Kuwento ni Lola Basya #43 - My Talking Angela

116 0 0
                                    

"Pasensya na pero masyado nang malala ang sakit ni Angela." Pagbukas ko ng pintuan isang katotohanan na bumungad sa akin may kukunin lang sana ako sa loob ngunit napatigil ako ng marinig ko ang usapan ni Ina at doktora Garcia. Ngayon ay araw ng pasko ngunit tila ba mailap ang kasiyahan sa akin dahil sa nalaman ko ngayon.

"Doctora, wala na po pa tayong magagawa upang gumaling siya sa sakit sa cancer sa dugo?" Tanong ni Ina kay doctora Garcia.

"Masyado ng malala ang kanyang kondisyon, misis. Pasensya na po kayo pero huwag po kayong mag-alala hindi po namin siya papabayaan. Mauna na po ako," sagot ni doctora. Diritso punta niya sa kabilang room para icheck ang pasyente rin doon.

"Nanay." Nagulat man sa akin presensya ngunit 'di ko na lang yun pinansin at agad akong lumapit sa kanya upang yaposin nang mahigpit at para hagkan na rin siya.

"Anak," isang simpleng tugon niya. Ako si Angela labas-pasok lang naman sa ospital sa murang edad na pitong taon gulang at may sakit sa dugo. Hindi tulad ng iba na kay ganda ng pagdiriwang nila ng pasko habang ako ay laging nakakulong sa kwarto at bawal magpagod masyado.

"Nanay, punta nga mo na ako sa cr." Pagpapaalam ko mo na at isang tango lang ang kanyang naging tugon sa akin.

-----
Patay-sindi ang ilaw dito sa sa cr dahil na rin medyo luma na ang ospital na ito kaya dali-dali kong ginawa ang ritwal ko para maka-alis na rin dito sapagkat may ibang sensyasyon ang nararamdaman kapag tumatapak ka rito.

"Ate, total pasko naman. Puwede bang maglaro tayo?" Nagulat ako dahil sa kakaibang boses akong naririnig na tila ba nangagaling ito sa kalaliman ng lupa sabayan pa ng walang katapusan na pagpatay at sindi nitong ilaw.

"May tao ba riyan?" lakas loob kong pagtatanong. Ngunit imbis na sagot ang akin makuha biglang namatay ang ilaw, sabay hampas nang malakas ng pintuan, at dala na rin ng takot ko dali-dali akong pumunta sa tapat ng pintuan sabay bukas nito ngunit agad akong nabahala sapagkat naka-lock na ito.

"Pake bukas po! Tao po! May tao po na-lock dito!" Tagaktak na ang aking mga pawis habang sumisigaw ng tulong buti na lang may maliit na butas ang pintuan sapat na upang bigyan ako ng katiting na ilaw dito sa loob ng cr.

"Ate, maglaro po tayo." Ayon na naman ang kakaibang boses ng babae na kinakausap ako.

"Hu-Huwag. Lumayo ka sa akin ayaw ko makipaglaro sayo," pikit mata kong sagot sa kanya. Isang kalabog ang aking narinig tila ba galing ito sa isa sa mga pintuan ng cr.

"Pe-Pero gusto kong makipaglaro. Yung nagsasalitang pusa na laro. Papayag ka o papayag ka?" Nakakakilabot ang kanyang boses at nagulantang pa ako sapagkat isang malamig na kamay ang dumampi sa akin at pinipilit niya na ibuka ko ang aking mga mata.

"Parang awa mo na sa akin, palabasin mo na ako, at hindi na kita gugulohin pangako." Sa pagdilat ko ng aking mga mata-isang batang babae nasa edad apat na taon ang nakangising demonyo sa akin, puno ng dugo ang kanyang mata, at puti ang pangunahing kulay ang namamayani sa kanya.

"A-Ate, mag-laro na po tayo." Pagmamakaawa niya sa akin ngunit dala na rin ng takot bigla akong nahilo hanggang sa unti-unti kadiliman sa akin nilulunod.

-----
"Kumusta na po siya, Doctora? Nakita po ko kasi siya sa cr na wala ng malay at namumuti na po ang kanyang balat."

"Okey na naman po siya. Siguro nabiktima lang siya ni Angela ang apat na taon gulang na babae namatay dahil sa sakit din na cancer sa dugo. Sa buwan na Disyembre saktong kaarawan pa niya." Gusto kong idilat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa at iba't- ibang boses ang aking naririnig na nag-uusap.

"Sino po si Angela, doctora?" tanong ng pamilyar na boses.

"Gaya nga ng sabi ko katulad din ni Angela ang batang Angela may sakit din ito pero sa kasamaang palad sa edad na apat na taon gulang namatay siya. Ang batang 'yon ay masayahin at mahilig mag-laro ng talking angela sa kanyang cellphone. Sige misis mauna na po ako." Sa pagpaalam niya ang siyang pag-dilat ko ng mga mata.

"Anak, jusko po bata ka. Salamat naman at nagising ka na." Aligaga man si Nanay ngunit mababakas sa kanyang mukha ang kasiyahan niya dahil nagising ako at 'di pa pala natuloyan sa akin sakit.

"Sshhhh! Nanay talaga malamang buhay pa ako," biro ko na lang sa kanya.

"Sige bibili lang ako ng makakain natin dalawa,anak." Pagpapaalam ni nanay at sa pag-alis at pagsira niya ng pintuan.

"Ate." Sa pag lingon ko sa tapat ng pintuan ang siyang bungad ni batang angela sa akin ganun pa rin ang kanyang postura ang kaibahan nga lang ngayon may dala siyang cellphone hindi sa kanya kung 'di akin habang patuloy na namamayani ang boses ni talking angela pero ang nakakakilabot boses niya ang ginagamit nito. Biglang namatay ang ilaw kaya babangon na sana ako upang maghanap ng ilaw pero hindi pa naman nakababa ang akin paa bigla na naman bumalik ang ilaw.

"Ate, maglaro na nga tayo." Laking panggamba ko dahil nasa tapat ko na ang batang Angela, suot-suot ang malademonyong ngiti; at winawagayway sa akin ang cellphone kung saan nandoon ang paborito niyang laro. Isang demonyong tawa ang kanyang pinakawalan habang nanlilisik ang mga mata na tila ba sinasabi sa akin na wala akong magagawa kung hindi ang pumayag sa munting laro na nais niya.

"Oo, si--sige maglalaro tayo, Angela." Galak na galak siya sa kanyang narinig kaya kitang-kita ang ngipin na may bahid na hindi kaaya-ayang kulay, balat na kasing puti ng papel, at dugo na patuloy sa pag-agos sa kanyang mga sugat sa katawan.

"Yehey! Maligayang Pasko po, Ate." tumabi siya sa akin kasabay ng malamig na hangin at siyang paghawak niya sa akin nang mahigpit na tila ba nais niya akong ipalit sa nilalaro niya.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now