Kuwento ni Lola Basya #31- Araw ng mga Puso

131 4 0
                                    


"Ateeeeeeee Eunice! Gumising ka na kaya." pagmamaktol ng aking nakababatang kapatid sa akin habang inaalog ako para magising.

"Oieh! Bunso naman ito na babangon na ako. Ang kulit mo naman," busangot man pero kailangan ko nang bumangon dahil maaga pa kaming magbebenta ng mga rosas dahil araw ng mga puso ngayon.

"Apo, halika rito at kumain ka na." tawag sa akin ni lola Berna habang hinahanda ang mga pagkain sa hapagkainan at si Andrew nauna na sa akin sa lamesita.

"Lolaaaaaa! Ang sarap talaga kapag ikaw nag-luto, kasi kung si ate ang pait ng lasa." ika ni Andrew. Ang lakas ng loob sabihin yan, dahil hindi niya alam na nakalabas na pala ako sa kwarto at nasa likuran na niya ako.

"Anong sabi mo, Andrew panget?" may halong gigil kong usad sa kanya.

"Ah-ahahaha! ate naman sabi ko maganda ka. Kaya hali ka at kumain na tayo." laking gulat niya dahil pag-lingon niya sa likoran, nandoon na ako habang nanlilisik ang aking mga mata.

"Ab--" "Tama na yan at kayo kumain na." naputol ang aking sasabihin sana kay Andrew dahil sa pagsingit ni lola, Kaya wala akong nagawa kung hindi ang kumain na lang.

"Lola! Aalis na po kami huh." paalam ko kay lola pagkatapos namin kumain ni Andrew.

"Si--sige, apo, kayo'y mag-ingat at baka kayo maaksidente." nahihirapan na pagbigkas ni lola habang hinihimas ang kanyang dibdib at hikaos sa bawat bigkas.

"Lola, okay lang ba kayo?" rumehistro ang pag-alala sa akin pagmumukha dahil nababakas sa kanya ang iniindang sakit.

"Okey, lang ako apo." sabay upo ni lola sa kahoy na upoan namin.

"Sigurado po kayo lola?" nagdadalawang isip man ako ngunit isang tipid na ngiti lang ang kanyang naging sagot hudyat na nais niya na kaming gumayak.

"Sige na apo at kailangan ninyo ng umalis." sa huli wala na akong nagawa kung hindi ang gumayak dahil kanina pa nasa labas si Andrew habang nayayamot.

~~~~

"Ate, bilhin ninyo na po itong pulang rosas, sariwang-sariwa." abot ko sa mag- syota.

"Panira. Ito na umalis ka na riyan." sabat abot ni ate girl sa akin nang pera, hagikhik ako habang paalis sa kanilang dalawa. Paano ba naman kasi halatang naiinis si ate sa akin dahil saktong sa mukha niya talaga hinarang ko ang rosas habang yung lalaki naman ay na patawa na lang ng bahagya.

"Ate Eunice, ang sama mo talaga." tugon ni Andrew habang may bitbit na biskwit, nandito kami sa bench nagpapahinga dahil masyado na rin tirik ang hapon kaya napagdesisyonan namin kumain na lang muna.

"Sus! Akala naman nila may forever walang ganun bunso tandaan mo yan. Iniwan nga ni lolo si lola." valentine's day man ngayon pero ito ako kinakain ng pagiging bitter hindi dahil wala akong lovelife kung hindi dahil sa panahon ngayon mahirap makuha ang purong pag-ibig.

"Ate, you're so bitter." kantyaw sa akin ni Andrew habang busy sa pagkain.

"Naks! Kapatid naman umeenglish ka na riyan huh," ngumuso lang siya bilang kanyang tugon habang pareho kaming nakatingin sa mga mag-jowa rito sa parke.

"Umuwi na nga tayo at mag-luluto pa ako." ika ko kay Andrew dahil mapapansin na rin na malapit na ang pagbisita ng kadiliman.

"Mabuti pa nga kung ganun ate Eunice." bitbit ang aming kakarampot na kita galing sa pag-bebenta, Sabay kaming gumayak ni Andrew upang umuwi.

~~~~

"Lola, nandito na po kami ni Andrew." tawag pansin ko kay lola dahil mapapansin ang katahimikan na bumabalot sa aming bahay.

"Ate Eunice, umalis siguro si lola." anya ni Andrew pagkatapos niyang libotin ang aming maliit na bahay.

"Imposible naman bunso tsaka masyadong madilim na sa labas." dahil hindi ako kombinsido sa kanya, dali-dali akong pumunta sa kwarta ni lola at nagpapakasakali na nandoon siya.

"Eunice at Andrew, anong ginagawa ninyo riyan?" nasa kwarto na kami ni Andrew (sumunod pala siya sa akin habang binabagtas ko ang daan patungo sa kwarto) na marinig namin ang boses ni aling Bebang.

"Uhmmmp- aling Bebang nakita ninyo po ba si lola Berna? Kasi kanina pa namin siya hinahanap ni Andrew." kinakabahan kong tanong kay aling Bebang habang tagaktak na ang aking pawis hudyat na kinakabahan ako.

Ngunit imbis na sagot ang aming makuha, isang mahigpit na yakap lamang ang naging tugon ni aling Bebang sa amin habang hinihimas ang aming likoran ni Andrew.

"Eunice, matagal nang patay ang inyong lola Berna isang taon na ang nakalipas. Araw din iyong ng mga puso kung saan inatake siya at kasamaang palad huli na ang lahat, tuloyan na siyang kinuha ng Panginoon." dahil doon unti-unti naging klaro sa akin ang lahat, kung saan ang senaryo pala kaninang umaga isa lamang proyekto na aming imahinasyon ni Andrew dahil lubos parin kaming nag-dadalamhati sa pagkawala ni lola Berna.

Mga Kuwento ni Lola BasyaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant