Kauwento ni Lola Basya #37- LuzViMinda Channel

132 0 0
                                    


Isang hitik na hapon na magpagdesisyonan kong pumunta sa internet cafe dahil bakasyon na naman at ito ang tipikal na ginagawa ko tuwing walang pasok.

"Erica, ano pang hinihintay mo riyan?" tanong sa akin ni Nena ang aking matalik na kaibigan mula noon, agad naman niya akong kinaladkad papasok sa internet cafe na pinupuntahan namin tuwing bakasyon. Sa pagpasok namin isang maingay na atmospera ang bumati sa amin dahil sa mga samo't saring manlalaro nandito, meron din naman iilan na tambay sa social media lalo na ang facebook, at kami naman ni Nena ay katulad ng nakasanayan agad kaming umupo upang aliwin ang aming mga sarili sa pamamagitan nang panonood ng mga video's sa youtube.

"Balita ko raw may bagong video blog ngayon si Kyo Quijano." Agad naman niyang tinipa ang pangalan ni Kyo sa search bar at hinanap ang bagong video nito habang ako naman ay nagkipit-balikat na lamang dahil panigurado mag-hihisterikal na naman yan dahil sa idol niya. Ako naman ay mas piniling dumistansya nang kaunti sa kanya at nag-scroll-down lang kung ano ang magandang panoorin at sakto naman dumako ang paningin ko sa isang video na may itim na background, uploaded 1 year ago, at wala man lang kahit isang view.

"Mapanood nga ito." Sa hindi maipaliwanag na rason bigla ko itong pinindot upang panoorin habang umikot pa ito simbolismo na nag-loloading pa 'di ko mapigilan mapadako ang paningin ko sa pangalan ng user na nag-upload nito kung saan LuzVinMinda ang nakalagay at may watawat ng bansa ang litrato na nakapaloob dito.

"Maligayang pagbati at iginagagalak namin ipasyal ka." Ngunit imbis na mukha ng video blogger ang dapat babati sa akin ay isang boses ang nangibabaw buti na lang pala at nakasuot ako ng headphone.

"Wala naman pala itong magandang dulot," busangot kong tugon sa aking sarili kaya pipindotin ko na sana ang stop button para itigil na lang ito ng biglang umikot ang paligid, kaya napahawak na lang ako sa aking sentido habang nakapikit dahil sa nakakahilo na dulot nito, at ang paligid na maingay kanina naging mas naging maingay pa ito.

"Unang destinasyon; Luzon, kung saan ang buhay ay nasa bingit ng kamatayan," isang kakaibang boses ang namayani sa aking utak kung saan naririnig ko si'ya ngunit 'di ko makita kung saan nanggagaling ito. Hanggang sa unti-unti pagmulat ng aking mata isang lugar kung saan puno nang basura sa paligid, itim na usok kung saan nanggagaling sa pabrika at mga sasakyan sa kalsada, at mga batang sa murang edad namamalimos sa bawat tao na dumadaan. Ito ang senaryo na bumati sa akin.

"Tulonggggggg! Isang magnanakaw! Kinuha niya ang aking bag," isang nag-papanic na boses ang namayani sa buong paligid dahil may isang ginang na ninakawan. Hahakbang sana ako upang tulongan siya ngunit umikot na naman ang paligid, tila ba hinihigop ako nito sa ibang dimensyon, at tama nga ako dahil sa pag bukas ko ng aking mga mata nasa ibang lugar na naman ako.

"Pangalawang destinasyon: Visayas, lugar na kung saan pinapaligiran ng karagatan kung saan nakakahumaling ngunit sisirin nang maigi at makikita mo ang tunay na mukha," isang boses na naman ang nagsasalita sa aking isipan ngunit mas malumanay ito kumpara kanina ang boses niya ay tila ba puno nang hiwaga.

"Tul--Tulong po! Hindi ko ito sinasadya. Bata pa po ako 'wag ninyo akong saktan." Sa hindi kalayoan na lugar may isang binibini na sumisigaw na tila ba takot na takot ito.

"Ssshhhhh! Madali lang ito. Sumunod ka na lang sa akin, sinta." At ang susunod na pangyayare ang siya ikinagulat ko dahil isa-isa niyang tinanggal ang saplot ng babae, at hinihimas pa ito, gustohin ko man na tumulong ngunit katulad kanina tila estatwa ako na 'di makagalaw sa aking kinaroroonan

"Tama na! Please naman! A--Ayaw ko na rito." Pikit mata kong tugon na namamyani ang ka gustohan ko ng umalis sa lugar na ito kasabay na pag-ikot ng paligid ang siya patuloy pa rin na pagmakakaawa ng babae biktima.

"Pangatlo at huling destinasyon: Mindanao, lugar na mailap man sa sentro ngunit mag-ingat dahil hindi lahat ng tao makakasalamuha ay tao minsan sila talaga ay uhaw sa kapangyarihan at pagtanggap." Hindi pareho sa dalawang unang mga boses ito ang pinaka-nakakagimbal dahil puno ito ng autoridad na tila ba hinihigop ka pa-ilalim.

"Sumuko na kayo." Nagitla ako sa narinig at napayuko nang biglaan dahil sa mga bala na tila ibon na lumilipad sa ere ngayon.

"A--Ano ba itong napasukan ko." Nangangamba man sa mga nangyayare pinilit ko na lang tibayan ang aking kalooban. Habang may mga sundalo at rebelde ang nagpapalitan ng mga bala, mga pamilya na 'di mapakali, at mababakas ang mga takot sa kanilang mga mukha.

"Tulo--Tulong!" sa aking pagsigaw isang pamilyar na boses ang tumatawag sa aking pangalan. "Erica, gumising ka." Isang pag-ikot na naman ng paligid ang naranasan ko sa pag mulat muli ng aking mata nandito na ako ulit naka-upo sa internet cafe habang kaharap ang monitor ng computer.

"Ano pa ang nangyayare sa'yo?" Mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala sa akin.

"Hin--Hindi ko rin mapaliwanag," nagugulohan ko rin ika sa kanya na para bang hindi mag-sink-in sa utak ko ang pangyayare.

"Mabuti pa at tanggalin mo na yung headphone mo at umuwi na tayo." Doon ko lang napagtanto na suot ko pa pala ang headphone at sa pag- lingon ko sa screen ng computer kanina pa pala ito naka-off marahil ubos na ang binayad namin.

"Ta--Tara na nga, Nena." Sa paglisan namin sa lugar na yun at sa huling beses may narinig akong iba't ibang boses ngunit iisa ang sinasabi at yun ay "Salamat at hanggang sa huling pag bisita. Kindly subscribe to our channel." Nagimbal ako kaya dali-dali na lang din ako nagpatangay sa paghatak sa akin ng aking kaibigan.

Mga Kuwento ni Lola BasyaWhere stories live. Discover now