Kuwento ni Lola Basya #51 - Red Shoes for Sale

129 1 0
                                    

Malamig na ang simoy ng hangin at napapalibutan na rin ng kadiliman ang kalangitan sa Bayan Silio. Habang patulog na ang mga tao sa paligid ay nagsisimula pa ang senaryo ng mag-asawa sa loob ng kanilang munting tahanan.

"Anak kapit ka lang huh. Lalaban tayo kahit na napapagod na sa buhay ang nanay mo," wika ng isang Ginang habang hinahaplos ang kanyang tiyan na nasa siyam na buwan na.

"Ano ba naman yan Lora! Gabi na hindi ka parin nakaluluto ng pagkain." Bagsik na kanyang asawa na amoy alak na naman ng gabing iyon. Biglaan na lamang itong sumulpot na tila ba sinong hari ang nagtataas ng boses sa kanyang alipin.

"Puro ka alak! Ayan tuloy ni sentimo na barya hindi mo lang magawang bigyan ako. Ernesto, naman akala ko ba magbabago ka na dahil nagdadalang tao naku." May mga butil ng mga luha ang nagpapadyang tumulo mula sa mga mata nito ngunit hindi niya ito ininda at nagpatuloy siya sa paghahabi ng sapatos na kulay puti dahil isa itong tanyag na sapatosera na isipan niyang gawan ng espesyal na sapatos ang kanyang anak.

"Ayan diyan ka magaling! Ang paghahabi ng sapatos samantalang 'di naman tayo yayaman diyan. Panay gawa ng sapatos pero iyong gagawan nasa sinapupunan pa hindi pa naman niya yan masusuot. Letcheng buhay ito!" pasigaw na monologo nito. Habang pasuray-suray na naglalakad patungo sa kinaroroonan ng kanyang asawa sapagkat nagpatuloy parin ito sa paggawa kahit na masyado itong maingay.

Walang anu-ano biglaan niyang hinablot ang sapatos, nagitla ang kanyang asawa habang takot na takot siyang pinagmamasdan nito na tila ba isa siyang halimaw na nanglilisik ang kanyang mga mapupulang mata. Dinuduro pa siya nito habang pinagsasalitaan siya ng mga masasamang salita hindi alintana na asawa niya ito at nagdadalang tao sa kanilang anak.

"Utang na loob! Ayaw ko na ng away sapagkat makakasama yan sa anak natin Ernesto," wika niya habang minamasdan ang sapatos na ginawa niya na ngayon hawak ng asawa niya.

"Ito... ito ba ang pinaglalaki mo! Puwes! Nararapat siguro itong sunugin." At sa isang iglap kanya niya itong itinapon malapit sa isang nagbabagang apoy 'di kasi kalayuan ang kanilang kusina (nakatira lang kasi sila sa simpleng bahay-kubo)

"Ernesto!" Marahil sa pagkakabigla ngayon lang nag-sink-in sa ginang ang nangyare sa pinagpuyatan niyang sapatos na ireregalo niya sana sa kanyang supling. Dali-dali siyang tumakbo umaasa na masasalba pa niya ito dahilan upang mataisod siya dahil hindi man lang niya napansin ang nakaharang na kahoy. Kahit na may dugong umaagos mula rito ay hindi niya ito alintana sapagkat sa mga oras na yun nais niya lang masalba ang sapatos.

"Aray!" Daing nito sa oras na nahawakan niya ang sapatos na para ba ngayon lang niya napagtanto ang epekto nang lakas ng kanyang pagkatalisod kanina. Nadagdagan pa ito dahil na rin sa baga ng apoy na kanyang nadampot ang sapatos. Ngunit tila nagbibingihan ang kanyang asawa siya tinitigan niya lamang ito na tila ba isang estranghero.

"Ernesto," may bahid na pagmamakaawa nito sa kanyang asawa. Pero imbis na maawa at tulongan siya nagkibit-balikat lang ito at tuloyang umalis.

Sa kalagitnaan ng sakit na dinadama ng ginang kasabay nito ang walang humpay na agos ng dugo mula sa kanyang sinapupunan. Tila ba tinusok siya ng ilang metrong haba ng karayom wala siyang nagawa kung hindi ang umiyak habang sapo-sapo ang kanyang tiyan at ang sapatos na kanina hawak niya ay 'di na niya mahagilap. Naghalo ang sakit, poot at mga emosyon na hindi na niya alam kung saan galing hanggang sa unti-unting dumilim ang kanyang paningin.

-----

Limang buwan na rin ang nakakalipas mula nangyare ang trahedya at bumalik na rin si Ernesto sa kanilang bahay laging gulat niya na wala roon ang bangkay o katawan ng kanyang yumaong asawa. Pero mas labis ang kanyang galak dahil hindi na rin siya gagambalain nito. Alas tres ng madaling araw na napag-isipan niyang magluto muna dahil na rin sa gutom galing kasi siya sa inuman. Madilim ang paligid at tanging ilaw mula sa buwan ang kanyang gabay.

"Sa wakas!" Nagitla siya sa kanyang narinig sapagkat isa itong matinis na boses na para bang galing sa ilalim ng lupa. Sinundan naman ito ng walang humpay na iyak kaya tinigil niya muna ang pagluluto at sinundan ang boses.

"Bakit nandito ito?" Tanong niya sa kanyang sarili ng mahawakan niya ang sapatos, wala itong bahid ng dugo o pagkasira man lang. Winaski na lamang niya ito at itinapon sa kung saan dala na rin siguro ng pagod kaya pagkatapos kumain ay natulog na rin siya agad.
-----

"Pre, owh! inom pa ang hina naman." Gabi-gabi ganito ang senaryo sa bahay ni Ernesto walang sawa siyang umiinom ng alak.

"Oieh! Balita ko may patayan daw na nagaganap dito sa Bayan," ika ni Manong Edwin pero ang diwa ni Manong Ernesto ay nasa sanggol na ngayon na walang ibang ginawa kung hindi ang tumawa, hawak ang sapatos; mapapansin ang mata nito na umaagos ang pulang likido. May mga sugat din ito sa katawan na lumalabas ang mga uod.

"Pre, mabuti pa muna na umuwi ka," may halong pangamba ang kanyang boses na tila nawala ang kanyang kalasingan kaya minabuti na rin ni Manong Edwin na iwan muna siyang mag-isa.

"Demonyo ka! Umalis ka rito sa pamamahay ko!" Oras na iwan siya ni Manong Edwin agad siyang pumunta sa sanggol na abala sa paglalaro sa sapatos kahit nanginginig ang kanyang kalamnan ay winaski niya ito at hinarap niya ito. Ngunit imbis na sagutin siya nito pinaglakihan lang siya ng mata habang pinagtatawanan siya, unti-unti itong gumapang pa punta sa kanya.

"U--umalis ka! Demonyo ka!" Patuloy lang ito sa pagtawa na tila papunta na sa pag-iyak, pabilis nang pabilis ang paggabang nito, bitbit ang sapatos hanggang sa pinakain niya ito kay Manong Ernesto na ngayon ay nahimatay sa takot at buo parin ang sapatos sa kanyang bibig.

"Papa!" Anya ng sanggol habang minamasdan ang walang malay niyang ama.

-----
Lumipas pa ang ilang linggo at balitang-balita ang sunod-sunod na pagkamatay ng mga ina na nagdadalang tao sa kanila. Hindi maipaliwanag ni Ernesto ang mga masamang ihip ng hangin ng gabi yun.Balak na niyang umalis pagkatapos mabalitaan ang patayan sa kanilang Bayan at mapagtantong hindi panaginip ang nasaksihan niya, Nang madapo ang kanyang mga mata sa sapatos na kung saan nababahidan na ito ng kulay pula isang kahindik-hindik na tawa ng supling ang kanyang nadidinig na para bang napapalibutan ito ng masamang elemento. Walang lingon-likod niya itong dinampot at agad na pumunta sa labas at nilagay niya itong sa isang eskinita kasama ang mga nakatambak na mga basura. Dahil sa takot binilisan niya ang paglalakad 'di batid ang mumunting tawa na may halong pag-iyak at tuloyan niyang nilisan ang Bayan.

-----

"Sapatos! Anak, may masusuot ka na," ika ng basurera habang hinahawakan ang kanyang tiyan dahil malapit na itong manganak. Masaya itong umalis sa tambakan ng mga basura habang bitbit ang pulang sapatos at 'di man lang nabasa ang red shoes for sale na nakasulat sa pulang likido.

Mga Kuwento ni Lola BasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon