Kuwento ni Lola Basya #62- Ang Sekreto ni Golden

11 0 0
                                    

"Dahil kaarawan namin dalawa ni Clyde kailangan natin itong icelebrate," batid ang kasiyahan namumuntawi kay Jane sa pagbigkas niya nito.

"Ano ka ba naman loves... Baka malagot tayo kay tita Minda kapag sinama natin si Golden." Panigurado nakadismayadong ang pagmumukha niya rito sa sagot ng kanyang nobyo.

"Hindi yan... Diba Golden sasamahan mo kami?" Isang tango lamang aking sagot at dahil doon nagbago ang lahat, isang selebrasyon na sana masaya ay nauwi sa madugong trahedya.

~~~~

"Golden, nandiyan si Clyde owh!" Eneryaha ang sinisigaw ng hangin pagbikas pa lang ni Merlida sa ngalan ng taong lubos kong minamahal.

"Hmmm! Kahit kailan naman hindi niya ako sasagutan o papahidan lamang ng tingin." Mahigit dalawang taon na rin mula nang namatay si Jane dahil sa aksidente kung saan kasama kaming dalawa ngunit sa kasamaang palad siya lang ang lubos na naging kritikal.

"Girl! Masyadong ka naman negative malay mo ngayon na pagkakataon mo. Hmmmpp! Yan naman si Clyde mahigit dalawang taon na ngunit si Jane parin minamahal." Winaksik ko na lamang kanyang mga sinasabi at pinakiramdaman ko ang hangin, nandito kami sa parke ni Merlida at panigurado nagpipinta na naman si Clyde sa aming paboritong tambayan.

"Tignan mo panay pinta na naman siya ng mukha ni Jane... Ayy! Sorry! Hahahaah!" May halong pang-iinsulto mungkahi niya mabuti na lang sanay naku sa tabil ng dila ng pinsan kong ito.

"Huwag kang mag-alala pinsan mamayang Gabi panigurado matutupad muna ang matagal mong ninanais." Mamaya na nga ngunit lubos ang aking pagiging kabado naway tama nga desisyon ko sa gagawin namin.

"Cylde, nandito kami owh!" Tawag ni Merlida sa kanya ngunit tulad ng dati hilaw na ngiti lamang naging tugon niya sa amin at muling binalik ang pagtingin sa pinipinta niya kanina.

~~~~

"Tindahan ng Lahat," bigkas ni Merlida sa nakapaskil sa itaas. Inalayan naman niya ako sa pagpasok namin, pansin ang kakaibang enerhiya nakapaloob dito na tila ba hindi ito pagkaraniwang na tindahan.

"Magandang Gabi! Tila na ligaw kayo mga dilag," isang nakakakilabot na tinig ang kumausap sa amin.

"Magandang Gabi po hmmm may bibilhin lang po ang aking pinsan na mga pares ng mata." Siniko ko siya dahil sa walang pag-atubling ika niya.

"Kayo pala yun nag-pm sa akin. Halika kayo nakahanda na ang order ninyo." Dahil nga hindi ko makita ang paligid kahit may tungkod ako ay todo alay parin siya sa akin.

"Itong mga piraso ng mata ay kinopya ko pa sa litratong sinend ninyo sa akin sa Facebook account ko. Marahil isang araw lamang ang bisa nito kung kaya ay sabihin na ang dapat sabihin." Agad kong kinapa-kapa ang dalawang pares na ito at sinunod ang mga paalala niya.

~~~~
Suot-suot ang pares ng bagong mata ko na kinopya kay Jane agad kong natanaw ang kagandahan ng paligid, dahil isang araw lang ang lunas nito hindi naku nag-aksaya pa ng oras at pumunta na agad kay Clyde.

"Golden, hanggang alas tres lang ang bisa niya kaya huwag mong sayangin." Nag-thumbs-up lang ako sa kanya at binilisan ang pagtakbo ko.

"Clydeeeee!" Pasigaw ngunit hika kong ika sa kanya marahil nabigla siya kaya sinamaan niya ko ng tingin.

"Anong ginagawa mo rito? Tsaka! Saan tungkod mo?" Sunod-sunod na himutok niya ngunit hindi ko yun pinansin bagkus yinapos ko siya nang mahigpit.

"Ano ka ba Golden? Baka may makakita sa ginagawa mo. Malalagot ako kina tita." Tinulak niya ko kaya napatumba ako dahil sa malakas na pwersa nito.

"Hanggang ngayon ba si Jane parin? Ako itong nandito lage, yung namatay si Jane ako yung nag-alaga sayo at ako lageng nagpapatahan sayo! Kita mo ito? Mga mata niya yan---mahal na mahal kita Cylde." Hindi ko na napigilan ang mga luhang umaagos sa aking bagong mata.

"Golden, Alam mo naman na ang kaibigan mo ang gusto ko simula mga bata pa tayo." Hindi ko parin ito pinansin at nagbihingan lamang, bumangon ako at muli siyang yinapos.

"Mahal kita at handa kong baguhin sarili ko para sayo! Bibili ako ng maraming mata para araw-araw kitang makita. Ako na lang kasi---ako na lang mahalin mo." Akala ko itutulak niya ako ulit pero binaon niya lang ako sa bisig niya.

Mga Kuwento ni Lola BasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon