Kuwento ni Lola Basya #33- Ang Pangarap ni Totoy

155 3 0
                                    


"Kuya, pangarap ko talaga ang maging pulis," ika ni Totoy habang tinatanaw ang dalawang pulis na hinuhuli ang isang lalaking kawatan. Para ba siyang isang batang uhaw na makamit ang matagal na niyang inaasam-asam.

"Hindi masamang mangarap, Totoy," sagot ni Ore sa kanyang bunsong kapatid habang busy sa pag-liligpit ng kanilng paninda na sigarilyo. Bata pa kasi sila na nawala sila sa kanilang magulang dulot ng gulo sa kanilang bayan at hindi na muli nila nakita ang kanilang ina at ama, dahil doon napadpad sila sa magulong bayan ng Maynila kung saan ang panininda ng sigarilyo sa kalsada ang kanilang naging hanap-buhay

"Oo, naman kuya at balang araw kapag ako may naipon na, mag-aaral talaga ako ng mabuti para maging isang magiting na pulis," puno nang enerhiya niyang sabi.

"Natutuwa ako kung ganun ang iyong nais," naka ngiting tugon niya sa kanyang kapatid.

"Kuya, nagugutom na ako hindi pa tayo nakakain simula kaninang umaga," Mapapansin kay Totoy na kumakalam na talaga ang kanyang sikmura dahil tubig lang ang kanilang naging kasangga mula sa tirik na tirik na mag-hapon na pagtitinda nila.

"Sige, aalis mo na ako at titignan ko kung anong mabibili nitong kakarampot na kita natin," pagpapaalam ni Ore sa kanyang kapatid na hindi alintana ang pag-hihina rin dulot ng pagod. Agad naman itong nag-lakad upang makahanap ng makakain nilang dalawa.

Habang si Totoy naman ay naka-upo lamang sa isang bench ng parke kung saan doon sila tumatambay ng kanyang kuya kapag tapos na sila sa pag-bebenta.

"Bata, mag-isa ka lang ba?" Takang napalingon si Totoy sa kanyang harapan dahil sa biglaan tinig na kanyang narinig.

"Hindi, kasama ko po ang aking kapatid," tipid na sagot niya dahil natatandaan niya ang bilin ng kanyang kuya na 'wag basta-basta makikipag-usap sa hindi mo kilala.

"Kung ganun bata ang swerte mo dahil may ibibigay ako sa'yo na trabaho at malaki ang kikitain mo rito." Binigyan lamang siya ng estanghero ng ngisi kung saan sa kanyang pananalita ay hinihikayat siya nito na pumayag.

"Talaga! Ano po ba klaseng trabaho?" Dahil sa salitang 'malaking kikitain' parang nabuhayan ang nagugutom na si Totoy na para bang may mahika ito na binigyan siya ng pag-asa.

"Madali lang talaga ito, bata. May ibibigay ako sa'yo na gamot at misyon mo itong maibigay sa isang tao," anya ng estranghero kay Totoy.

"Kanino ko po ba ibibigay ang gamot?" Dahil sa tanong niya naging mas malapad ang ngiti ng estranghero sapagkat alam na niyang pumapayag na ito sa kanyang inaalok.

"Ito ang address niya, bata. Puntahan mo na lang ito at ibigay itong gamot at bumalik ka rito upang makuha mo ang iyong sweldo" May inabot ang estranghero kay Totoy na isang tupperware na may nakalagay na kulay puting pulbo na ika niya isang 'gamot' daw at may nakaakibat itong papel na naglalaman ng address na kanyang pupuntahan.

"Ang dali lang naman pala nito. Sige, aalis na po ako." Hindi na siya pinigilan ng estranghero sapagkat halata kay Totoy ang kagalakan na matapos na agad ang kanyang misyon dahil nais na niya makuha ang kanyang sweldo.

"Mag-ingat ka na lang sa mga naka- uniporme, bata," bulong ng estranghero sa hangin habang naka-upo sa bench upang hintayin ang pagbalik ni Totoy.

----

Ilang oras din nag-lalakad si Totoy habang bitbit ang isang tupperware at papel na maka ilang beses niyang tinignan ang mga letra dahil grade one lang ang kanyang natapos kaya mahina siya sa pagbabasa. Hindi kalaunan napahinto siya sa isang bahay ngunit kakaiba ito dahil mapapansin ang pagiging tahimik sa paligid.

"Sa--sam--pa--loc estret ka-kalye bente uno," mahinang pagbasa niya sa nakasulat sa papel. Ngunit hindi niya alam na sa di kalayuan ay may isang pulis na kanina pa siya minamasdan simula sa kanyang pagpunta sa lugar na ito.

"Anong ginagawa mo rito, hijo?" tanong ng isang lalaking brusko at mapapansin ang pagiging pula ng kanyang mga mata na natigil sa pag katok sa bahay dahil nakaharang si Totoy sa harapan.

"May ibibigay lang po sana akong gamot," inosente niyang sagot dito.

"Ganun ba, hijo. Akin na ang gamot na iyan at ako na ang bahala sa gagawin dito," mapapansin ang pagiging galak nito sa kanyang boses dahil sa narinig niya na 'gamot'

"Yehey! Ito na po pala yung gamot." Inabot niya na nga ang tupperware na may 'gamot' ika nga nila at dahil sa senaryo na yun doon nakompirma ng pulis ang kanyang hinala.

Imbis na sigaw ng pulis ang kanilang marinig isang kasa ng baril ang pikawalan nito hudyat na maalerto si Totoy at lalo na ang bruskong lalaki.

"Patay! Takbo na bata." Dahil sa gulat hindi agad siya nakaalis habang ang bruskong lalaki naman ay nakatakbo na ng tuloyan.

"Tsss! Mga kabataan nga naman ngayon." Kinaladkad si Totoy ng pulis sa isang madilim na lugar kung saan sila dalawa lang ang tao. Hindi siya nakapalag man lang dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

"Anong gagawin mo sa akin?" Tagaktak na ang pawis niya dahil sa kaba sa mangyayare at mas doble ang tibok ng puso niya.

"Anong bang dapat gawin sa mga taong hindi marunong gumawa ng tama?" balik tanong ng pulis sa kanya "Diba, dapat silang patayin para mabawasan man lang." Hinarap siya nito habang naka tutok na ang baril sa sintido niya.

"Hu--huwag ninyo po akong patayin. Hinihintay pa po ako ni kuya tsaka wala po akong kasalanan, nagpautosan lang po ako." Hindi na maawat sa pagmamakaawa si Totoy sa kakahantongan ng kanyang buhay.

"Paalam na sayo bata." Isang malakas na putok na baril ang umalingawngaw sa madilim na lugar na yun at dali-dali kumuha ang pulis ng karatola na may nakalagay na 'adik ako huwag tularan' at nilisan ang lugar na yun na parang walang nangayare.

----

"Kawawang naman ang isang iyan."
"Kay bata bata pa ngunit adik na."
"Tsss! Dalat lamang sa kanya yan."
"Kulang sa aruga ng mga magulang."

Sa pagsapit ng umaga ay agad napansin ng karamihan ang bangkay ni Totoy na may nakalagay na karatula kung saan napansin din ni Ore ang komosyon na iyon dahil sa paghahanap niya sa kanyang bunsong kapatid napadpad siya sa lugar na yun.

"Ano po ang nangyayare?" tanong niya sa isag ale na nakikinood din doon.

"Isang adik na naman ang namatay, hijo." Sa hindi maipaliwanag na dahilan may halong kaba ang bawat hakbang ang kanyang pinakawalan matapos marinig ang sagot ng ale.

"To-Totoy," isang hagulhol ang pinakawalan niya matapos malaman na ang kapatid niya nawawala ay ngayon isa na lamang malamig na bangkay.

"Hindi, totoo ito isa kang mabait na bata," histerikal niyang kausap sa kanyang kapatid habang tinatanggal ang karatula na nakalagay dito. Sino ba kasi ang mag-aakala na ang isang batang nangarap maging pulis ay makakagawa ng ganitong gawain, pinatay lang siya ng kanyang pangarap, at tuloyan ipinagkait sa kanya ito ng tadhana.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now