Kuwento ni Lola Basya #10 - Nang dahil sa Seen

406 4 0
                                    

"Ano ba naman yan Sin facebook ka na nang facebook major in scroll up and scroll down ka lang naman," kantyaw sa akin ni Harold. Ang bakla kong kaklase ng mapatingin sa ginagawa ko sa cellphone ko, maaga pa kasi at wala akong magawa kasi tatatlo pa lang kami rito sa klasrom namin.

"Paano ba naman pahr, yung isa riyan panay seen sa mga mensahe ko akala mo naman kagandahan," pag paparinig ko kay Uniqae. Ang babaeng hindi man lang pinapansin mga mensahe ko teka mali pinapansin naman niya seen nga lang akala mo naman sexy at kagandahan siya para tarayan ako.

"Excuse me! Mr. Sin Mendoza, ako ba pinaparinggan mo? kasi kung oo, kingina mo with feelings!" ayan na naman boses niya parang nakalunok ng megaphone umagang-umaga bad-mood na agad.

"Hoi Uni! Utang na loob huwag kang sumigaw tatlo lang tayo rito sa klasrom kung maka sigaw ka riyan kala mo nasa palengke kay babae mong tao!" Kala niya magpapatalo ako sa kanya beastmode pa naman ako kasi hanggang ngayon siya lang nag-iisang babaeng sineseen mensahe ko yung iba nga riyan halos iflood naku ma-replyan ko lang sila tapos siya ang pabebe kala mo naman chicks.

"Hoi! Kingina mo Sin! Kung ayaw mong sumigaw, ehh! Bakit ka sumisigaw diyan?" taas boses na naman niya akong sinagot.

"Kasi nga di--"

"Shatap! Kayong dalawa kong may problema kayo edi mag-usap nang mahinahon kasi naman stresslalo na itech lolaness kalerkey lifelalo, mag goravells nga muna si ganda vice. Babush lovebirds!" Sasagot pa sana ako kay Uni nang biglang sumigaw si Harold na stress na ata ang bakla kaya ayun kinuha ang bag saka umalis mas lalo tuloy uminit ang tensyon sa klasrom ng kami dalawa na lang habang nag labanan ang aming titigan na dama mo ang kuryente dumadaloy dito hindi ito nag tagal kasi unti-unti na kami dumadami sa loob at si Uni binalik ang atensyon sa pag lalaro ng mobile legend. Gamer spotted nga naman.

~~
Lunch time nandito kami ng tropa ko sa cafeteria kung saan ang iba sa amin nag lalaro lang naman ng mobile legend o hindi naman kaya nag huhunting ng chicks habang sa hindi kalayoan naka upo si Uniqae naka busangot ang mukha habang hawak-hawak ang kanyang cellphone hanggang sa naka-isip na naman ako ng kalokohan agad kung kinuha ang aking cellphone para ichat siya buti na lang online pala si Uni.

👤: Uniqae Garcia is active now

Tamang pag-send lang ng isang tipid na hi ang aking na tipa hindi naman nag tagal naka kunot noo siya habang binasa ang aking mensahe palihim naman ako naka ngiti dahil ako lang ang nakakawa ng ganyan epekto kay Uni habang ang kanyang buong atensyon nasa cellphone lamang niya, umaasa ako na kahit papaano magawa niya mareplyan mensahe ko.

"Hoi! Mendoza kingina mo talaga alam mo ba natalo ako sa mobile legend dahil lang sa biglaan pop-up ng mensahe mo." Hindi ko napansin nasa harapan ko na pala si Uni dala na rin siguro ng pagiging lutang ko.

"A--Ahh a--ano kasi--" sa hindi maipaliwanag na dahilan bigla akong nautal sa harapan niya na tila ba hindi alam ang sasabihin ko.

"Kingina! Sin hindi bagay sayo para kang muntanga. Ahahaha! te--teka hmmmm!" Bigla natigil si Uni sa pag tawa dahil bigla ko siyang hinalikan na parang wala ng bukas sa pag-lapat ng aming labi parang may nag sisiliparan mga paru-paro habang naiisip ko ang mga katagang yun ay ako mismo nangdiri sa aking sarili.

"Uniqae, uniqae, ang kaisa-isang babaeng sineseen ako... Ikaw lang ata Uni ang nakakagawa balewain ang mga mensahe ko. Hindi ko na nga mabilang kung makailan beses naku nag tapat ng pag-ibig ko sayo pero sa huling beses na iseen mo pa mensahe ko tandaan mo akin kana," mahaba kong diyalogo. Tinulak niya ako upang mag hiwalay ang kapusokan ginawa ko sa kanya at natinag naman ako dahil nga nabigla.

"SIIIIINNNNNNNNNN! PAR ANO BA SASAMA KA BA O HINDI?" nabalikwas ako sa kinauupoan ko na bigla akong tawagin ni Jezzey ang aking kaibigan

"Ahh, ano ulit yun?" kita kita ko ang nababanas nilang mukha habang kausap ako

"Ewan sayo Sin kanina pa kami dito paano ba naman panay tingin ka dyan sa mensahe mo para kay Uniqae habang nakangiti"

"Ahahhahahahahahha, taena Sin muntanga ang gago" doon ko napagtanto na imahinasyon ko lang pala ang lahat kanina dahil pag lapat ng aking mata sa cellphone ko tanging seen parin ang tugon sa akin ni Uni at sa hindi kalayoan nandoon parin siya hawak ang cellphone patuloy parin sa pag lalaro ng mobile legend at na Sin mendoza na naman ako mga pa

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now