Kuwento ni Lola Basya #28- Tupperware ni Nanay

151 2 0
                                    


"Dalhin mo ito anak, ako mismo nag-luto nito." Pag-abot ni mama sa isang tupperware kung saan may kanin at ulam. Kahit abala siya sa mga labahin niya hindi niya parin ako nakakalimutan na paghandaan ako ng paborito kong ulam.

"Uhmmmppp! pake lagay na lang muna sa lamesa mom," arte kong tugon sabay lagay ng liptint sa aking labi.

"Batang ire naman ang pula-pula niyang labi mo anak." Akma niya akong hahampasin ng sandok nang mabilis akong nakailag.

"Mom, I gotta go. Bye!" pagpapaalam ko sa kanya.

"Anak! Yung baon mo," habol na sigaw niya sa akin pero umakto akong walang narinig at agad na pumara ng taxi.

~~~
"Namnam, ang ganda mo talaga." Salubong nila sa akin pagkatapos kong bumaba sa taxi nandito kasi sila sa labas ng gate.

"Tara nga at gumala tayo," ika ni Aimee.

"Kaya nga mag-shopping tayo. Haler! kapagod mag-aral," sunod-sunod na pagbati ng mga kaibigan ko sa aking kahit pa nasa labas kami ng eskwelahan at papasok pa lamang.

"Tangeks! may exam pa tayo ngayon. Mamayang hapon na lang."

"Okey fine!" Mga busangot man ang kanilang mga mukha wala silang nagawa dahil kahit paano mga grade concious kami.

Ilan oras din kaming naghintay na sana mag-bell na kasi gutom na gutom na kami, sadyang time consumer yung prof namin kaya tamang ubos lang nitong oras na natitira pa. Mababakas din sa akin mga kaklase na halatang naiinis na kay Sir Fajardo.

"Babalikan ko lang ang binigay kong assignment sa inyo. That is all for this day," ika niya.

"Buti naman tapos na si Sir panot," Insulto ni Kera palibhasa kasi wala na si Sir kaya ang lakas nang loob niya.

"Gaga ka talaga. Tara na nga gutom na ako." Hindi ko na lang sila hinintay pa at diritso na akong lumabas dahil gutom na gutom na talaga ako.

"Hoi dzae! Wait lang... may naghahanap sayo." Nasa hallway na ako saka ako naabotan ni Kera habang tumatakbo para bigyan puwang ang distansya namin dalawa.

"Sino na naman yan?" Mamaya pa naman kasi yung lunch break nila Shawn kaya imposible naman siya yun naghahanap sa akin.

"Anak." Laking gulat ko na nasa harapan ko ang akin ina habang dala niya yung tupperware na sinadya kong iwan sa bahay. Ang lakas ng loob niya pumunta rito habang ang dungis na kanyang damit, nakakahiya siya ang ganda-ganda ko tapos ganyan siya--masisira imahe ko.

"Anak, an-ano kasi naiwan mo ito." Sabay abot niya ng tupperware sa akin pero hindi ko ito tinanggap bagkus tinapik ko ito at dahil mahina siya hindi niya ito nasalag agad dahilan upang mahulog ito sa lupa at tumilapon ang laman.

"Namnam? Uhmmmpp! Lets go." Dahil sa presensya ni mommy hindi ko napansin na kanina pa pala nanood ang squad nila Princess sa akin.

"Sige tara na nga ang sama na kasi atmospera rito" At nilagpasan ko lang si mommy habang nakayuko na nililinis ang kalat niya. Sinamaan ko lang ng tingin ang mga usisero at usisera kong mga kaklase.

-----

"Oh! That was fun girl yah know it so kilig."

"Deym! they slay that scene like oh my freaking good."

"Hey! Namnam?" tawag pansin sa akin ni Princess dahil busy ako sa phone ko panay may tumatawag kasi na unknown number.

"Pasensya na kayo pero sasagotin ko mo na ito." Tumango lang sila bilang sagot kaya dali-dali akong pumunta sa sulok upang sagotin ang tawag.

"Hello!" Kinakabahan man sa hindi maipaliwanag na dahil pero minabuti ko muna itong iwaksi.

"Ma'am? This is Dr.Oreo of ABC Medical Hospital your mom is here because of road accident. She's in critical condition." Tumigil ang takbo ng oras ko dahil sa aking naririnig kaya walang alinlangan ako dumiritso sa labas ng mall at naghanap ng taxi.

Wala pang tatlong oras nandito na ako sa ospital wala akong sinayang na pagkakataon dahil agad akong pumunta sa nurse station upang hanapin ang room ng akin mommy.

"Mommmmmmm! Nan-Nandito na po ako." Agad akong tumakbo pagkatapos malaman ang room number ni mommy. Pipihitin ko na sana ang pintuan na may doctor ang na una sa akin.

"Miss Namnam San Jose, Are you the daughter of Mrs. San Jose? By the way... I'm doctor Oreo Rodriguez." Isang mestisong doctor ang nagpakilala sa akin, siya panigurado yung tumingin kay mommy.

"Ako po doc, kumusta na po si mommy?" Kinakabahan kong tanong sa kanya at nababakas ang panginginig sa aking sistema ngayon.

"I'm sorry to tell you but the patient did not survive due to too much lost of blood because of road accident." Pagkatapos magpaliwanag ni Doctor Oreo agad ko siyang nilampasan at pumasok sa room ni mom.

"Mom, no please parang awa muna." Histerikal kong niyogyog si mom habang nakaratay sa hospital bed at mapapansin ang kulay puti niyang labi hudyat na wala na talaga siyang buhay.

"Moommmmyy! I'm sorry h--hindi na po mauulit parang awa na. Nandito na po ako at ipagluto niyo po ulit ako." Ginawa ko na ang lahat pero wala parin ang kanyang mala higanteng boses na daig pa ang isang siga sa kanto.

"Moommmmyy! Mahal na mahal ko po kayo. Mommy naman huwag mo akong iwan, gumising ka na mom hindi ito magandang biro."

"Yu--Yung mga labahin mo tu-tulongan na po talaga kita." Walang humpay kong pag-alog kay mom habang walang katapusan ang agos ng akin mga luha.

"Sshhhhhhh Miss," pagkakalma ni Doctor Oreo sa akin marahil naaawa na siya sa kalagayan ko ngayon.

"Bago pala mamatay ang iyong Ina. Dala-dala niya ito." Sabay abot niya sa akin ng tupperware na sira-sira.

"N---oo please doctor buhayin mo ang mommy ko." Niyugyug ko ang kanyang mga braso habang umiiyak.

"Sshhhh! Everything will be okey." Wala na akong magagawa kung hindi tanggapin ang tupperware at habang dinala na nila ang katawan ng akin ina sa morgue at dahil dito mag-isa ko na lang haharapin ang masalimoot na mundo ngayon ko lang napagtanto habang minamasdan ang malamig na katawan ni ina na sana pala hindi na lang ako naging suwail na anak.

"Mauna na ako," ika ng doktor sa akin. Habang nanatili parin akong nakatayo sa kawalan at tila walang plano gumala dahil sa namamanhid pa ako masyado kasi sa mabilis ang mga pangyayare na hindi pa tuloyan nag-sisink-in sa aking utak.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now