Kuwento ni Lola Basya #7- Free Data

549 7 0
                                    


Dahil sembreak ngayon buong mag damag ako tambay sa bahay habang hawak ang cellphone ko tamang scroll up and scroll down lang ako kasi free data ako btw ako nga pala si Macey Nam, ang babaeng poorita kaya sa libreng datos kumakapit kidding pero seryoso napaka-boring ng sembreak ko tamang bakasyon lang sa bahay namin, at dahil nababagot ako mina buti kong ichat si Eya ang aking matalik na kaibigan buti na lang active now ang babaita.

"Hoi! Nue gawa mo babaita?" Habang tinitipa ko ang mensahe na yan umaasa ako na makakakuha ng mensahe nag mag sasalba sa nababagot kung hapon. Hayts!

Eya Leferve: *send a photo* Good luck! bwahahhahha!

Nue ba yan imbis na sagot makuha ko isang litrato lang naman sinend niya gags talaga kita naka-free-data lang ako tapos nag-update ng dis oras messenger kaya ayun hindi ko makita yung sinend niya take note hindi lang isa kundi nasa sampung litrato lang naman at may pa good luck pa. Kinakabahan na tuloy ako kung ano yun.

Me: *nag send ng likezone* Bahala ka riyan naka free data ang maganda.

"Nam, batang ire maghugas ka nga ng pinggan naku panay facebook ka riyan buong mag damag." Sakto naman pag-send ko sa reply ko kay Eya sabay log out dinig na dinig sa buong bayan ang boses ni Ina wala ihh pinanganak na ata ako para mag hugas ng pinggan.

~~
Isang makulimlim na gabi ako lang mag-isa rito sa bahay kaya ito tambay na naman ako sa social media lalo na sa facebook wala man ka-chat nililibang ko na lamang ang akin sarili sa pag-like sa mga posts upang makasira ng react goals kung tawagin.

Eya Leferve is active now biglang nag-pop-out yung pangalan ni Eya sa active friends ko.

Eya: Jusko! nueebaaaa babaita! Hindi mo ginawa yung nasa litrato?

Me: Gags! wala ko load hindi ko makita. Tsaka! Bakit ba? Ano ba talagang meron doon sa pictures? May pa good luck ka pa ng nalalaman.

Eya: Ahahhahah! I will tell you tomorrow gonna go babaita. Bye!

Taena! nag-log-out na wala na naman akong ka-chat tsaka kinakabahan ako sa hindi mapaliwanag na dahilan na naman. Ano ba talaga yung nasa litrato o baka naman mamaya pinagtritripan lang ako ni Eya, pero dahil wala na nga akong ka-chat nag backread na lang ako sa convo namin ni Eya kanina at bigla akong nagulat dahil wala naman akong load pero bakit unti-unti na nag-loloading yung mga pictures kanina nanginginig man ang aking mga kamay kasabay ng pagbuo ng butil ng pawis sa akin noo ay siyang pag klaro ng mga imahe na pinasa niya litrato pala ito ng isang babaeng puno ng sugat at ang kanyang puting bestida na dungisan ng pinaghalong dugo at putik. Hindi pa riyan natatapos dahil ang babaeng nasa imahe ay pamilyar na pamilyar sa akin hindi ako puwede mag kamali si Micka Ella ang dilag na nasa litrato sa huling litrato may isang sulat ang naka-akibat.

|| Ako si Micka Ella kinse anyos ginahasa ng dalawang lalaki nangangalan Kurt at Foreister, pinagsamantalahan at pinagsawaan ang aking katawan pag ka tapos galawin pinatay gamit ang kutsilyo makailangan beses sinaksak hanggang sa malagotan ng hininga hindi pa sila nakuntento binaril din nila ako at tinahi ang aking bibig gamit ang alambre at tinapon ang aking katawan sa ilog. Tulong! tulongan mo ako parang awa muna. ||

Pag katapos kong itong basahin nabitawan ko ng dis oras ang aking cellphone hindi ko inaakala na imperno pala ang dinanas niya sa mga jowa namin isa lamang yung katuwaan dahil lasing kami dalawa ni Eya na pag tripan namin si Micka kung saan isang inosenteng nerd ng gabing iyon pinasamahan namin siya sa mga jowa namin at pinakausapan na kunan ng video upang mag-viral. Isang nakakabinging kalabog ang aking nadinig kasama nang pagpatay sindi ng mga ilaw sa bahay namin.

"Tulong! Tulongan mo ako parang awa muna."
"Huwag po parang awa muna pa--pakawalan ninyo ako."
"Ta--Tama na ayaw ko pl--please naman."
"Parang awa ninyo na i--tigil ninyo na ito."
"A-Ano? yan huwag ninyo akong kunan ng video," walang humpay ang boses. Sunod-sunod tila ba ako ang kinakausap niya sabayan pa nang nakakakilabot na pag-iyak sa hindi kalayuan may babeng nakatayo bakas ang hirap na kanyang pinagdaanan nakakasindak ang kanyang mukha na may mga dugo at tubig na pumapatak tanging ungol ang kanyang nagagawa dahil tinahi ng alambre ang kanyang bibig.

"Mick--Micka! patawarin muna kami kung namatay ka man dahil sa amin utang na lo--loob nagsisisi na kami sa ginawa namin sa'yo." Ngunit imbis na mawala siya sa paningin ko unti- unti nag-play ang video sa cellphone ko, kuha ito ng gabing ginahasa si Micka hanggang unti-unti siyang lumalapit sa akin habang yumayapos sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

"Huwaaaaggggg!" isang malakas na tinig ang bumalot sa buong espasyo ng aming bahay.

Nabalikwas ako ng bangon habang tagaktak ang aking pawis nagising ako sa ingay mula sa telepono ko pag tingin ko kung sino ang tumatawag si Eya lang pala, inoff ko muna ito dahil hindi ko pa lubos nababawi ang ulirat ko alas singko na pala ng madaling araw lubos ang pagtataka na may pulang likido ang tumutulo mula sa itaas ng kisame at pag tingin ko dito may babaeng nakalutang at nang lilisik ang kanyang mga mata. Doon ko napagtanto na hind pala panaginip ang lahat dahil totoong nakaharap si Micka Ella.

Mga Kuwento ni Lola BasyaKde žijí příběhy. Začni objevovat