Kuwento ni Lola Basya #52 - Manong na nakasuot ng Kulay Pula

115 0 0
                                    

Malamig, makulay, at halos ng pamilya ay naghahanda. Ngayon ang buwan ng Disyembre na tila ba awtomatiko na sa mga labi ng bawat isa na mamumuntahi ang bakas ng kasiyhan sa kanilang pinapahiwatig na ngiti at konektado rin ito sa kanilang mga mata.

"Elsa, balita ko gipit na gipit ka raw ngayon dahil na ospital ang tatay mo tsaka iyong tatlo mong kapatid wala na rin daw makain," ika ni Anna sa kanyang matalik na kaibigan habang nakatambay sila sa tindahan ni Aling Bebang sapagkat kakatapos lang nilang mamalimos at nagsisimula ng rin na sumilip ang buwan sa kalangitan.

"Oo, tama ka nga riyan Anna tsaka nangangamba na nga ako dahil ang tumal ng kinikita natin sa pangmamalimos. Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo pa at kailangan na ni Tatay uminom ng gamot kasi noong gabi pa siya hindi nakakainom," monologo ni Elsa sa kaibigan. Habang bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan dahil sa edad nitong sampung taong gulang pa lang ngunit tila ba pasan na niya ang mundo.

"Ganun ba kaibigan? Kung ganun naman pala mas maganda kung mangaroling na lang tayo at dahil magpapasko na mamaya sigurado akong na mas galante ang mga mamamayan ngayon,"  pagpapaliwanag ni Anna. Sa bawat bitaw niya ng mga salita na yun ay mapapansin ang ningning sa kanyang mga mata.

"Dahil diyan mas maganda kung sa isang subdivision tayo mangaroling sapagkat ang yayaman ng mga nakatira roon. Tayo na at simula ang agenda natin." Sabay-sabay silang nag-apir dalawa habang nagsimula ng bagtasin ang daan patungo sa Makulay Subdivision.

Isa itong subdivison na kung saan pinamamahayan ng mga angkan ng mayamat at maimpluwensiya sa kanilang lugar. Medyo may kalayuan ito sapagkat ninanais ng bawat pamilya rito ang matiwasay na kapaligiran. Habang naglalakad sila Elsa at Anna patungo roon hindi man lang nila napansin ang malagkit na pares ng mga nakatingin sa kanila, may ngiti ito sa kanyang labi habang nakasuot sa ibang katauhan, mabagal niyang minanaobra ang puting van na sinusundan ang dalawang bata.

"Owh! mga ineng, anong pakay ninyo rito sa loob ng subdivision?" Nagtatakang tanong ng bantay dahil mag-aalas-otso na rin ng gabi at madalang lang talaga ang pumunta sa kanila na bisita.

"Maaari po ba kaming mangaroling dito? Kailangan lang po talaga namin ng pera," pahiwatig ni Elsa nasa tabi niya lang si Anna na tila ba may kakaibang nararandaman sa pagyapos ng malamig na hangin.

"Ganun ba mga ineng naku naman ako ay papayag pero dapat kayong mag-ingat," pagpapaalala niya sa dalawa habang binuksan na niya ang harang sa subdivision.

-----

"Ang ganda naman talaga rito, Anna. Totoong kay kulay ng kanilang paligid." May bahid ng ngiti ang matatanaw sa labi ni Elsa habang binabagtas ang daan at naghahanap sila ng bahay na maaari na nilang alayan ng awit.

"Halika na nga Elsa at magsimula na tayo." Nagtataka man sa inasta at tono ng pananalita ni Anna ngunit hindi na lamang niya ito binigyan pansin.

"Mamamasko po!" Sigaw nilang dalawa matapos kantahan ang ika-sampung bahay na kanilang pinuntahan.

"Ito na mga ineng at umuwi na kayo dahil delikado na sa daan lalo pa ang dilim na pa uwi sa inyo," ika ng Ginang sabay abot ng isang daan sa dalawa. May katandaan na ito at alam niya ang bali-balita sa kanilang subdivision na may nangunguha ng bata.

"Maraming salamat po. Oo, uuwi na kami lola sapat na ang kinita namin ngayong gabi." Sobra-sobra pa nga ang kanilang kiniti kung tutuosin.

Hindi naman sila nahirapan kahit pa naglalakad lang sila patungo sa labas ng subdivision sapagkat may kaunting liwanag pa naman nanggagaling sa mga kabahayan kahit na mag-aalasdose na.

"Ang layo pala ng naabot natin, Anna.
Tignan mo medyo maraming kahoy sa banda rito hindi parehas sa na unang nakanto na puntahan natin." Nanatili parin na tikom ang bibig ni Anna habang palinga-linga sa kapaligiran sa kabilang banda lubos ang pagtataka ni Elsa sa inaasta nito simula ng pumasok sila rito sa loob ng Subdivision may kakaibang aksyon kaya minabuti nilang pabilisin ang paglalakad.

Mga Kuwento ni Lola BasyaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora