Kuwento ni Lola Basya #38 - Talaan ni Aling (1)

107 1 0
                                    

Talaan ni Aling || Unang kabanata: Dyamante sa Jeepney

"Aling, batang ire ang tagal mag-ayos nandiyan na si manong Isko ihahatid na tayo daongan ng barko," namamayani sa buong barangay ang boses ni Ina. Dahil nga bakasyon na naman kaya napagdesisyonan ni ina at ama na umuwi sa Cebu kung saan doon kami magpapalipas ng isang buwan na bakasyon.

"Ito na pa po, Ina," may kalakasan na sagot ko at dali-daling sinuot ang bag sa likod ko at dinampot ang kulay kahel na kuwaderno ko.

-----

"Owh! Aling, balita ko nagtapos ka na sa senior high iha." Nandito ako sa tabi ni manong Isko habang nakasakay naman si ina, ama, at dalawa kong kuya sa likuran ng jeepney.

"Oo, nga po ang bilis nga po ng panahon parang kailan lang grade 7 pa ako," sagot ko kay manong Isko.

"Tignan mo nga ano. Anong kukunin mo sa kolehiyo, Aling?" Habang dahan-dahan lang minamaneho ni manong Isko ang jeepney, para siguro 'di mabagot kaya kinakausap niya ako sapagkat tulog si ina at ama at yung dalawa kong kuya nag-cecellphone lamang sa likuran.

"Kasamaang palad po nais kong mag flight attendant," mababakas ang kalungkotan sa boses ko.

"Wala naman problema roon, iha. May maganda ka naman na kalooban, kung pisikal naman sigurado naman na swak lang ang 'yong katangian, at matalino ka naman na bata," may halong positibo niya na ika. Sana nga ganun lang ito kadali upang pasukan ang nais ko.

"Pero hindi po sapat ang pera namin dahil masyadong ginto ang nais kong pasukan, mang Isko." Inaliw ko na lang ang aking sarili sa mga nadadaanan ng aming sinasakyan upang 'di mapansin ang nagbabadya kong luha sa mata.

"May mga scholar naman na siguro ang puwede mong applayan." Saglit akong nilingon ni mang Isko at binalik naman agad niya ang paningin sa kalsada. Nais niya siguro ipahiwatig na kung gusto maraming paraan ang puwede kong gawin.

"Pero ayaw po kasi ni Ina saka ayon sa kanya kahit pa may sholarship may mga extra fee pa rin naman kaming babayaran at masyado na po silang matanda upang kumayod dahil lang sa gugustohin kong kurso." Ngunit kahit ganun, pinipilit ko naman iintindihin ang sitwasyon namin, sadya lang siguro may mga bagay na kailangan isantabi at kailangan din natin maging praktikal sa buhay.

"Sabagay masyado ngang ginto ang kursong iyan. Ako nga noon nais kong maging doctor simula't sapul. Kaya lang pinanganak akong mahirap kaya hindi kakayanin ni nanay ang ilang taon na pag-aaral na nais ko sa medisina. Kaya ito ako ngayon imbis sa hospital ihh nasa kalsada nakikipagsapalaran," mahabang monologo ni manong isko. Habang ako naman ay nakatutok lang sa kanya dahil mapapansin ang pagkauhaw sa kanyang mithiin sa buhay na nilumot dahil sa kahirapan.

"Pera talaga ang pangunahing nagpapatakbo ng lahat ng bagay sa mundo," ika ni manong Isko habang pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Dahil sa huling salitang kanyang binitawan nagkaideya ako sa isusulat ko sa akin kuhay kahel na kuwaderno kung saan magiging talaan ko sa natutunan ko sa mga taong nakakasalamuha ko. Kaya kinuha ko ito at nagsimula mag-sulat.

~~~~~
Unang Kabanata ||

Ngayong araw na ito pupunta kami sa Cebu dahil doon kami magbabakasyon ng isang buwan at ngayon nasa jeepney kami ni manong Isko habang kami nag-uusap bigla kong natutunan na sadyang may mga pangarap talaga na mas maiging isantabi at maging praktikal. Ngunit kahit ganun 'di alam ni manong Isko kahit hindi si'ya naging doktor at isa lang siyang jeepney driver may dyamante parin nakukuha sa pamamasada na kahit hindi niya magamot ang mga may sakit pero mas doble naman ang natutulong niya sa paghahatid ng mga pasahero sa kailangan destinasyon. Oo, nga siguro pera ang pangunahing kailangan sa pagbabyahe rito sa mundo pero kakailanganin mo rin itong lagyan ng diskarte sa buhay upang umabot sa nais mo na destinasyon.

Aling.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now