Kuwento ni Lola Basya #22 - 24 hours mag Jowa challenge

171 5 0
                                    


"Woi Clarity, napanood mo na yung video blog ni Pamela?" Wala man lang Good Morning diritso upo at tabi si Zydric sa aking para itanong ang mga katagang yan.

"Hindi at tsaka wala akong balak, Pamela ka nang Pamela haler dzae may long quiz tayo kaya mag-aral ka kaya," sermon ko sa kanya habang busy sa pag-aaral sa Applied economics subject mahirap na mabagsak saka magtatapos na kasi kami sa Senoir high we currently taking GAS strand kaya ito ako pursigido mag-aral.

"Hmmmpp! Kahit na sabihin ko na kasama si Kyo Quijano sa video blog niya ngayon. Wala ka parin pakealam?" usisa niya sa akin at sa pagbanggit niya ng pangalan ni Kyo agad huminto ang pag-ikot ng aking mundo. Charots, dahan-dahan akong lumingon sa kanya habang ngising dimunyo na si Zydric dahil alam niya kahinaan ko talaga si Kyo.

"Alam mo bessy naman kasi kung sinabi mo agad nandoon pala si Kyo edi pinanood ko na yun agad. Huwaaaaiitt nga lang." Ito nga ako agad binitawan ang libro at dali-dali kinuha ang cellphone para manood ng video ni Pamela Swing o kilala bilang si Pam.

"Ano nga pala na video yan?" tanong ko sa kanya dahil na realize ko nakakayamot mag hanap lalo pa ang daming video blog ni Pam.

"24 hours mag Jowa challenge. Owwhh, diba pak na pak si ateng Pam mo." Namilog ang aking mga mata habang na hanap na agad ang video na may 1.4 million views na ito agad tama nga siya kasama ni Pam sa video si Kyo.

"Owwhhh fudge! Ang gwapo ni Kyo tsaka kingina naman owh ang sweet sana all." walang kalma kalma kung sabi kasi naman ang sweet ni Kyo kay Pam akala mo talaga totoo kahit na alam namin natin na challenge lang ang lahat. (medyo pa fall nga)

"Sinabi mo pa at yung dulo ng video fudge ang sarap sa eyes dzae," histerikal na sagot ni Zydric tama nga siya dahil sa dulo nang video medyo namatay ako kasi naman sumasayaw sila habang yapos ni Kyo si Pam.

"Pesteng yawa naman owh huhuhu." Wala na finish na may nanalo na

"Hindi, naman nakikilig ihh." Agad naman akong nagulat dahil may baritonong boses ang nag salita sa likoran namin kaya agad kung pinatay ang video at tinignan kung sino ito.

"Pr--Primosol?" gulat kong tawag sa lalaking may ari ng baritonong boses.

"Tsss, gulat ka na naman sa ka gwapohan ko." Ang hangin lang talaga, nga pala siya si Primosol Cameron isang STEM student isang Grade 11 student pero kahit ganun sobrang kapal ng mukha dahil feel na feel ang pananatili sa classroom namin. Not to mention crush ko na pala ang mokong na ito.

"Napapatulala ka naman dyan Clarity alam ko gwapo ako huwag mo naman masyadong halata." Prete lang siya naka-upo sa aking likoran kaya dama ko yung baritonong boses niya na para bang kinikiliti ako. Hindi parin ako makapagsalita dahil sa gulat kasi naman ngayon lang niya ako kinausap last year kasi palagi naman siya nandito pero lahat na ata na klasmeyt ko naka usap niya pwera na lang sa akin.

"Zydric panaginip pa ito? Dzae kinakausap ako ni crush." Tinapik ko sa Zyric na busy sa pag kuha ng litrato sa amin ni Primosol.

"Dzae, totoo na yan huwag ng sayangin ang pagkakataon... doon muna ako. Okeyyy! Babush dzae." Ayun nga lumipat siya ng pwesto kasama yung iba namin klasmeyt na dito naman nakatingin sa amin ni Primosol habang sekretong humahagikgik.

"Cut your tongue miss Clarity? Owh, maybe you just shock because I'm talking to you. I am right?" Kung kailan naman kasi 3 months na lang at lilisan na ako dahil magtatapos na saka naman ako kinausap.

"Tsss, hindi ka--kaya." Kasi naman ang gwapo niya talaga plus yung boses niya tila pa ako nilalamon ng buhay.

"Hindi nga halata dahil namumula ka na dyan." Mapang-asar niya tugon sa akin.

"Yowo! Umalis ka nga rito feel at room ka na naman tsaka ano ba Sol huwag mo akong asarin 2019 na hindi na ako marupok." Pero part of me umaasa na sana before ako aalis sa paaralan na ito may magandang mangyari.

"Hmmmpp! Listen everybody I'm Primosol Cameron a Grade 11 Stem student from now on this girl right here name Clarity Manuel will be my girlfriend soon." And I was shock para kasi na basa niya nasa isip ko kasi bigla siyang tumayo at habang binibigkas ang mga salita na yan hindi naman siya na bigo kasi nakuha niya lahat ng atensyon ng mga kaklase ko.

"Wala parin forever kahit 2019 na."

"Ayeeeuuuttt na yan."

"1k comments mo na Cla bago mo sagotin." Ayon ang mga tinig ng mga dimunyo. Na puno lang namang nang hiyawan ang klasroom namin ngayon.

"Listen Clarity I'm serious about courting you I just realized that since I know you I never talk to you except to you're classmates it is because I can't stand and talk straight whenever you are around and maybe that was love. Before it's too late I want to show my love to you. Why settle admiring Kyo when in fact I'm Primosol Cameron willing to be with you not only for 24 hours but I can be with you 24/7 or maybe decades. I love you Clarity, just please allow me to court you?" Wala na sabi ko nga salamat sa video nila Pam at Kyo dahil na buksan nito ang torpe si Primosol.

"Kingina oo na agad marupok 2019 version ako" At ang lalaking ito tumawa lang naman.

"Thank youuuu so much." Hinalikan lang naman niya ako sa noo saka umalis dahil paparating na rin si maam. Habang naka-upo ako puno nang kantyaw ang bawat tingin ng mga kaklase ko sa akin at hindi ko na lang sila pinansin sapagkat nagtuloy na lang ako sa pagbabasa ng notes ko.

Mga Kuwento ni Lola BasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon