Kuwento ni Lola Basya #15 - 1k comment challenge

241 7 0
                                    

"1K comment hindi ako maliligo."
"1K comment papa picture ako kay crush."
"1K comment aabsent ako ngayong exam."

Iilan lamang yan sa nababasa ko habang busy sa kaka scroll up and down sa aking facebook account. Mga Pinoy nga naman kung anu-ano ang naiisip na pakulo sa social media kung hindi memes ito ang laman ng newsfeed ko.

"1K comments sasampalin ko yung President nang classroom namin." Pero sa dami ng nababasa kung 1k comments challenge yan lang naman ang naka kuha sa atensyon ko kaya agaran ko itong shinare na may kasamang caption na. Payt me Uno! Bago ko pinindot ang share button. Dahil wala pang nag comment ni log out ko muna account ko saka nag hugas ng mga pinggan.

-----
Gabi na pero ito ako nanatili gising ang diwa kaya minabuti ko muna i-log in yung Facebook account ko. Tamang bungad lang naman ng 100+ notifications sabog na sabog dahil sa shinare ko.

"1K comment sasampalin ko President ng classroom namin."

50 reacts | 999 comments | 2 shares

"Atapang atao dis!" Komento ni Carmela Ford.

"Rroad to 1k na dis, baes." Sunod naman ni Eya Leverfe.

"Go! Thalia kaya mo yan." Hindi rin magpapahuli si Charity Gray.

"Wala na finish na this, thaliaaaaaaaaa!" Ika ni Sappy ang famous sa aming paaralan.

"Uno Zionell. Sasampalin ka raw niya. Bwhahaahaahahahaha!" At hindi na pigilan ni Sabrina ang pag-mention kay Uno Zionell.

Napapatawa na lang ako ng dis oras sa mga komento ng aking mga kaklase lalo pa isang comment na lang ang kulang para magawa ko yung challenge na shinare ko. Mag- cocomment na sana ako para makompleto na pero bigla naman tumunog ang notipikasyon ko kaya binura ko na lamang yun para tignan kung sino yung nag-comment.

Uno Zionell comment on the post yun share

"Tss."

Yan lang naman comment niya pero hudyat yun para maging 1k na lahat ng nag-comment sa challenge ko. This is it makakaganti na rin ako sa mga kalokohan na nagawa sa akin ni Zio.

-----

Kinaumagahan, hindi mawala sa aking labi ang ngisi habang maaga akong gumayak dahil ngayon araw na ito idadaos ang aming Year End party. Mga 8am nandito na ako sa classroom namin tamang-tama dahil nandito na rin si Zio habang busy sa paghahanda. Nag si lakihan ang mga mata ng aking mga kaklase dahil sa aking presensya.

"Thasya, hanep ang aga natin."

"Haype! Nag handa talaga ang kurimaw."

"Ihanda na natin ang mga camera natin at mag-live na tayo."

Samo't saring tinig ng mga demunyo ang aking naririnig ngayon habang palapit ako kay Zio na tila ba hindi man lang pinansin ang aking presensya dahil busy parin siya sa paghahanda ng kakainin namin para mamaya.

"Klent pake abot nga ng spag-- wada heck! Ano ba problema mo?" Naputol ang kanyang sasabihin sana kay Klent nang bigla ko siyang sampalin. Oo, nakalapit ako sa kanya na para ba isa akong multo na hindi niya nakita.

"Woooohhhhhhhh!"

"Ang sakit naman nun pahr."

"Kingina atapang atao atashya bwhahaahhahah!"

"Viral na dis bro."

"Fuck you all, and for you woman. How dare yoo to slap your handsome President infront of our classmates?" Talaga kahit gwapo siya ang gaspang naman ng ugali ng mokong na ito.

"Dahil ginusto ko at tanga ka ba ikaw lang naman naka last comment sa shinare ko kaya naka 1k comment yun. Ang vovo naman pahr," buong tapang ko siyang sinagot hindi alintana ang gwapo ngunit aruganti niyang pagmumukha sa aking harapan.

"Tss tss! What a dirty mouth you have woman. Wanna clean it using my tounge?" Ang manyak talaga may pa smirk pang nalalaman ang Presidente na ito.

"Yawa ka demunyo ka talaga. Lumayas ka nga sa harapan ko at baka masampal kita ulit." Akma ko sana itaas ang aking kanang kamay upang sampalin ulit siya nang mahuli niya ito at kinulong ako sa mga bisig niya.

"Hush darling this demon will willing to be an angel to be just with you. Let's go and taste the heaven mi amore." Hindi na ako naka protesta pa ng bigla niya akong bitbitin na parang ala bride-style at habang tinatahak namin ang palabas ng pintuan kitang kita sa mga kaklase ko ang gulat dahil sa eksena kanina na nauwi sa pagiging romantiko ng Presidente namin.

Mga Kuwento ni Lola Basyaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن