Kuwento ni Lola Basya #27- Itim na Bestida

142 5 0
                                    


"Una na ako huh. Kayo na bahala rito."
"Sige, ingat ka rin sa pag-uwi."

Pag-papaalam ko sa kanila, isa kasi akong call center agent at tapos na shift ko kaya hatinggabi na rin ako nakakauwi. Gaya ng nakasanayan ko nag shortcut na lamang ako dahil mas mapapadali kung dadaan ako dito sa isang eskenita na patunggo sa isang sakayan. Habang binabagtas ang isang makipot na eskinita sa hindi maipaliwag na dahilan biglang bumibigat ang akin bawat yapak.

"Pssstttttt! Miss. Hahahahahaha."

Isang lakad takbo ang akin ginawa dahil sa hindi inaasahan may tinig akong naririnig habang may anino na matatanaw. Nagdala ito ng kakaibang atmospera sa paligid, palakas itong nang palakas na para bang isang gutom na hayop naghahanap ng laman.

"Hahahhaahhahahaha! Takbo! Tumakbo ka babae!" Walang alinlangan akong tumakbo kahit hindi ko alam kung saan pupunta. Gusto ko lamang lumayo sa lugar na ito at makatakas sa demonyo.

Habang suot-suot ko ang bestidang itim nagdadala ito nang kakaibang sensasyon sa akin pakirandam kasabay ng kilabot sa akin katawan.

"Huli ka! Hahahahaha." Nabalikwas ako sa aking kinaroroonan na napagtanto ko natigil na pala ako sa kakatakbo at ngayon nasa harapan ko ang demonyo.

"Hu--Huwag po, pa--parang awa ninyo." Isang hikbi ang akin pinakawalan habang sabay-sabay ang pagkawala ng mga luha sa akin mata.

"Huwag ka mag-aalala Miss dadalhin kita sa tunay na paraiso." Matatanaw ang ngisi sa kanyang labi habang sinisimulan warakin ang akin puri at ang bestidang suot-suot sinimulan niyang dungisan.

"Pl--Pleasee! huwag mong gawin ito sa akin," walang humpay kong pagmamakaawa.

"Madali lang ito Miss mag-hubad ka lang at sumabay sa akin." Tuloy lang ako sa pag-iyak nang umpisahan niyang warakin ang akin puri.

-----

"Mommy I have something to tell you po," Pagbasak ni Misty sa katahimikan na namumuntawi sa aming sala.

"Ano iyon akin prinsesa?" tanong ko kay Misty habang sinusuklayan ang kanyang mahabang buhok.

"Hmmmm! Bagay po ba ang dress na ito sa akin?" inosente niyang tanong at lumayo nang bahagya upang makita ko ang suot niya ngayon isang bestidang itim na may disenyong bulaklak. Tunay na kay ganda ng akin anak, bagay sa kanyang ang itim na bestida para siyang isang prinsesa. Dahil sa suot niya imbis na matakot at mabalik ako sa nakaraan bagkos napangiti na lang ako na mapagtanto na swerte ko sa aking anak dahil lumaki itong mabait na bata.

"Oo, naman anak ko. Halika nga rito kay mommy mo at payakap ako." Agad naman niya akong ginawaran ng isang mahigpit na yakap.

"I love you po Mommy ko," matamis niyang tugon sa akin at napaluha na lang ako ng palihim. Nang maalala ko ang akin masalimoot na nakaraan ilang taon na ang nakalipas isa akong rape victim sa edad na 18 may anak na ako. Gayon pa man ang anak ko ang nagbibigay liwanag sa madilim kong mundo at siya ang naging rason ko para ipagpatuloy ang buhay.

"Mommy, halika na malalate na ako." Himotok ni Misty kaya kinarga ko na lang siya, bago pa man kami malate ngayon kasi ang recognition ng paaralan nila at ang anak ko ang top one kahit papaano nagbigay siya ng liwanag sa itim kong mundo.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now