sa dami nang gusto akong makapares, ikaw ang napili ko." Pinapaikot niya ang kanyang mala porselang kamay sa akin pagmumukha marahil gusto niya akong kilitiin. Mapapansin din na kami na lang dalawa ni Scarlet ang tao rito sa silid-aralan, kaya ang lakas ng loob niya upang akitin ako dahil walang mangngangahas na putolin ang kanyang planong pag-romansa sa akin.

"Ano ba naman yan Scarlet, ikaw yung babae pero ikaw yung mas malandi sa ating dalawa, mas maigi pang iba na lang ang iyong yayain upang maging kaparehas dahil hindi ako interesado." Halatang nagitla siya sa akin tugon sa kanyang pang-aakit kaya mapapansin ang pinipigilan niyang luha.

"Pero Cupid ikaw ang gusto ko, pumayag ka lang at ako na ang bahala sa lahat para maging presentable ka sa araw na 'yon." Pagmamakaawa niya sa akin habang tinitigan niya ako, mata sa mata isang batang sabik mapasakanya ang kanyang ninanais na laroan.

"Scarlet. Isa kang magandang dilag kaya 'wag mong sayangin ito dahil sa nagmamakaawa ka sa harapan ko ngayon." Nginitian ko na lamang siya para mapagaan ang kanyang damdamin.

"Sino pa ang napupusoan mo Cupid? kaya kong baguhin ang aking pagkatao para lang mas humigit ako sa kanya. Please!" May butil na luha ang nagpapadya na kumawala sa kanyang mga mata habang binibigkas niya ito.

"Scarlet, hindi ako ang lalaking para sa'yo. Pasensya ka na kung hindi ko masuklian ang iyong pagmamahal para sa akin marahil kasi isa lang din akong ginoong sabik at uhaw sa pagmamahal na isusukli niya sa akin." Pagkatapos kong sabihin ang mga linyang yan, tuloyan na akong umalis at naiwan si Scarlet na mag-isa sa classroom. Wala akong pakealam kung sabihin nilang bakla ako, ang akin lang naman habang hindi pa niya ako natutunang mahalin ay wala akong karapatang mag-alay ng pag-ibig sa iba.

~~~~
Tahimik,masikip at tanging ilaw lang galing sa lampara ang matatanaw sa aming bahay-kubo, marahil hindi pa siya nakauwi kaya nakahinga ako nang maluwag dahil matiwasay akong makakapagluto at kakain ng hapunan ngayon. Pagkapasok ko sa bahay at pagakatapos makapagluto ng itlog, agad kong hinanda ang lamesita dali-dali akong kumain, bago pa man umuwi ang aking ama.

"Owh! Cupid." gulat akong napalingon sa harap ng pintuan dahil sa isang bruskong tinig.

"Ta-Tay, kain ka na po." utal kong bahayag sa kanya habang dali-dali akong tumayo sa akin kinaroroonan ko upang aalayan siya sa pag-upo.

"Putragis! Huwag mo akong hahawakan at baka masipa kita riyan," ika ni tatay sa akin "Umalis ka riyan nadidilim paningin ko." Patuloy lang siya sa pagtalak sa akin ngunit hindi ako natinag sapagkat yumuko lang ako para hubarin ang kanyang lumang sapatos na suot-suot.

"Walang kwenta!" dahil sa gulat ko hindi ako nakailag sa kanyang suntok, naging dahilan ito upang mapaupo sa sahig namin.

"Ayan kasi ang tigas ng ulo mo, wala ka talagang kwenta kahit kailan." Pinahiran ko na lang ang tumutulong dugo sa akin labi.

"Pa-Patawad tatay kung ako ang naging bunga na iyong kapusokan ninyong dalawa ni nanay," wika ko habang nakatingin kay tatay na kung saan mahimbing na natutulog sa kahoy na upoan namin.

Pumunta ako sa kwarto upang kumuha ng kumot at unan para matiwasay na makatulog si tatay. Nang napadaan ako sa salamin na may pitak-pitak doon ko napantanto habang minamasdan ang aking repleksyon na may pasang natamo mula kay tatay na isa rin akong nilalang na wasak,durog at uhaw sa pagmamahal. Nakakatawa lang isipin na ako si Cupid pero hindi ko mapana ang aking tatay upang mahalin niya ako dahil nakatatak na sa kanyang isipan at puso na isa akong malaking kamalian nilang dalawa ni nanay sapagkat sa murang edad nila at sa kapusokan kaya ako nabuo, napatawa na lang ako nang payak sa akin kinakaharap dahil naturingan akong Cupid pero ako itong uhaw sa pag-ibig.

Mga Kuwento ni Lola BasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon