Kuwento ni Lola Basya #4 - Spoken Poetry

1K 13 4
                                    

"Binibining Charlota, ikaw na ang susunod na mag-tatanghal." Agad nagising ang natutulog kung diwa na tawagin ang aking presensya ni Ginang Merlita ngayon araw kasi itong ang aming pag-tatanghal sa inihanda namin tula upang mag- spoken-poetry sakto naman dumaan ang aking inspirasyon habang isinusulat ko ito walang iba kundi ang matagal ko ng hinahangaan na si Blue. Gwapo, matangkad, at magaling sumayaw at higit sa lahat may nakakamatay na ngiti kahit nasa labas lang siya at tinatanaw ko lamang ay bolta-boltaheng kuryente na aking nararandaman. Sakto naman tumingin siya sa akin kinaroroonan kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Woi, Charlota tawag ka ni Ma'am ikaw na raw mag tatanghal," ika ng aking best na si Riane. Doon lamang ako nag balik sa reyalidad kahit nanginginig man habang dala-dala ang aking kopya buong kompyansa naman ako tumindig sa harapan ng aming klase.

"Magandang Hapon mga Binibini at Ginoo," bati ko sa lahat. Hindi ko aakalain na papasok si blue sa loob ng silid-aralan upang makinig kaya mas naging kabado pa ako dahil sa kanyang panonood ngunit kahit ganun its now or never a beg ng ate ninyo.

"Ang tulang ito ay para sa taong lubos kung hinahangaan na may pamagat na "Ang Pag-ibig ng Makata." Pag katapos kung bigkasin ang pamagat agad naman akong tumingin sa kanya kung saan seryoso ang ekspresyon ng kanyang pag mumukha habang nanonood. Maayos ko naman na bigkas ang bawat linya na sinamahan ko ng konting galaw habang hindi ko natatanggal ang pag-titig ko kay Blue gusto kung sumigaw na yes self ang tapang mo ngunit hanggang sa isip ko muna lang ito.

"Hindi man ikaw si Daniel Padilla
pero Ginoo puso at isip ko ikaw ang nais makilala." Agad naman nag hiyawan ang aking mga kaklase pati na ang aking guro kaya hindi ko agad nabitawan ang susunod na linya. Nang tumahimik naman sila
pigil tawa ako habang binitawan ang susunod na linya.

"Aamin ko hindi ako kasing ganda ni Kathryn Bernardo
pero pag ang makata iibig sa'yo sigurado ikaw ang magiging sentro na kanyang mundo." Ang kanina pa na seryosong blue unti-unti napalitan nang ngisi ang kanyang mapupulang labi.

"Ngunit...
Na sayang lamang ang mga metapora,
Dahil mapupunta lamang ito sa basura,
Ikaw kas--" Bigla akong napatigil kung saan pa tapos na sana ang aking tula dahil biglang tumayo si Blue akala ko aalis na siya pero laking gulat ko na bigla siyang nag lakad pa punta sa harapan kung saan mismo ako nakatayo.

"Hey!" bati niya sa akin habang may ngiti sa kanyang labi.
"Shems! you're so pakening precious when you smiled." Ayan na naman ngumiti ulit siya wala na finish na par.

"Ayeeehhh!"
"Ss na yan wotwot."
"Wala pa rin forever mga ogag!" Bwelta ng mga kaklase kung may saltik agad naman niya itong pinatahimik sa pamamagitan ng pag ngiti niya wala na siya na talaga.

"Hey, Mariana Charlota huwag mo muna tataposin ang tula na may mga negatibong salita dahil hindi pa naman nag sisimula ang ating istorya sinta."

"Ah kas--" mag sasalita sana ako nang pinatahimik niya ang aking labi sa pamamagitan ng pag lapat ng kanyang daliri sa aking labi, ano pa naman yan alam ninyo naman na marupok ako par.

"Hayaan mo muna ako mag salita Binibini dahil nais kung mag pasalamat sa iyong tula na pag tanto ko kasi hindi lang ako ang may gusto sayo pati ikaw din pala. Kaya Binibini Mariana maari bang manli--"

"Mr. Blue Alfonso and Miss. Marianna Charlota, No Public Display of Affection to my class go to detention now. Class dismiss!" At tumigil ang mundo namin ng umepal si Maam. Kaya napatawa na lang ang buong klase sa naging tugon niya habang hindi naman mapinta ang itsura namin ni Blue pagkatapos ng munting eksena namin sa classroom kanina at ngayon wala kaming imik habang binabagtas ang daan patungo sa detention-room. Marahil nahihiya at nagpapakiramdaman pa kaming dalawa. Hayts! Sana naman hindi biro yung kanina ang sakit kayang umasa na naman.

"We're here na pala," bigla niyang imik. Sa wakas naman akala ko kasi mapapanis na ang laway ko rito.

"Tara na. Hahahahah!" sagot ko naman na may halong nahihiyang pagtawa.

"Ang cute mo talaga future girlfriend. Tara na nga at baka mamaya makita na naman tayo ni Ma'am bitterela rito." Ano ba naman yan Blue nakakakilig ka naman kaya hindi ko na lang siya hinintay at agad na akong pumasok dahil ayaw ko makita niya na namumula na ang buong mukha ko dahil sa simpleng banat lang niya.

"Sandali naman future girlfriend."

"Bahala ka riyan." At doon nagsimula ang kuwento namin dalawa ni Blue na umaasa akong happy ending na.

Mga Kuwento ni Lola BasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon